VIII: Kalaban

54 2 0
                                    

Naipaliwanag nila sa akin kanina ang lahat. Nawalan pala ako ng malay. Napanaginipan ko 'yung mga ala-ala namin nung kabataan pa, nung nalaman naming nakakakita pala talaga si Talia. Ngayon sa sitwasyon namin, madali kaming naniniwala kay Talia.

Lima lang kaming nandito, ako, si Julia, si Juan, si Raul at si Talia. Mahirap tanggapin na namatay na si Alex. Hindi ako makapaniwala. Si Madilyn naman, nawawala. Malamang may masama nang nangyari sa kanya.

"Sama-sama tayong umuwi ngayon!" naisip ni Julia.

"Hinde natin pwedeng basta gawin 'yon," tutol si Talia. "Walang magagawa ang pagtakas. Susundan at susundan tayo ng kalaban natin."

Napaisip ako, "Sino ba ang kalaban natin?"

"...sino?!" nakakapangilabot ang pagsasalita ni Juan. Malamang si Juan na din natatakot na sobra. "Mas akma na tanungin kung ano."

Sang-ayon ako... "Ano nga ba ang kalaban natin Talia?"

"Hindi ko rin alam Samuel. Alam ko nakakatakot 'yung nangyayari sa atin," sabi ni Talia. Alam ni Talia 'yung gagawin namin. Sabi pa niya, "Gawin niyo lahat ng sasabihin ko!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Naiwan kaming tatlo dito sa loob, ako, si Talia at si Julia.

May pinakuha si Talia kela Juan at Raul sa kotse niya.

"Talia... May nakikita ka ba ngayon?" mali ang tanong ni Julia. Lalo lang siyang matatakot kung magsasabi ng totoo si Talia.

"Hindi mahalaga kung anong nakikita ko..." hindi sinagot ni Talia si Julia. Sabi niya sa akin, "... pero Samuel, si Maria... naandito."

Ansama ng sitwasyon namin. Bakit pa naandito si Maria? Nararamdaman ko tuloy na nakatingin siya sa amin ngayon. Bakit ba ako natatakot kay Maria? Bakit ba kami natatakot kay Maria?

"Hindi ko pa rin maintindihan kung sino ba ang kalaban natin Sam," paliwanag ni Talia.

"Talia," natatakot si Julia. "Sabihin mo na lang kasi para alam namin!"

"Hindi ganun kadali 'yun!" tumataas boses ni Talia. "Sana sinabi ko na kanina pa! Sa tingin mo ba gusto tayong patayin ni Maria?! Sa tingin mo kayang pumatay ng multo?! Sa tungin mo demonyo si Maria?!"

"Pkkk!" nasampal ko ang bunganga ni Talia.

"Talia! 'Yung mga salita mo!" sabi ko.

"S-sorry Sam," nanghingi sa akin agad ng sorry si Talia. Humawak siya sa pisngi niya at ngumanga. Mukang nabigla ako at napalakas sa pagsampal sa kanya.

"Talia... Sorry din! Hindi ko sinasadyang masampal ka."

"Okay lang Sam. Naiintindihan ko," nasaktan nga ng malakas si Talia.

"Sorry din Talia!" nag-sorry din si Julia kay Talia. "Dahil sa pagpilit ko nasampal ka ng lalake!"

"Okay lang 'yun Julia!" kinaltukan ni Talia ng mahila si Julia.

"Aray naman!" nagkamot si Julia sa ulo.

Magsasalita sana ako, "Talia..."

...biglang

"Juan!" maririnig mo ang boses ni Raul na kumalat sa paligid.

Naalarma kaming lahat!

Nagawa pa naming magkatitigan sa isa't isa. Sabay-sabay kaming tumayo sa sahig. Tapos, tumakbo.

Maingay ang mga pagtakbo namin. Rinig na rinig na nagmamadali kami. Bawat hakbang namin sa hagdan may tunog ng bakal dahil gawa ito sa steel. Parang ambagal naming kumilos. Sana sama-sama na lang kaming pumunta palabas.

"Samuel..." may narinig akong boses.

"Sam..." si Maria!

Napalingon ako. Hindi ko naalala na nasa likod ko pala sila Julia kaya nabunggo nila ako. Nagpagulong-gulong kami sa hagdan.

"Aray!"

"Julia! 'Yung binti mo!"

"Aray! Aray!"

"Wait! Nadadaganan ako!"

Hindi ako agad makadilat. Tumatayo na sila. Nasa ilalim ako kaya hindi ako agad makatayo.

Pagtayo nila. Hindi pa rin ako makatayo ng maayos kasi nananakit katawan ko. Kahit ganon, dinilat ko na mata ko.

Nakikita ko nakabukas ang pinto. May nakahiga sa labas.

Umuulan na rin ng malakas.

"Sinu 'yon?" itinuro ko ang daliri ko sa labas. Tumayo na rin ako.

Lumalapit kami...

Si... Si...

"S-si..." hindi makapagsalita ng maayos si Julia! "Si R-raul!"

Nakahiga si Raul sa sahig. May saksak sa leeg. May ukit din siya sa noo gaya ni Alex, may hugis bituwin na nasa bilog. Nakatirik ang mga mata niya. Mukang naghabol ng hininga.

Napaatras si Talia... Mukang naiintindihan na niya ang nangyayari.

"Tama nga... May sinasabi kanina si Maria sa akin... Hindi ko agad naintindihan!" natanto ni Talia.

"Kinausap ka ni Maria?" tanong ko.

"Hindi kung ano ang pumapatay Sam! Tao lang ang pumapatay! Si..."

Biglang may sumaksak sa leeg ni Talia.

Nagulat ako lalo na't nagsasalita pa si Talia. Hindi ko maaninag kung sino ang sumaksak kay Talia.

Bloody MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon