XIX: Tunnel

17 2 0
                                    

Anong gagawin namin sa kanya?

Sa ngayon, nakatali lang siya dito sa poste, walang malay.

"Leo? Ano nang gagawin natin?" sabi ni Jennelyn.

"Kailangan nating puntahan kung anong ginagawa niya sa baba." Nakaupo lang si Leo habang nag-iisip. Kumakapit sa mga buhok niya. Mukang hindi na niya nakakayanan.

Ngayon ko lang nakitang ganito si Leo. Siguro dahil lang sa mga nangyayare. Makakita ka ng mga dugo, mga patay, hindi 'yan normal at hindi dapat makita ng kung sino-sino dahil hindi natin alam ang magiging epekto nito sa tao.

"Leo," sabi ni Jennelyn. "Pasukin na natin 'yung butas."

Nagulat ako. "Ano?! Sigurado kayo? Hindi natin alam kung anong pwede nating makita diyan."

"Pero, hangga't wala pang nga pulis, hindi tayo pwedeng naandito lang. Baka makita pa natin si Timothy... at si Julia..."

"Boom!" Nagpatahimik sa amin ang pagkulog. Mukang uulan.

Tumingin ako kay Leo, kay Jennelyn... at sa lalakeng nakatali.

Humawak ako kay Jennelyn at Leo. Tumingin sila sa akin. Bumulong ako, "Tara."

Nagdesis'yon na kaming tatlo. Wala nang atrasan.

~~~~

Nakapaikot kami sa kwartong walang laman. Nakababa.

Nakahawak na ako sa pintuan sa sahig. Tumungo sa akin si Jennelyn. Handa na kaming tatlo.

Binuksan ko na 'yung pinto... "Eeeeek!"

Hawak ni Jennelyn ang flashlight, hawak ni Leo ang pamalo (just in case)... at ako, ako ang may dala ng laptop ni Jennelyn at may pamalo rin.

Nauna si Jennelyn dahil siya ang may flashlight. Sumunod si Leo. Ako 'yung panghuli.

Sa una madilim, pero katagalan, may mga nakasinding apoy dito sa baba.

Kumuha kami ng tig-iisa... para lahat kami may ilaw.

Sa paglalakad namin, nakakarinig na ako ng nag-e-echo-ng patak-patak ng tubig.

"Ano kayang meron dito?" sabi ni Jennelyn na nag-e-echo ang boses niya.

"Dapat kayang naandito tayo?" tanong ko.

Walang sumagot sa tanong ko.

Nagpatuloy lang kami.

"Sinu 'yun?!" Nagulat si Jennelyn dahil parang may narinig kami sa likod.

Tumahimik kami at nakinig ng maigi sa likod namin.

Maya-maya, sa harap, nakakita kami ng ilaw na paparating.

"May tao!" Bumulong ako at hinila si Jennelyn.

Nagtago kami sa gilid.

Kinabahan na ako bigla... pero nakakalma ko pa sarili ko.

Maya-maya, nakakita na kami ng mga naka-hoodie na itim.

Bigla na lang silang huminto nang makarinig ako ng tumatakbo.

Tumigil sila mismo sa tapat namin.

Pagsilip ko, nakita ko 'yung lalaki kanina na tinali namin. Mukang nakawala na siya!

Kinabahan ako lalo. Malamang sasabihin niya ang about sa amin. Hahanapin kami panigurado.

Wala kang maririnig na usapan sa kanila. Puro senyales lang at pagtitig lang ang ginawa nila.

Nawala ang kaba ko nang bigla na silang nawala.

"Leo! Leo!" Bumubulong ako. "Leo, wala na sila."

Paglabas na paglabas ko, bumungad sa akin ang muka ng lalake na may mga guhit-guhit na sulat sa muka.

"Aaaaah!" Hindi ko napigilang sumigaw.

"Sid!" Sumigaw din si Jennelyn.

Biglang hinampas ni Leo sa leeg ang lalake at napatumba.

Balak ko sanang tumakbo pabalik sa labas dito kaso nakita ko ang mga naka-hoodie.

Hinawakan ni Jennelyn ang kamay ko. Nakitakbo sa amin si Leo.

Nagmamadali kaming tatlo sa kakatakbo. Habang palayo ng palayo ang natatakbo namin, paliwanag din ng paliwanag. Nakakarinig na rin kami ng mga taong sabay-sabay nagsasalita na hindi mo naman maiintindihan ang mga pinagsasasabi nila. Pero wala akong pake dahil kinakabahan pa rin ako sa takot.

Hanggang sa, makakita kami ng isang lugar na mukang simbahan.

Mapapatunganga ka lang sa mga makikita mo.

Puro mga guhit-guhit na kung ano-anong mga hugis ang makikita mo sa paligid. Puro galing sa mga apoy ang mga liwanag.

May altar sa harap. Mayroong librong nakaayos na parang may paring magmimisa. Napansin ko ang mga taong may ulo ng kabayo, baboy at kambing.

Nakita ko na lang bigla si Timothy sa harap. Nakatali siya sa pader na may isang uri ng bitwin.

"Jennelyn! Leo! Si Timothy nasa harap!"

Lumingon ako sa likod.

Nakita ko na lang na walang malay si Leo at Jennelyn na hawak ng mga naka-hoodie. Nasa harap ko ulit 'yung lalaking nakita kong may mga guhit-guhit sa muka.

"Dug!"

Bloody MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon