I: Ano

115 6 1
                                    

Madilim sa paligid... pero hindi ibig-sabihin wala na akong nakikita. Maraming makukulay na ilaw ang gumagala't sumasayaw paikot-ikot sa paigid. Maliwanag din naman sa harap ko na nakasalansan na iba't ibang uri ng vodka o mga alak napinaghahalo-halo ng lalaking nakaitim na suite at may bow tie. Nakakalibang ding panuorin kung paano niya pinaglalaruan ang mga bote't baso sa katawan niya... Hagis dito... ikot duon... alog lang ng alog...

Nabibingi na ako sa lakas ng speakers sa tabi ko. Masyadong madami na rin ata nainom ko.

Alam ko hindi pa ako dapat naandito dahil sa edad ko. Seventeen years old pa lang ako. Wala pa sa legal age.

Nadadaya ko lang kasi sa itsura ko. Mas muka akong mature tignan kumpara sa iba na bente na ang edad.

Medyo hilo na ako...

Hinde... Hilong hilo na pala ako...

Basta...!

Ang cellphone ko ay nakapatong lang dito sa mesa. Wala naman sigurong magkakainteres sa ganitong uri ng cellphone..., depintot ang keys na parang 3210, sinaunang phone.

Teka!

Ngayon ko lang naisip, kanina pa pala umiilaw ng umiilaw ng screen ng phone ko. Malamang kanina pa may nagte-text sa akin... o 'di kaya may tumatawag...

Wait! Check ko lang muna...

Hmmm... Tama ako. Puro text messages at missed calls nga galing sa mga kaibigan ko.

May tama na nga ako. Kanina pa pala may nagte-text sa akin.

Pipindutin ko na ang read message...

...!

May tumatawag. Si Julia Franco...

"Hello? Samuel! Nasaan ka?" si Julia nga.

"H-hi!"

"Teka! Lasing ka na naman?! 'Di ba may pupuntahan nga tayo nila Juan ngayon? Pinagplanuhan nga natin iyon eh!" sabi niya sa phone ko.

"H-hi," lasing na nga ako dahil hindi ko na makontrol pati pagsasalita ko.

"... Sam, nandyan ka ba sa usual place mo? Sige, kami na lang pupunta diyan! Antayin mo kami dyan ah! Susunduin ka namin," pinapaantay niya ako dito.

"H-hi"

"Tooot," nag-call-ended na.

Tama siya. Nasa usual place nga ako, dito sa bar na ito kung saan ko huling nakita si Maria.

Naalala ko pa 'yung itsura niya dito...

Pumasok sa isipan ni Samuel ang magandang muka ni Maria na nakasimangot habang ang mga tao ay nagsasayawan sa gilid niya... Dumila sa kaniya si Maria at biglang ngumiti...

"... Sige lang! Okay lang ako dito," sabi ni Maria. "Nandito naman tayo para magsaya at mag-enjoy 'di ba?"

"... Nandito lang ako nakaupo sa gilid," binanggit ni Maria habang nakaupo siya sa table na pang maramihan habang nakakalat ang mga gamit ng mga barkada sa upuan. "Hindi kasi ako nakaka-relate sa mga sayaw at music. Masyadong modern!"

Naiisip ko na naman ang mga huling pag-uusap naming dalawa. Kapag lasing ka talaga, nananaginip ka ng gising, mas malinaw pa kaysa kapag tulog, mas makatotohanan pa kung titignan.

Napapalingon tuloy ako duon sa puwestong iyon. Duon kasi siya nakaupo nung hindi siya nakikisali sa amin sa pagsasaya.

Anong nangyari kay Maria...? Nawala siya, na-kidnap at namatay. Biglaan kasi ang mga nangyari, kalagitnaan pa ng pagsasayaw namin. Hindi pa rin namin alam kung ano ba ang nangyari sa kanya... pero sigurado lang kami na pinatay siya.

Mahirap itapat ang daliring hintuturo kung kani-kanino basta-basta. Hanggat walang ebidensya, walang sinu man ang pwedeng magturo.

Kaya nga ako nandito, para sa kanya. Isang buwan na'ng nakalipas pero nagdaramdam pa rin ako.

Si Maria kasi ang una't huli kong girlfriend. Sa totoo lang hindi ko inasahang magkakaroon ako ng girlfriend dahil sa lagay ko..., payat, masyadong organisado at mahilig sa libro. Siya pa nga ang nag-propose sa akin eh. Sinagot ko naman agad kasi gustong gusto ko rin siya.

Answerte ko bilang isang lalake, niligawan ako ng mahal ko... pero hindi rin, kung mamamatay lang din ang mahal mo, swerte pa ba iyon?

Malamang paparating na sila Julia...

Hilong hilo na kasi ako...

Siguro ihiga ko na muna itong ulo ko at matulog.

Inihiga ko na. Nakaharap ako sa cellphone ni Maria. Ito nga pala ang huling gamit na nabigay niya sa akin.

Ipipikit ko na ang mga mata ko...

"Samuel?" may boses... Malamang si Julia na ito. "Sam! Huy!"

Unti-unting nagdidilim ang paningin ko. Nakikita ko si Julia kasama ni Juan.

"Julia, bubuhatin ko na lang siya!"

Bloody MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon