V: Paano

56 4 2
                                    

"Bloody Mary... Bloody Mary," binabanggit ni Juan ang tulang gawa-gawa niya. "Lumabas ka sa salamin kung maaari..."

Tuloy-tuloy lang siya sa pagsasalita.

Nakapatay pa rin 'yung ilaw. Pati mga cellphones namin, naka-off din 'yung flashlight. Ang tanging ilaw lang namin ay ang kandilang nakalagay sa kamay ni Juan.

Sa salamin kami lahat nakatingin.

Takot na takot na 'yung iba. Halos mangiyakngiyak sila habang sinasabi 'yung gawa-gawang orasyon ng mga ito.

Pero ano ba ginagawa ko dito...? Kailangan kong sumabay...

"...Magpakita sa'min at kausapin mo kami..."

Isa..., dalawa..., tatlo..., apat...

"Wala namang nangyayare eh," sabi ni Julia.

"Akin na nga 'yung kandila!" kinuha ni Raul 'yung kandila. Bigla niyang binago 'yung orasyon sa kaniyang gusto, "Bloody Maria! Bloody Maria! Bloody Maria!"

Malalakas at paulit-ulit 'yung pagkakasabi ni Raul.

"Raul! Ano ba 'yan?!" nagrereklamo si Madilyn.

"Tumigil ka!" hinablot ni Talia 'yung kandila dahil sa galit.

Hindi ko alam ginagawa ko.

"Baag!" hindi ko napigilang sapakin si Raul sa muka.

"T*ng ina mo pala p're eh!" nagpunas siya ng dugo sa labi.

Tinulak niya ako. Napaupo ako sa sahig.

"Hoy! Huwag kayong mag-away!"

"Awatin mo Juan!"

Biglang binanggit ni Raul, "Patay na si Maria, Sam! Hindi na iyon makakaramdam! Wala nang pakialam 'yon dahil patay na siya! Patay na si Maria! Patay na si Maria Castillo na mahal mo!"

Patayo sana ako para suntukin siya ulet biglang...

"Whooosh..." namatay 'yung sindi ng ilaw sa kandila na hawak ni Tania.

"Aaaaah!" nagpanik ang lahat. Nagtilian lahat sila at nagtatawagan.

"Juan! Juan! Nasaan ka?!"

"Julia? Madilyn!"

"Juan! Saan kayo?! 'Yung cellphone ko nasa lababo!"

"Sam! Sam? Sam!"

"Click," napindot na rin sa wakas 'yung flashlight ng cellphone ni Tania.

Nagtaka si Tania sa akin, "Samuel? Anong nangyare sa iyo?"

Lumapit si Tania at hinawakan ako.

"Ang lamig mo Sam!" napansin niya na malamig ang balat ko.

"Guys! Uuwi na ako! Natatakot na ako eeh!" gusto nang umuwi ni Madilyn.

"Samahan kita Maddy," sabi ni Julia. Lumapit si Julia kay Maddy at dagdag niya, "Samahan kita palabas."

~~~~~~~~~~~

Lumabas na sila. Nasa loob pa ako at 'yung iba.

Nakaupo ako sa sofa. Kalmado na kami parehas ni Raul. Kahit ganon, hindi kami nagpapansinan.

Kanina pa tumitingin sa akin si Talia na parang may gusto sabihin. Malamang may itatanong ito sa akin mamaya.

Si Juan nakatayo. May sinusubukang tawagan pero mukang hindi niya ma-contact kasi walang signal.

"Talia samahan mo ako pauwi ahhh!" sabi ni Alex.

"Opo..." sumagot si Talia.

"Ayan... Malagkit na tingin!" biro ni Alex na medyo nakakainis dahil sa sitwasyon ngayon.

Hinawakan ako ni Talia sa kamay. Masinsinan niya akong tinanong ng pabulong, "Anong nangyare kanina?"

"Ano na naman 'yan Tania? Booking?" singit na naman si Alex.

"Talia... May narinig kasi ako kanina... Parang tinatawag ako ni Maria..."

Napaatras ang katawan ni Talia at kamay. Halata sa kanya na kinakabahan siya.

"Bakit Talia? Hindi naman kasi ako sigurado... Sabay-sabay tayo nagsisigawan kanina..."

"May narinig din ako!" pinutol ni Talia 'yung sinasabi ko. "Juan! Puntahan natin 'yung dalawa! Delikado ngayon!"

Bloody MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon