"Guys, ano na?!" galit pero malungkot ang presidente naming nagsasalita habang nakaupo siya sa kanyang upuan. "Kawawa naman tayo. Wala na ba tayong huling pagpipilian?"
Nasa loob kami ng room ng club namin, nakaupo lahat. Apat lang kami ngayon dito, kasama na ang presidente. Nakaharang 'yung blindfolds pero hindi naman madilim dahil may liwanag pa ring nakakasilip.
Mahirap tanggapin pero nabubulok na ang lahat ng mga gamit at mga papel namin, dito sa club na ito. Walang... gustong sumali sa amin.
"President," sabi ni Bianca sa tabi ko. Dumiretso siya ng upo at sinabing, "Wala naman tayong magagawa kung wala talaga. Mabuti pang ma-dissolve... o mawala ang club, hindi naman kasi talaga nag-e-exist ang mga ganong bagay... Niloloko lang natin ang mga sarili natin."
"Bianca naman," sabi ni Timothy. Lumingon ako sa likod, pero si Bianca nakaharap pa rin sa unahan. Paliwanag niya, "Kaya nga tayo nagmi-meeting para masalba ang club natin."
Hindi na lang umimi si Bianca.
Palibhasa, ayaw niya naman talaga sa group na ito. Napilitan lang siya dahil wala na siyang choice. Lahat ng mga club, ayaw siyang tanggapin dahil wala siyang pinapakitang kayang gawin... sa choir, sa dance club, sa art club, sa cooking club... lahat! Parang walang talent na binigay sa kanya na kaya niyang gawin. Kaya, ayun, napasok siya sa club namin.
Si Timothy, best friend niya. Palibhasa magkatabi lagi sa sitting arrangement. Sandoval kasi apilyedo ni Bianca, tapos, Santiago si Timothy. Lagi pa silang mag-classmates.
Si Timothy Santiago naman, mahilig siyang mag-documentation. Ang ibig-sabihin ko, mahilig siyang maglista ng kung ano-anong nakikita niya o mag-take-down-notes. Mahilig din kasi siyang magsulat, lalong lalo na sa blog niya... Timothy's View Blog.
Tahimik namang nagta-type ng keys si Jennelyn sa gilid. Tunog lang ng bawat pagpindot niya ang maririnig mo sa kanya, "click, click, click."
Siya naman, hindi nag-atupag mamili ng club. Ginagawa niya ang clerical work sa club namin. Kumokolekta sa mga bulok na files, inaalam lahat ng impormasyon, at magaling din maghanap ng mga references... parang secretary na siya ng club namin, kumbaga.
Jennelyn Galeria... hindi maarte, maayos gumawa, siguro... masasabi ko... madiskarte.
Nakapagtataka lang na dito siya napadpad.
Ang presidente naman namin ay si Leo Ramirez, ang pinakamatanda sa amin.
Naaalala ko, sabi niya, siya lang ang natira sa dating mga miyembro ng club. Lahat, sabay-sabay grumaduweyt. Kaya, ayun, naawa ako sa club.
'Yun talaga ang pinakarason kung bakit ako naandito. Naawa lang ako, ako 'yung unang applicant nang mga oras na pasara na ang applications.
Ako si Sidney Peña... isang pangkaraniwang estudyante sa isang mataas na paaralan. Wala masyadong kaibigan, 'yung mga tao lang dito sa club. Hindi naman kasi ako pansinin sa klase... kaya dito na lang ako.
"Kailangan talaga natin makahanap kahit isang istorya lang, 'yung maganda na 'yung kwento, may maganda pang ebidensya," sabi ng presidente. Pinatong niya ang kamay niya sa desk ng table niya at halatang kinakalma ang sarili. Siguro na nanakit na ang ulo niya. Dagdag niya, "Siguro kapag nagawa na natin iyon, may sasali na sa atin."
"Siguro kailangan may humanap sa mga estudyante ng kwento, pres," sabi ni Timothy.
"Sana meron... ano bang mangyayari kung wala nang sumali?" tanong ni Bianca.
"Ga-graduate na kami ni Jennelyn ngayong year, Bianca," sabi ng presidente. Tama, sila ang mga seniors ng club namin, kami lang 'yung juniors. Tinuloy niya, "Madi-dissolve ang club kapag hindi natin ito nagawan ng paraan."
"Ha? Hala!" nagulat kaming tatlo.
"Ayoko na sa ibang club," sabi ni Timothy.
"Mayayabang naman silang lahat," mariing sinabi ni Bianca. "Hindi ako papayag."
"Bakit naman ganon?" tanong ko bigla.
Huminga ng malalim si Leo. Sabi niya, "Minimum of 5 members ang bawat club, Peña. Kung mababawasan pa tayo, hindi magpapatuloy ang club, lalo na't alam nating walang gustong sumali sa atin."
"Saklap," nasabi ko.
"Sidney," may biglang tumawag sa pangalan ko nang bumukas 'yung pinto. "May bago akong nakuhang evidence!"
Si Roy lang pala. Ang pinaka-devoted sa amin.
Weird siya, oo. Kung ano-ano ang mga kwento niya... kung ano-ano rin 'yung mga alam niya.
Iba-iba daw ang mga dimensyon. May limitadong kakayahan din daw ang third eye. Sa lahat daw ng uri ng mga aswang, tyanak lang daw ang hindi totoo... basta! Weird... geek.
"President," sabi niya, lumapit siya agad sa gitna at nilapag ang isang larawan. "Ayan! Ayan lang ang kinaya ko."
Sinilip namin 'yung larawan. Makakakita ka ng UFO sa gitna. Halatang peke dahil may tali lang pataas tapos, gitnang gitna nakuhanan, hindi makatotohanan.
"Ang galing, hindi halatang peke," sarcastic ang boses ni Bianca nang sinabi niya.
"Ako pa!" sabi naman ni Roy. "Magaling ata ako."
"Hindi natin kailangan gumawa ng peke," sabi bigla ni Leo. Tumayo siya at sumilip sa salamin. Seryoso siyang tao. Kaya sersyoso siyang nagsalita, "Sa totoo lang guys... gusto kong... gusto kong makita... magawa... gusto kong maramdaman ang essence ng club natin."
Napatingin kaming lahat sa kanya.
Hindi kami sumagot kaya nagpatuloy lang siya, "Nakikita niyo ba ang club ng iba? Kaya maraming gustong sumali sa kanila, dahil sa mga nagagawa nila. Nakakapag-perform sila, nakakapag-present. Nakakatapak sa stage, nakapagpapakita ng mga sulatin at babasahing sila gumawa. Gusto ko... ang gusto ko, tayo rin."
Nanahimik kaming lahat ng sandali. Natanto ng lahat ang mga sinasabi ng presidente.
"Opo, presidente, gagawin po namin ang makakaya namin sa club namin," nagbago ang mood ng konti si Bianca.
"Hahanap tayo ng totoong isyu," sabi ni Timothy.
"Makakahanap din tayo!" sabi ni Roy.
"Opo, president," napasalita na lang ako.
Lumingon siya at ngumiti.
"Tayo ang Supernatural Investigation Club! Tayo ay ang mga tagahanap, tagaimbestiga at tagadiskubre ng mga sikreto at ng mga kakaibang pangyayari sa school natin o sa labas," wika ng presidente.
"Opo!" sabay-sabay kaming lahat.
"Go pres," sabi ni Jennelyn ng matamlay at nakataas ang kaliwang panuntok. Nagta-type kasi siya sa keyboard ng computer.
...
Nasa canteen kami, sabay-sabay kumain.
May isang tao ang pumukaw ng atensyon ko.
Nakatingin ako sa babaeng kumakain mag-isa sa dulo ng canteen. Mukang malalim ang iniisip niya.
"Siya si Julia, naging usap-usapan sa school ang nangyare sa kanya," bumulong bigla sa tenga ko si Jennelyn.
"Jennelyn," napasalita ako sa gulat. "Nakakagulat ka naman!"
Hanggang ngayon, nagta-type pa din si Jennelyn, pero sa laptop na.
Tinignan ko ang sinasabi niyang Julia, muka siyang tahimik na tao, mapag-isa, at walang kaibigan. Kakausapin ko... para sa club namin.
BINABASA MO ANG
Bloody Maria
ParanormalPitong taong nagtuturuan kung sino ang dapat sisihin... sino nga ba ang dapat sisihin sa kanila? Halos lahat naman sila may kasalanan kay Maria. Bloody Mary..., hindi dapat nilalaro dahil hindi naman ito isang laro... Isa itong paraan ng pagpapakam...