XX: Ang Orasyon

36 2 0
                                    

Nahihilo ako. Malabo paningin ko.

Hinihila ako.

Parang napapapikit na lang ako sa mga nangyayari.

~~~~

Sumisigaw sila. Nasa harap ko ang isang taong may ulo ng kambing. May hawak siyang libro at tubig na nasa bote.

May apoy sa gitna. Bigla kasing lumiwanag ng malakas 'yung apoy kaya napansin ko.

Nakatali ba ako? Siguro, hindi ko kasi magalaw ang mga kamay at paa ko.

Sigurado ako kahit hindi ko nakikita, nasa gilid ko sila Jennelyn at Leo.

Si Timothy at Roy nasa baba. Nakapatong sila sa lamesang mayroong mga guhit-guhit.

Unti-unting bumabalik ang pandinig ko. Lumalakas ng lumalakas ang naririnig kong mga boses.

"...!" Napaungol ako dahil bigla ako nagkaroon ng malay.

"Shuuuuush!" Lumakas ang apoy bigla.

Kung ano-ano ang sinasambit nitong nasa harap ko. 'Yung katawan ko naman, hindi ko makontrol, galaw ng galaw.

"Juan!" Gagamitin na niya sana ang hawak niyang bote ng tubig, biglang may matapang na babaeng sumigaw. "Itigil mo na ang kalokohan mo!"

Tumigil sandali ang nasa harap ko. Umikot siya hanggang nakaharap na siya sa likod. Dahan-dahan niyang tinaas ang nasa ulo niyang ulo ng kambing.

Hindi ko nakikita ang muka niya. Nakatalikod kasi siya.

"Julia, hindi mo na ako mapipigilan." Ngayon ko lang narinig ang boses niya. "Malapit nang matapos ang orasyon. Kumpleto na ang mga alay... na sinimulan ko pa kay Maria."

"Tumigil ka at ibaba mo ang mga kaibigan kong buhay!"

"Bakit hindi mo gustong sumama sa amin? Malapit na kaming maging imortal," sabi ni Juan.

"Bakit naman ako sasali sa iyo?! Masama kang tao! Kahit mga kaibigan natin, kinaya mong patayin!"

"Si Raul? Si... Tyro? Si Alex? At ang taong nanira ng plano kong si Juan?" Naiinis ang tono ni Juan. "Julia, tandaan mo ito: hindi totoo ang kamatayan. Walang ganap na kamatayan. Humihiwalay lang ang kaluluwa ng taong namamatay. Pero mananatili silang buhay... bilang mga kaluluwa."

"Pero, ikukulong mo sila! Ikukulong mo sila sa mga ginagawa mong kung ano-ano." Nanindigan lang si Julia. "Hinding hindi ako susunod sa mga yapak mo!"

"Julia... tulungan mo kame!" Maririnig mo ang boses ni Jennelyn na nanghihina.

Naramdaman ko na kaya ko nang magsalita. "Julia!"

"Juan, pakawalan mo na sila!" sigaw ni Julia. "Kung hinde, sisirain ko ito!" Itinaas ni Julia ang kamay niyang madugo na may pusong tumitibok-tibok.

Nagulat lahat ang mga taong naka-hoodie.

"Julia," sigaw ni Juan. "Huwag kang magkakamaling saktan 'yan! Iyan ang buhay naming lahat."

Kitang-kita ang tapang sa muka ni Julia. Sumigaw siya sa pinakahuing hininga niya, "Nagkamali na ako!"

"Huwag!"

Lasug-lasog ang puso sa pagsira ni Julia.

Biglang naglaho ang ibang mga tao, bumagsak lang ang mga hoodie. Makakakita ka rin ng mga usok.

Tumakbo si Julia papunta sa akin. Tumakbo naman si Juan sa mga pira-pirasong puso.

"Sid... antay ka lang!" Hawak niya ang kutsilyo. Nakikita kong tinatanggal niya ang mga tali sa kamay ko.

~~~~

Binubuhat ako ni Leo. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Kung ano-anong eksena ang nakikita ko.

Papikit-pikit ang mga mata ko.

"Jenn! Dapa!"

"Bang!" Nakakarinig ako ng pagputok ng mga baril.

"Aaaah!" Puro pagtitili lang ang naaalala ko.

"Leo! Leo!"

"Julia!"

"Sid!"

Tumatakbo si Juan papunta sa amin.

~~~~

"Iyon lang po ang naaalala ko," sagot ko sa nag-iimbistiga sa mga nangyayari.

Nagsusulat siya sa notepad niya sa kamay.

"Ahem..." Sabi niya, "Sabi mo, may mga orasyon, may mga alay, may mga dasal sila? Parang kulto nga tinutukoy mo."

"Opo! Opo! Kaso... hindi ko na po kasi masyadong maalala ang iba."

"Okay salamat!"

Bloody MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon