Tumayo ako... at biglang may pumigil sa akin. May humawak sa kamay ko.
"Sid," sabi ni Jennelyn habang nakatutok sa laptop niya. "Maraming may ayaw sa kanya maging kaibigan."
Napatingin ako kay Jennelyn. Nagtaka ako kung bakit niya sinabi 'yon. Umupo ulit ako. Tanong ko, "Ha? Bakit mo sinabi? Ba't naman ganon?"
"Dahil bigla na lang siyang magdidiliryo," paliwanag niya habang nakatunganga pa din.
"Anong ibig mong sabihin?" pabulong na tanong ko.
Medyo naging interesado ako kaya lumapit ako at lininawan ang pandinig.
"Si Julia ay..."
Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Jennelyn, sumingit agad si Leo. Tanong niya, "Si Julia ba pinag-uusapan n'yo?"
Pinatong niya ang dalawa niyang siko sa mesa at pinag-cross ang mga daliri niya habang nakatingin kay Julia.
"Ano po 'yun, president?" tanong ni Jennelyn.
"Jennelyn, gusto kong hanapin mo 'yung balitang galing sa isang massacre, o kung ano man, si Julia," utos ni Leo. Nakatitig lang siya kay Julia habang nagsasalita. Tinuloy niya, "Last year na isyu 'yon. Basta mga magkakaibigan sila non."
"Tap, tap, tap," ambilis magtayp ni Jennelyn. Rinig mo kung gaano siya kabilis... at... "Click!"
"Nakita ko na po!" sabi ni Jennelyn.
Lahat ay tumingin sa laptop na gamit ni Jennelyn maliban kay Leo.
Binasa ko 'yung headline.
Pitong magkakaibigan ang biktima ng isang serial killer. Dalawa lang ang nabuhay.
Serial... killer... ano naman ang supernatural duon?
"Anong meron duon?" nagtanong agad si Bianca.
Tinanong ni Timothy 'yung tanong ko sa isip ko, "Anong supernatural duon?"
"Kung magpapatuloy tayo sa pananaliksik, makikita niyo," sabi ni Leo.
"Tap, tap, tap," nagtayp ulit si Jennelyn... at... "Click!"
"Kilabot Real Stories - Mysterious Filipino," binasa ni Bianca 'yung pangalan ng website. Opinyon niya, "Naandiyan nga 'yung kay Julia! Totoo!"
"Hala! Nasa blog nga 'yung kwento," sabi ni Timothy.
"... isang misteryo ang pagkamatay ng mga kaibigan niya at..." kung saan-saan umiikot ang mga mata ko... pero may nakita din akong pangungusap na nagpakaba ng konti sa akin. Binasa ko, "May kinalaman ba si Maria, ang kaluluwa ni Maria sa insidente? O guni-guni lamang ito ng nakaligtas dahil sa mga nangyari sa kanya? Julia, totoo bang nakita mo si Maria?"
Maria... nakakaintriga ang pangalan niya.
"Kailangan nating mapuntahan 'yung pinangyarihan ng insidente," sabi ni Leo. "Kailangan nating kaibiganin si Julia."
"Guys," dumating bigla si Roy. Tanong niya, "Anong meron?"
"Kakausapin mo daw si Julia," sabi ni Bianca.
"Oo nga, kaibiganin mo daw," nakisali si Timothy.
"Ayun siya oh, sa gilid," biglang tinuro ni Jennelyn.
Tinignan naming lahat.
"S-si Julia?" halata mo sa kanya na may alam siya kay Julia. "'Yun 'yung parang may sapak sa ulo... bigla na lang sisigaw-sigaw. Tapos, iiyak-iyak... at biglang nagsasalita... basta! Weird siya."
"Wow!" medyo pang-asar ang tono ni Bianca. Sabi niya, "Nagsalita."
"Dali na Roy!" sabi ni Timothy.
"Oo nga! Para sa club!" dahilan ni Bianca.
"Ayoko talaga... natatakot ako," sabi ni Roy.
"'Di ba gusto mo ng mga ganyan, 'yung mga multo?" sabi ni Jennelyn.
"Kahit na..." sabi ni Roy.
Hind ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko at masabi ko, "Ako na lang kakausap."
Tumingin sila sa akin.
"Go! Sid!" sabi ni Bianca.
"Kaya mo 'yan!" sabi ni Timothy.
"Para sa club!" sabi ni Jennelyn.
"Ayun! Ikaw na lang," sabi ni Roy.
Sa unang pagtapak ko, bigla kong natanto na medyo nakakatakot nga, kahit hindi ko alam 'yung dahilan kung bakit dapat akong matakot. Kaya sabi ko, "Anong 'ako na lang' ka diyan? Samahan mo ako, bugok!"
Piningot ko ang tenga niya at hinatak.
"Aray!"
...
Habang lumalapit sina Sidney at Roy, nasaisip ni Julia ang mga alaala nila ng mga kaibigan niya...
"Tara! Nood tayo ng horror movie," sinabi ni Alex sa isip niya. Kakatapos lang nilang magyakapan.
"Masayang mag-over-night tayo kela Juan! Yey!" tumatalon si Madilyn sa tuwa.
"Si Samuel? Bakit? Nasaan siya?" nag-aalala si Raul sa kaibigan nila.
Mga masasayang alaala nila, lahat nagsisibalikan sa isip niya...
At biglang...
"Aaaaaaah!" sa imahinasyon niya, tumalsik sa harap niya ang mga dugo ng kaibigan niyang nasa harap niya.
"Ate? Ate...?" tinatanong ko siya.
Lumunok siya ng pagkain.
Tinuloy ko, "Ate?"
"Ay! Pasenya. Sorry... may iniisip lang ako," sa wakas, sumagot na rin siya.
"Pwede ko po bang tanungin pangalan niyo?" nagtanong ako kahit alam ko na.
"Julia... Julia pangalan ko," tuloy lang siya sa pagkain, pagtapos niyang magsalita.
"Napansin kasi naming mag-isa kang kumakain dito," sabi ko. "Wala ka bang mga kaibigan?"
"Kaibigan? Meron," sabi niya. "Kaso, wala sila ngayon dito."
"Ah! Ganon ba?" sabi ko. Piningot ko si Roy na kanina pa nananahimik at hinatak ko siya papalapit, "Ito nga pala si Roy, kaibigan namin... at ako si Sidney."
"Aray! Sid naman!" sabi niya. Nakatayo lang siya habang mautal-utal na sinabi, "H-hello Julia!"
"Tara Julia! Ipapakilala kita sa kaibigan namin!" sabi ko.
Bigla niyang binaba ang kutsara't tinidor niya. Pinatong niya ang kamay niya sa lamesa at nakatingin sa malayo. Tumunganga siya bigla.
"Julia?" nagtaka ako.
"Naandito siya..." takot niyang sinasabi ng mahina. Tumulo ang luha niya. Mahahalata mo din ang kaba sa panginginig niya.
"Ha? Sinung siya?" sabi ko.
"Siya... Sidney, s'ya!"
Sinubukan kong hanapin kung saan siya nakatingin.
Napansin ko agad ang isang lalake sa malayo. Nasa gilid ng mga halamanan.
... at... nawala nang dumaan ang maraming estudyante.
Namalik mata lang ba ako? Totoo ba 'yung nakita ko? May nakita talaga akong lalaking nakatayo kanina duon.
Tinignan ko si Julia. Umiiyak na siya.
Hindi ko alam kung saan nanggaling pero naramdaman ko na gusto ko siyang yakapin, dapat ko siyang yakapin.
Niyakap ko siya at sinabing, "Okay lang 'yan Julia... okay lang 'yan."

BINABASA MO ANG
Bloody Maria
ParanormalPitong taong nagtuturuan kung sino ang dapat sisihin... sino nga ba ang dapat sisihin sa kanila? Halos lahat naman sila may kasalanan kay Maria. Bloody Mary..., hindi dapat nilalaro dahil hindi naman ito isang laro... Isa itong paraan ng pagpapakam...