XV: Dating Kaibigan

29 2 0
                                    

Makikita ang kapayatan ni Madilyn dahil sa tagal niya na-comatose. Ngayon ko lang napansin dahil nakakumot siya kanina, hindi masyadong kapansin-pansin.

Kumakain siya ng maraming pagkain na gulay-gulay na may konting mga laman.

"Sige lang Maddy! Kain ka pa!" sabi ni Julia na nagtitimpla ng kape. Binuhat niya 'yung kape at pinatong sa tapat ko. "Gutom na gutom ka 'no? Ngayon ka na lang ulet nakakuha ng sustansya mula sa pagkain!"

Tuloy-tuloy lang siya sa pagkain.

...

"T-tubeg!" Nabulunan siya bigla!

Nagpanik kaming dalawa ni Julia. Humahawak-hawak na si Madilyn sa leeg niya.

At 'yung tubig pala ay nasa ilalim pa... walang baso!

Ang ginawa ko? Aba, nilaklak ko 'yung mainit na kape ko tapos duon nilagay 'yung tubig.

"Oh!" sabi ko.

"Buti na lang, hindi gaanong mainit 'yung kape," sabi ni Julia.

"Kala ko mapapaso ako."

"Ahhh!" Nakainom din si Madilyn. "Salamat! Pasensya na kung medyo pabigat ngayon."

"Ay! Wala 'yun Madilyn! Masayang masaya nga ako nang makita kita na nagising na!" sabi ni Julia.

"Ganun ba?" sabi niya... tapos tumuloy siya sa pagkain.

~~~~

"Busoog..." sabi ni Madilyn. Makikita mo na lumolobo 'yung tiyan niya pero ang payat ng katawan. Nakakaawa ang itsura niya. "Burp~"

"Oh sige! Alis na ako, Madilyn, Juls," sabi ko at inihanda ang sarili.

"Wait! Sid!" Pinatigil ako ni Madilyn.

"Oh?"

"Dito ka muna! May itatanong pa ako!" sabi niya.

"Ah? Sure!" umupo lang ako ulit.

Tanong niya, "Pupuntahan niyo ba 'yung bahay ni Juan dati?"

Nagkwentuhan kasi kami kanina at naipaliwanag ko na din kung paano ako nakilala ni Julia.

"Siguro... malamang nagkakaroon kami ng paranormal investigation ulit," paliwanag ko.

"Oh? Gusto ko 'yan!" sabi ni Madilyn. Nakakagulat na naging maayos agad ang kondisyon ni Madilyn. Kumalma siya agad nang matanto niya na nasa hospital na siya matapos ang pagwawala niya.

"Ako nga din eh!" sabi ni Julia. "Kaso, hindi ka pa pwede Madilyn. Kailangan mong magpagamot pa! Hanggang sa palabasin ka na ng doktor!"

"Unfair!" Sabi niya na may malungkot na muka. "Sayang! Gusto kong murahin 'yung espirito ni Juan kapag nakita ko!"

Tahimik lang si Julia.

"Ay! Julia... nakalimutan ko na pinsan mo pala siya."

"Okay lang 'yun, Madilyn."

Siguro dapat na talaga akong umuwi. Anong oras na!

"Guys! Uwing uwi na ako. Baka hanapin ako ng mama ko." Tumayo na ako.

"Oh sige na nga! Uwi ka na!" sabi ni Madilyn. "Sayang! Maganda pa naman pakiramdam ko sa iyo... sana maging friends pa tayo. Ingat na lang!"

"Ingat ka Sid! Magbabantay pa ako kay Madilyn," sabi niya.

"Oh sige! Alis na ako ah!" at dito pa lang talaga ako nakauwi.

~~~~

The next day, dumeretso na agad ako sa club room para ipaalam na 'yung magandang balita sa kanilang lahat.

Pagbukas ko ng pinto, unang binungad ko sa kanila, "Guys! May balita ako sa inyo!"

"Oh? Sid? Good morning!" sabi ni Leo.

"Good morning, Sid," sabi bigla ni Julia.

"J-juls? Naandito ka?" Nagtaka ako... at nagulat dahil nakita ko si Julia bigla. "Anong ginagawa mo dito?"

"Sid, si Julia... sasali na sa atin," paliwanag sa akin ni Leo. "Kasalukuyang wala siyang club ngayon. 'Di ba, required magkaroon ng club? Kaya inimbitahan ko siyang sumali... kung okay lang... at sumali naman siya."

"Ipapasa ko na lang 'yung registration form sa SSG office," sabi ni Jennelyn na may hawak na papel.

"Huli ka na sa balita," sabi ni Timothy.

"Oo nga," sabi ni Bianca.

"Late ka pa man din," sabi ni Roy.

"Oh sige na," sabi ko. "Ako na 'yung nahuli sa balita.... ang masasabi ko lang... Welcome sa iyo, Juls!" at sabay-sabay kaming natuwa.

~~~~

Si Jennelyn, busy sa paggamit ng desktop, sa mga oras na ito, nagre-reaseach na naman siya... si Leo, nagaayos at sinusuri ang mga papeles... si Timothy naman, nagsusulat na sila ng mga ideya ni Bianca... at kami ni Julia, naghahanda lang ng mga kape at tinapay.

"So Juls," sabi ko habang hinahalo 'yung mga kapeng nakapatong sa mesa. "Pwede bang kwentuhan mo naman ako sa mga dati mong kaibigan?"

"Ah! Sila?" sabi niya nang pinatong niya ang isang plastik ng mga tinapay sa mesa. "Hmm... Paano ba?" Umupo siya ng sandali at tinuloy, "Nakilala ko sila sa isang club din, tawag pa nga sa club is art and painting club. Obvious naman sa pangalan, na puro pagpe-paint ang inaatupag namin. Although, karamihan naman talaga sa grupo namin, walang talent sa pagdrowing o pag-paint, nakakagawa na kami ng mga 3D na graphics sa mga kalye. Naalala ko pa nga nung pinakauna kong magawa, 'yung puno, the rest, sila na gumawa ng kalikasan."

"Ahhh! So magaling ka mag-paint?" sabi ko.

"H-hinde!" Pinakita niya sa akin ang palms niya at winasiwas. "Sabi ko nga 'di ba? Karamihan sa amin walang talent sa pagdodrowing."

"Hala? Paano ka napasok duon? Kay Juan? Kase pinsan mo si Juan?" tanong ko.

Medyo nanahimik siya nang sumagot siya ng "Oo, si Juan nagsali sa akin. Kasi nga required na atleast 2 years kang nasa club. 2nd year ako nun... nakilala ko rin si Samuel, at si Maria na best friend ko."

"Ay! Sorry, Juls," nagpasensya ako. "Tulungan mo na nga lang ako sa pagbibigay sa kanila ng kape. Baka kung ano pa 'yung matanong ko eh!"

"Hinde Sid, okay lang."

Tinulungan niya ako.

Sa totoo lang, may pinaghahandaan na ang grupo namin. Handa na ang lahat. Pinakapetsa na lang kung kailan kami pupunta duon sa pinangyarihan. Excited na din ako.

Bloody MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon