XVII: Una

29 3 0
                                    

"So sino 'yung kanina?" Nagtaka si Jennelyn.

Kaming lahat. Nagtataka na din.

Hindi ko napansin na umaatras na pala ako... natanto ko na lang nang may maapakan akong isang bagay.

"Ano 'to?" Nakatingin ako sa isang klase ng board game. Bumaba ako at hinugot... isang Ouija board!

"Huh!" nagulat ako siyempre.

Napaupo si Julia.

"Julia? Bakit?" tanong ni Jennelyn. Nakita rin niya 'yung naapakan ko. "Ano 'yun?"

"Wala naman 'yan kanina ah," sabi ni Timothy. Pinulot niya. Nalaglag ang isang glassy object sa sahig. "Ano 'to? Tara! Gamitin natin!"

"Sakto!" sabi ni Leo. "Buksan niyo lahat nung kamera!"

~~~~

Nakabilog kaming pito, nakaupo sa sahig. Katabi ko si Julia at Timothy. Sa tapat namin ay sina Julia, Bianca, Jennelyn at si Leo. Anong ginagawa namin? Ginagamit 'yung Ouija board na nakita namin kanina. Nung una, medyo ayaw ni Julia dahil daw may naaalala siya duon... pero pumayag din nang mapilit siya ng iba.

"Naandiyan ka ba?" sabi ni Leo. Lahat kami ay nakahawak sa glassy object na ito. "Naandiyan ka ba?"

"Siguro, dapat magtawag tayo ng pangalan?" suggestion ni Bianca. "Julia, ano-ano ba pangalan ng mga kaibigan mo?"

"Hmm... si... A-alex? Si... R-raul? Si... Maria?"

"Si Maria na lang!" sabi ni Leo bigla. "Maria! Maria! Kung naandito ka man, magpakita ka! Kung ayaw mong magpakita, magparamdam ka na lang!"

"Ganun ba 'yun? Tatawagin?" tumingin si Jennelyn ng nakasingkit kay Leo. "Parang 'di naman!"

"Oo nga," sumang-ayon si Timothy. "Julia? Alam mo ba kung paano?"

Tinignan naming lahat si Julia. Hindi siya sumasagot. Hindi rin siya makagalaw.

Napasingkit kaming lahat. Unti-unting lumapit ang ulo.

Nagulat ako nang biglang tumulo ang luha niya, at saka nanginig.

"Julia?!" sabi ni Timothy.

"M-may nakikita ako," nanginginig na din ang boses niya.

"Nakikita?" Kalma lang ang boses ni Jennelyn nang magtanong siya. "Anong nakikita mo, Julia?"

Tinapat ni Timothy ang hawak niyang kamera kay Julia dahil magandang eksena ang nangyayari.

"S-sa..."

"Sa?" tanong ni Jennelyn.

Mahina siyang sumagot, "Sa likod ni Sid."

...!

Lub dub lub dub...

Nanahimik ang lahat.

Nakaramdam ako ng lamig sa katawan. Bumulong din ang hangin sa tenga ko.

Tumingin sila lahat sa akin. Napatingin din ako sa kanilang lahat.

Unti-unting lumingon sa likod.

Paharap muna kay Timothy... then...

...!

Nakapikit ako.

Dinilat ko bigla ang mga mata ko!

...

Wala naman akong nakikita sa likod. Hinanap ko rin.

Nakakatakot pa rin dahil madilim-dilim at maliwanag 'yung buwan kahit wala naman talaga akong nakikitang dapat na ikatakot ko.

Bloody MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon