Isang buwan lang... naging mayaman na si Juan. Ambilis ng mga pangyayare.
Bigla na lang nagsulputan 'yung mga kontrata at mga pera sa kanya. Nagkaroon agad siyang maraming fans. Hit na hit din ang mga kanta ng banda niya.
Swerte nga ba ang dapat itawag sa nangyare sa kanya? Siguro hindi rin, talento, pagsisikap at dating ang kailangan para mangyare ang lahat. Meron naman siya nun.
Medyo gusto kong humingi ng sorry sa kanya kasi hindi ako nakakadalo sa mga selebrasyon nila at mga party.
Isang buwan na rin ang pagkamatay ni Maria. Parang nararamdaman ko na... na dapat na akong mag-move-on. Salamat sa mga kaibigan ko dahil hindi nila ako kinakalimutan.
Siguro, tama nga. Enjoyin ko na lang ang ginagawa namin.
"Ba't tayo nandito?" nagtanong si Madilyn kay Juan.
"Next game na," sagot ni Juan. "Ayaw mo?"
"AYAW!" sabay-sabay sumagot ang tatlong matatakutin.
Nakaupo kami sa malamig na sahig ng CR. Tiles ang inuupuan namin kaya siguro malamig. Patay 'yung ilaw kaya madilim sa bandang duon. Konti lang ang mga pinagmumulan ng ilaw. Kumukulog-kulog pa dahil medyo masama 'yung panahon. Lalong naging malamig dahil sa simoy ng hagin mula sa bintana.
"Alam n'yo ba 'yung kwento ni Bloody Mary?" magkukwento si Juan. Lahat gustong makinig kahit medyo natatakot. "Ang kwento about kay Mary, isa siyang magaling na manggagamot sa isang maliit na bayan. Magaling siya sa paggamit ng mga magic. Kilalang kilala siya at dumadaloy sa kaniya ang mga taong malalayo ang bahay para lang magpagamot kay Mary."
Nakikinig ang lahat. Napapansin ko ang pagiging tahimik ng lahat, tanda na interesado sila sa kwento ni Mary. Dinugtungan pa ni Juan ang kwento niya, "Mabuti ang kalooban ni Mary. Kahit sino ginamamot niya, maging mayaman, maging mahirap..., maging mabuti, maging masama..., may pambayad o wala."
Nanahimik ng sandali.
"So ano namang connect ng 'Bloody' kay Mary? Bakit Bloody Mary?" nagtaka si Madilyn. Tinaas niya ang kilay at humarap sa amin. "'Di ba?"
"Magandang tanong," sabi ni Juan. "Isang araw, nagkaroon ng matinding sakit ang kumakalat. Naaagnas ang mga laman ng mga piling tao at nahihirapan huminga. Nagdugtungan pa ng mga masasamang panahon..."
"Ano naman kung may masamang panahon at may sakit na kumakalat? Wala namang kinalaman kay Mary 'yun eeee..." sumingit si matanong na Madilyn.
"Hindi pa kasi tapos," pinorma ni Talia 'yung nguso niya para magmukang pang-asar. "Maddy!"
"Sorry naman," ginaya naman ni Madilyn 'yung muka ni Talia. "Continue."
"Tsk! Tsk! Sayang moment," tumawa si Raul. "Ahahaha! Back to the topic."
"Hay... Sa'n na ba ako...? Ay! Oo nga... si Mary. May isang mangkukulam kasi na naiinggit kay Mary. Haters siyempre. Sa oras na 'yon kasi wala si Mary dahil may binisita siyang lugar para gamutin 'yung nanghihingi sa kanya ng tulong sa syudad na naniniwala sa kakayanan niya. Lahat ng tao sa bayan ni Mary walang matakbuhan kundi 'yung mangkukulam na ayaw sa kanya. Nagsinungaling siya at kunyaring gumawa ng magic para malaman kung ano ang dahilan. Ang sinabi niya..."
Sa imahinasyon ng lahat, nabuo ang kwento ni Juan.
"Si Mary... Si Mary ang may kasalanan ng lahat!" sumigaw ang babaeng mangkukulam.
"Si Mary?" nagtaka ang mga tao. Nagulat talaga sila kaya bigla silang napaisip.
Gabi nung nangyari ang lahat. Hindi maganda ang panahon, papaulan at kumikidlat.
BINABASA MO ANG
Bloody Maria
ParanormalPitong taong nagtuturuan kung sino ang dapat sisihin... sino nga ba ang dapat sisihin sa kanila? Halos lahat naman sila may kasalanan kay Maria. Bloody Mary..., hindi dapat nilalaro dahil hindi naman ito isang laro... Isa itong paraan ng pagpapakam...