Si Timothy ang may trabaho para sa pagsusulat ng kung ano ang mga nangyayari at iba pang dapat na isulat. Si Jennelyn, laging dala ang laptop for data collection, information research or kahit na anong may kinalaman sa paggamit nung laptop. Si Roy, siya 'yung expert talaga sa mga ganito kaya ang role niya, turuan kami kung paano gumamit ng mga aparato sa gagawin namin. Si Julia, hawak niya ang isang kamera. Siya din ang tutulong sa amin para kausapin ang mga ispiritu ng mga kaibigan niya. Si Leo, ang lider, siya ang magsasabi sa amin kung anong gagawin. May hawak din siyang kamera. Ako naman, ang pinakaambag ko lang, ay 'yung mga kamera, plus, ako 'yung may hawak ng pangatlo.
"Sigurado ba kayo dito?" tanong ko.
"Hindi naman siguro madugo 'yung gagawin natin eh!" sabi bigla ni Leo.
"Madugo?" nabigla din si Roy sa narinig namin.
"Ah? Ibig-sabihin ko, mahirap!" paintindi niya. "Magste-stay lang tayo sa loob sa dalawang gabi."
"Exciting!" sabi ni Bianca na kakapasok lang sa loob.
"Dito ako matutulog sa sala!" sabi ko dahil napansin kong mukang malambot 'yung couch. Umupo ako at lumundaglundag. "Malaaambot!"
"Diyan namin nakitang patay si Raul!" bumulong bigla si Julia ng mabilis.
"Ah!" Tumayo kami ni Bianca bigla. Reklamo niya, "'Nu ba 'yan?"
"Guys," sumingit bigla si Leo sa amin. "Magsabi kayo ng 'Hi' sa kamera!"
"Hi!" sabay-sabay kaming tatlong mga babaeng kumaway.
Ako 'yung nasa gitna kaya sa akin nakatutok 'yung kamera.
"Pinayagan naman tayo nila tita kaya okay lang tayo mag-stay dito ng ilang araw," dagdag ni Julia.
"Oh? Nice!" sabi ni Bianca.
Nag-approve ang kamay ni Leo at ipinakita niya sa kamera.
Maya-maya'y biglang napatigil si Timothy nang mapatingin siya sa kamera.
"Tim?" nagtaka ako... kase sa akin nakatapat 'yung kamera.
Makikita mo na hindi siya makapagsalita sa nakikita niya. Nakatigil lang siya.
Kinabahan ako... at nanginig. Ano 'yung nakita ni Timothy? Hindi ko alam, matatakutin pala ako.
"M-may..." hindi niya matuloy.
"May ano?!" napasigaw na din si Bianca sa takot.
"May maganda!" sabi niya ng may ngiti.
Nainis ako. "Akala ko naman may nakikita ka na agad!"
"Sus... tamang landi!" sabi ni Jennelyn kay Timothy.
"Oh? Buksan niyo na 'yung mga kamera niyo," utos sa amin ng presidente. "May mga power banks akong dala. Madami, lahat full charge."
"Inaantok na ako," sabi ni Roy.
"Mamaya na..." sabi ni Jennelyn. "Mamaya nga 'yung magandang timing dahil umaga."
~~~~
Alas 6:00 ng gabi kami nakarating dito sa malaking bahay na 'to. Sa pag-aayos at paghahanda kami naubusan ng oras, kaya ngayon, alas 9:00 na.
Naghahanda pa lang kami sa gagawin namin.
"Julia... paabot nga ng ballpen," utos ni Jennelyn kay Julia. May hawak siyang maliit na notebook. "May isusulat lang ako dito sa hawak ko."
"Wait." Hinanap ni Julia. "Oh, ito oh!"
Pinagpatuloy ko lang 'yung paaayos ng mga camera sa katawan ni Timothy na pakiramdam naman nilalandi ko siya.

BINABASA MO ANG
Bloody Maria
ParanormalPitong taong nagtuturuan kung sino ang dapat sisihin... sino nga ba ang dapat sisihin sa kanila? Halos lahat naman sila may kasalanan kay Maria. Bloody Mary..., hindi dapat nilalaro dahil hindi naman ito isang laro... Isa itong paraan ng pagpapakam...