VII: Ang mga nakikita ni Talia

68 4 0
                                    

Isang ala-ala... nila noong mas bata sila... si Talia at ang kanilang nakaraan...

"...duwag talaga si Tado!" inaasar ni Juan si Tado.

"Bakla! Bakla si Tado! Hindi 'yan papasok sa loob!" pati si Raul inaasar si Tado.

"'Wag niyo ngang asarin si Tado! Kaya umuiyak eee!" pinagtatanggol siya ni Julia.

"Baklang Tado!" nakikisali din si Alex sa pang-aasar.

Si Madilyn biglang lumapit, "Ano ba kayo? Takot naman kayong lahat eh!"

Akala mo talaga antapang-tapang ni Madilyn.

Si Tado umiiyak lang sa gitna...

"Ano ba? Papasok ba tayo?" nagtanong ako.

"Wait! Si Maria ayun oh!" tinuro ni Alex si Maria.

Matapang na babae si Maria. Hindi siya basta-basta natatakot.

"Hoy! Hoy! Hoy! Huwag niyo ngang tawaging bakla si Tado! Bakla din naman kayo eh!" sinigaw ni Maria.

"Halikan kita d'yan eh!" pabirong sinabi ni Raul.

"Manyak! Ahahaha! Sige nga pasok nga kayo?" sabi ni Maria.

"Oo ba?" pasikat naman itong si Raul.

Nakaayos kaming lahat paharap sa pintuan. Ang pagkakasunod-sunod: Si Alexandra, si Tado, si Maria, ako, si Raul, si Juan at si Julia.

"Sigurado ba talaga tayo sa gagawin natin?" kabang kaba si Tado. Mukang ayaw niyang pumasok.

Nakayakap siya kay Maria. Sabi ni Maria, "Ayus lang 'yan Tado. Nandito lang ako."

"Parang may nararamdaman kasi akong masama eh!" paliwanag ni Tado.

"Eh 'di dito ka na lang!" nananakot si Alex.

"Sasama na lang pala," napilit tuloy nila si Tado sa takot.

"Tara na?" nagtanong si Julia kung papasok na ba.

Timigil ang lahat sa pagsasalita panandalian.

Mabagal na lumapit si Raul at binuksan ang pintuan, "...eeeeeeeeeeeek."

Madilim... Nakapatay 'yung ilaw.

Unti-unting pumasok 'yung iba.

Nagkatinginan kami ni Maria. Binuksan niya bigla 'yung flashlight na hawak niya at sabay tumungo, senyales na sinasabi n'yang, "Tara na."

Tatlo kaming sabay pumasok, ako, si Julia at si Tado.

Madilim sa lugar. Gabi na rin kasi. Maririnig mo rin ang mga insektong nag-iingay. Bilog na bilog ang buwan. Malamig dahil malayo sa ibang bahay itong tinatawag naming hunted house.

Si Tado kasi laging nagtuturo sa loob kasi may nakikita siyang mga tao. Hindi ko alam kung bakit ba naming napagtripan na pumasok dito sa loob.

May mga napansin kaming parang nakatayo.

Oo inaamin ko, natatakot ako.

"Huuuuuu..." umiiyak si Tado.

"Ayun!" may nakita ata si Madilyn.

Tinapat namin 'yung ilaw, damit lang pala.

"Aaaah!" teka! Sinu 'yung tumili? Si Raul? Grabe naman itong tumili, daig pa ang mga babae.

"Ano 'yun?!" nagtakbuhan ang lahat papunta kay Raul! Maingay ang mga paa namin.

"Raul? Bakit?" tinanong ni Maria si Raul.

Bloody MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon