"Mayroon pa ngang mga apoy. Tapos naaalala ko rin 'yung mga Latin nilang dasal. 'Yung ibang mga taong naka-hoodie, naglaho. Tapos si Juan, hinahabol kami..."
Nakatitig lang sa akin ang lalaking nakaputi. Malalim ang iniisip.
"Iyon lang po ang naaalala ko," sagot ko sa nag-iimbistiga sa mga nangyayari.
Nagsusulat siya sa notepad niya sa kamay.
"Ahem..." Sabi niya, "Sabi mo, may mga orasyon, may mga alay, may mga dasal sila? Parang kulto nga tinutukoy mo."
"Opo! Opo! Kaso... hindi ko na po kasi masyadong maalala ang iba."
"Okay salamat!" Utos niya sa ibang mga nakaputing damit, "Sa room 501."
Nakita ko ulit ang dalawang lalakeng may hawak ng kadenang nakakabit sa mga kamay ko.
"Sir? Sir!" Nagtataka ako lalo. "Sir, hindi po ako baliw!"
Ginagalaw-galaw ko ang mga kamay ko para mabitiwan nila. Tumayo na 'yung kausap ko kanina at lumabas ng kwarto.
"Sir! Hindi po ako baliw! Totoo po lahat ng sinasabi ko! Totoo po lahat ng nakita ko! Sir! Si...ir!"
~~~~
Bloody Maria
(Ikalawang Parte)
~~~~Mensahe ni Awtor:
Hello. Salamat at binasa mo ang Bloody Maria hanggang dito.
Hindi pa ito dito natatapos dahil magulo pa rin ang parteng ito.
Sana ipagpatuloy lang ang pagbabasa.
Salamat.
Ang iyong Awtor,
ThinkingMind
BINABASA MO ANG
Bloody Maria
ParanormalPitong taong nagtuturuan kung sino ang dapat sisihin... sino nga ba ang dapat sisihin sa kanila? Halos lahat naman sila may kasalanan kay Maria. Bloody Mary..., hindi dapat nilalaro dahil hindi naman ito isang laro... Isa itong paraan ng pagpapakam...