Sinundan ko pa rin si Julia kahit labag sa kalooban ko. Ang iniisip ko na lang, para sa pagpapatuloy ng Club namin... ako daw ang pag-asa ng club. Naaalala ko lang ang sinabi ni Leo sa akin.
Sa paglalakad niya, nasundan ko siya sa pasukan ng isang hospital na malapit sa school namin.
Nakita ko, pumasok siya.
Sumilip ako.
Sakto, wala 'yung guard, kakaalis lang. Nakita ko ito bilang pagkakataong makapasok.
Agad akong pumasok sa loob... na parang normal.
Nakita ko siya agad, may kinausap lang na tao.
Sinimulan na niyang umakyat sa hagdan. Sinundan ko.
Second floor... third floor... at hanggang dito sa fourth floor, dito siya napadpad sa fourth floor.
Gumilid ako.
Tumingin ako sa taas, "private rooms."
Bakit ba umabot ako hanggang dito? Hay nako! Siguro dapat ngayon nasa bahay na ako... at walang pinoproblema.
Ano na kayang nangyayare?
Sinilip ko. Nakaupo din siya.
Sandali, biglang lumabas ang isang doktor na may kasamang nurse. Tumayo siya nang makita niya at kinausap siya.
Duon na siya pinapasok ng doktor.
Sinundan ko. Nadaanan ko ang doktor.
Pagsilip ko sa salamin. Nakita ko siya agad. Binisita niya ang isang kaibigan na kasalukuyang kinakailangan ng pagpapagamot.
Nakita ko bigla na papalingon si Julia.
Gumilid ako at sumandal.
Huminga ako ng malalim.
Medyo kinabahan.
Sino kaya 'yung nasa higaan? Bakit ko ba siya dito nasundan?
Nag-antay ako ng konting sandali... at sinubukang muling sumilip.
Pasilip na sana ako nang biglang... bumungad sa mismong harap ko ang muka ni Julia!
"Julia!" Napasigaw ako siyempre! Nakakagulat kaya lalo na't kinakabahan pa ako ng konti. "Naandito ka pala?"
"Sid," sabi niya. Umatras siya ng konti at sinabing, "Anong ginagawa mo dito?"
"Ah? Wala!" Ginalaw-galaw ko ang ulo ko, kaliwa at kanan, at pinapakita sa kanya ang dalawang kamay ko. Sabi ko, "Magpapa-check-up sana ako... kaso mukang naliligaw ako. Kaya naghahanap ako ng CR."
"Ahh..." naniwala siya. Tinuro niya, "'Yung CR nasa dulo. Kung gusto mong magpa-check-up, nasa baba, sa third floor."
"Ah! Salamat!"
"Oh sige! Ingat na lang. Nag-aalala na sa akin ang mga magulang ko! Inaantay ako sa labas."
Ngumiti ako sa kanya habang kumakaway, habang bumababa siya.
Nang tuluyan nang mawala siya sa paningin ko, umikot ako at tumigin sa hallway.
Naisip ko na gusto kong makita 'yung binisita ni Julia.
Sino kaya siya? Dapat ko kayang alamin?
Kahit walang ispesipik na dahilan, nakakaramdam ako ng urge na alamin kung sino 'yung babaeng nakahiga.
Tumapat ako sa pintuan. Tumingin kaliwa't kanan... inihanda ang sarili.
Saka na ako pumasok.
Unang bubungad sa iyo ang lamig. Siguro dahil sa aircon na nasa loob.
"Beep."
Nananayo ang mga balahibo ko... sa takot? Baka sa lameg lang.
Nakita ko agad ang muka ng babaeng nakahiga... ang ganda niya.
Maputi, makinis ang balat... ah basta, maganda... kaso... sayang lang. Bakit siya naandito?
"Beep."
Lumapit pa ako at napatigil nang biglang makapa ko ang isang papel na nakabalot sa kamay niya.
Napatingin ako. Tinitigan ko nang maigi at nabasa, "Madilyn Amanda Herrera. Comatose patient."
Bigla akong nakakarinig ng kung ano-anong ingay. Palakas ng palakas. Mga boses na nag-uusap-usap, nagsisigawan, nagtatawanan, nag-iiyakan. Naririnig ko... ng sobrang lakas kasabay ng pagtibok ng puso ko at ng mga tunog na beep.
"Kaming dalawa lang ang natirang buhay sa amin." Napabuga ako ng malalim na hininga. Lumingon ako upang makita ko kung sino 'yung nagsalita. Si Julia pala!
"Julia?!" Nagulat ako.
"Alam ko na sinundan mo ako dito sa hospital," linaw niya sa akin. Umupo siya sa kama. Kinuha 'yung isang tinapay na nakabalot sa plastic. "Kain ka muna! Cinnamon bun 'yan!" Ipinakita niya na binibigay niya sa akin.
"Ah... Salamat." Tinanggap ko naman. Umupo na din ako, pero sa upuan sa gilid. "Alam mo pala na sinusundan kita."
"Oo naman! Halata kaya!" at pagtapos ng sandaling pananahimik, bigla kaming tumawa.
"Alam ko na gusto niyong malaman kung anong nangyare sa akin," sabi niya. "Para mas maganda, ikwento ko na lang."
"Alam ko na 'yung kwento, 'di ba? Kinuwento mo sa club room namin?" sabi ko.
"Oo nga pala..." sagot niya. Iwinasiwas-siwas niya ang paa niya. "So may kailangan ka pang malaman?"
Napunta ang atensyon ko sa babaeng nakahiga. Kaya naisip kong tanungin sa kanya, "Hindi pa ba siya nagigising simula nung nangyare?"
"Hindi pa," sagot niyang mahina. Biglang tumigil ang pagwasiwas ng paa niya. Napatingin ako. Bulong niya, "Sana nga magising na siya."
"Oo, sana... ang ganda-ganda pa naman niya." Tinapon ko na 'yung plastic ng kinakain ko kasi naubos na. Naisip kong sabihin sa kanya, "Pwede mong sabihin na sa kanya ngayon."
"Siguro nga..." Lumapit siya ng konti. Sinabi niya kay Madilyn, "Maddy! Gumising ka na! Miss na kita!"
Nanahimik kami ulit bigla... at tumawa.
"Mukang wala pa ring magagawa kahit anong pilit ko sa kanya."
"Okay lang 'yan Juls. Sigurado ako na gigising din iyan si Madilyn," mariing sabi ko.
Napangiti siya at sinabing, "Salamat Sid at naging bagong kaibigan kita." Maya-maya may kinuha siya sa bag niya... papel at ballpen. Pinindot niya 'yung ballpen at nagsulat ng kung ano.
Iniisip ko kung ano 'yung sinusulat niya. Hmm...
"Ito oh!" Inabot niya sa akin 'yung papel na sinulatan niya. "Ito 'yung address ng nangyare. Alam ko kailangan niyo ito... para sa club!"
Napatitig ako sa papel... tapos sa muka niya. Bigla siyang ngumiti.
"S-salamat!" Nagpasalamat ako. Hindi ako makapaniwala pero siya na mismo nagbigay sa akin. Tinanggap ko 'yung papel. Tumayo ako.
"Juls, gigising din 'yan si Madilyn! Maniwala ka sa akin," sinabi ko. Natuwa siya. "Uuwi na ako. Bukas sasabihin ko na sa club namin kung ano 'yung nakuha ko."
Papalabas na sana ako... hinawakan niya 'yung kamay ko. Sabi niya, "Salamat din. Salamat sa pagpapagaan ng pakiramdam ko."
Naramdaman ko kung anong gusto niyang iparating. Natuwa din ako sa naramdaman kong pagtanggap.
Nakalabas na ako sa kwarto... may ngiti sa muka ko.
Pero may isang bagay ang hindi inaasahang nangyare.
"Madilyn?! Madilyn?! Madilyn!" Sumisigaw si Julia sa loob.
Nakita ko na gumagalaw si Madilyn sa loob... gising na.
BINABASA MO ANG
Bloody Maria
ParanormalPitong taong nagtuturuan kung sino ang dapat sisihin... sino nga ba ang dapat sisihin sa kanila? Halos lahat naman sila may kasalanan kay Maria. Bloody Mary..., hindi dapat nilalaro dahil hindi naman ito isang laro... Isa itong paraan ng pagpapakam...