X: Sino'ng Kalaban

50 2 0
                                    

"Beeeeeeeep beeeeeeeep beeeeeeeeep," ang ingay ng mga sasakyan sa paligid.

Madilim ang paligid... pero halata mo na may mga ilaw na sumasayaw sayaw dahil sa mga nakabaliktad na sasakyan.

Halata mo rin na umaga na. Wala pa rin ang araw. Siguro mga alas 3:00 na o mga alas 4:00 ng umaga?

'Yung bandang ulo lang, katabi ko si Madilyn kahit 'yung katawan niya nakahiga pa sa likod, humihinga pa, wala lang malay. Nakahiga ang ulo niya sa malambot na unan sa kotse niya.

Si Julia naman, wala siya sa loob. Siguro nakalabas na siya agad kaya wala siya sa likod.

Dahan-dahan kong nagagalaw ang katawan ko. Sinusubukan kong abutin 'yung pindutan para bumukas 'yung pinto.

Ako 'yung duguan... napilayan. Siguro, nabalian din... pero ang iniisip ko ngayon, makalabas dito sa loob ng sinasakyan ko.

"Clug!" bumukas na 'yung pintuan ng sasakyan nung napindot ko.

Tinulak ko ang sarili ko papalabas at hinayaang malaglag at matumba sa sahig. Bumalibag ang katawan ko.

Mamikit-mikit ang mga mata ko dahil medyo nahihirapan ako.

Ginulong ko ang sarili ko.

Biglang narinig ko si Julia, "Tulong! Tulong!"

Halata mo sa boses niya ang takot dahil sa panginginig at pagkapaos. Sinamahan pa ng mga angulngol kapag sumisigaw siya.

"Julia. Julia," mahina boses ko, kaya hindi ako umaasang maririnig niya ako.

Pero, bumalik siya agad... kaya napansin niya ako.

"Samuel? Samuel!" tumakbo siya sa akin. Ginulong gulong niya ako habang nagsasalita, "Tayo ka na Samuel! Bilisan mo!"

"Aray ko! Ansakit," napapasigaw ako sa nararamdaman kong sakit habang hinahawak-hawakan niya 'yung mga laman ng braso ko. Lalong sumasakit habang tumatagal. "Umalis ka na Julia!"

"Ayoko Samuel! Ayoko! Ayoko!" Mariin niyang sinabi. Sinubukan niya akong buhatin, kahit nasasaktan ako at mabigat. "Ayokong mag-isang umalis!"

"Si Maddy?! Nasa loob pa!" pabulong kong sinabi. Nahihirapan na akong magsalita. Kung sabagay, andami nang dugo sa ulo ko.

Kahit ambagal, umiiyak na lang si Julia habang pinipilit naming makabalik sa kotse ni Madilyn na halata mo namang hindi aandar dahil sa sirang natamo kanina.

Sumasadsad ang paa ko sa lupa. Medyo pabagsak na din kaming dalawa.

Lalong lumalakas ang pag-iyak ni Julia... pero nabibilib ako sa pagpilit niya, hindi siya tumitigil sa pagbuhat sa akin.

Maya-maya pa, may angulngol kaming narinig.

Napatigil si Julia.

"Julia? Julia?".

"Juan?" sabi niya. "Juan! Nakapunta ka pa sa amin!"

Binaba niya ako dahan-dahan. Napatakbo siya.

Nakatapat ulo ko sa kanila. Nakikita ko si Juan nakahawak sa kanang braso niya, madungis din.

"Buti hindi ka napatay?!" sumigaw si Julia. "Anong nangyare?! Paano ka nakatakbo?"

"Si Samuel? Nasaan na?" tinanong niya kay Julia. "Nasaan na 'yung iba?"

"S-si Madilyn nasa loob pa nun... si Samuel naman ayun nakahiga," tinuro ako ni Julia. "Juan, tulungan mo ako buhatin si Samuel!"

"Hindi na kailangan Julia..."

Bloody MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon