Kakatapos lang namin manuod ng horror movie.
Pinatay namin ang ilaw. Exciting kasi madilim, mas mararamdaman ang katatakutan.
Ramdam ko ang takot ng mga babaeng kasama namin. Pati rin si Juan alam ko natatakot na.
Ang ilaw lang na nagbibigay liwanag sa amin ay dalawang flashlight at mga cellphones ng bawat isa. Ginagamit ko rin ang cellphone ni Maria bilang pang-flashlight.
Nakalapag sa sahig ang isang board at glassy object. Ouija board ang nakalagay kanina nung nabasa ko 'yung lalagyan.
Spirit of the coin? Spirit of the glass? Parang ganun na nga. Pero Ouija board na lang para mas madali.
Saan kaya nakabili ng ganito si Juan? Ang ganda, makatotohanan 'yung itsura niya. Akala mo talaga luma kahit nakalagay pa 'yung resibo sa likod.
Lahat nakahawak sa glassy object na ito.
Si Raul, kanina pa wala. Sabi niya magsi-CR lang siya.
"Espiritu... espiritu... Magparamdam ka..." sabi ni Juan na parang eksperto sa paranormal.
"G*ga! Buhay pa si Espiritu! Klasmeyt ko nga ulit 'di ba?" nagpatawa na naman si Talia.
Nagtawanang pigil ang lahat. Hagikgikan tuloy sila.
Sa kalagitnaan ng pagtatawanan nila, biglang may narinig kami, "Ungeee...!"
Nagtinginan ang lahat sa isa't isa. Nakarinig kami ng manika.
"Guys! Wait lang ihi lang ako! Mamaya na lang," mukang takot na takot na si Alex.
"Takut ka lang eee..." pang-asar si Juan habang nakatapat sa muka niya pataas 'yung ilaw ng flashlight. Akala mo talaga hindi siya natatakot.
Umalis na si Alex agad-agad. Mukang nairita kay Juan. Dumiretso na agad siya sa CR.
"Ayan! Gumagalaw na!" biglang na-excite si Julia na akala mo antapang-tapang.
Gumagalaw nga. Tumapat muna siya sa mata.
"Anong pangalan mo?" nagtanong agad si Juan.
Obvious naman na siya gumagalaw kasi nagtanong siya agad.
Lahat nakiki-cooperate sa ginagawa namin.
"U..."
"... L"
"... O"
Patapat na sana sa letter "L" kaso biglang binatukan ni Julia si Juan, "Ginagalaw mo naman Juan eeeei!"
"Sakit naman! Makabatok," nagkamot si Juan ng ulo dahil sa pagtataka. "Ako? Hindi ko naman ginagalaw ah!"
Hindi si Juan? Mukang nagsasabi siya ng totoo. Baka nga may multo na... pero bakit naman magkakaroon ng pangalan na "Ulol" 'yung multo? Malamang isa din dito sa mga kasama namin... si Talia...? Si Madilyn...? Hinde.
Si Juan lang talaga itinuturo ng lahat.
Sa kalagitnaan ng pagtuturuan...,
"Ahhhhhhhhh!" may babaeng biglang tumili!
Nagulat kame... at natakot!
Teka. Si Alex ata 'yung sumigaw!
"Huuuuuu... Huu..." mangiyakngiyak si Talia at si Madilyn sa takot.
"Juan! Sam! Ahhhhh!" boses nga ni Alex.
Kinabahan ako siyempre. Tumakbo agad ako sa CR.
Narinig ko si Talia, "Julia! Dito ka na lang! Natatakot ako!"
Takot na takot ang dalawa.
Sumabay sa akin si Juan sa pagtakbo papunta kay Alex. Iniwan namin ang tatlo. Maingay na umuungol ang dalawa sa pag-iyak.
Binuksan namin 'yung ilaw sa CR. Unang bungad agad 'yung muka ni Alex... nagulat ako siyempre.
"Sam!"
"Oh? Bakit?! Ano 'yun?!" napatanong ako ng seryoso.
"Si R-raul!" mautal-utal ang pagsasalita ni Alex.
"Ano?! Anong meron kay Raul?!" napapasigaw na si Juan.
"A-ano..." hindi makapagsalita ng maayos si Alex.
"Ano nga? Sabihin mo na!" napapasigaw na din ako.
"Nag-aano! Alam mo na...!"
"Ano?!" napataas kilay ko.
Bigla kaming nanahimik ni Juan at nagtinginan.
Lumapit si Juan kay Alex at sinabing, "Oh? Ano na?"
"M-malakeeee...!" tuwang tuwa si Alex.
"Potek na! Akala ko naman kung anong nangyare kay Raul! Loko talaga!" nasayang pag-aalala ko.
Pumasok si Juan hanggang sa dulo ng CR para tignan 'yung lokong Raul na iyon. Hindi makatiis! Kahit sa ibang bahay nagagawa niya iyon!
Narinig ko si Juan at Raul nagtatawanan, "... Baliw ka talaga... Ahahah..."
"... Gulat siya bigla eh! Ahaha..."
Pumunta sa amin si Juan at Raul. Kita sa muka ni Alex ang pamumula, tanda na nagpipigil ng lib*g.
"Teka..." ano na naman ssabihin mo Juan? "Dito na lang tayo mag-ghost-hunting!"
Dito? Bakit dito? Hay... Ano na naman ang gagawin namin dito?
"Tawagin mo sila, Alex," utos ni Juan.
"Dito talaga?" nagtaka din si Alex. "Mas nakakatakut dito eeee..."
"Para nga mas maging exciting eh," gusto talaga ni Juan ng katatakutan. "Nakakatakot naman itong CR namin. Malamang may multo dito!"
"Nakakatakot lang, may multo na agad?" nagbiro na si Alex.
"Oh," hinawakan ni Juan ang braso ni Raul at tinulak papunta kay Alex. "Sa'yo na si Raul isang gabi... Isama mo siya!"
Laking ngiti naman si Raul habang nakaharap kay Alex.
"Ayiiiie!" nanti-trip na si Juan.
"Baliw kayo!" ayan, nainis na. "Halika na nga! Tawagin na natin sila!"
Hinawakan ni Alexandra ang tenga ni Raul at piningot habang hinihila palabas ng banyo.
"Aray... Aray!"
BINABASA MO ANG
Bloody Maria
ParanormalPitong taong nagtuturuan kung sino ang dapat sisihin... sino nga ba ang dapat sisihin sa kanila? Halos lahat naman sila may kasalanan kay Maria. Bloody Mary..., hindi dapat nilalaro dahil hindi naman ito isang laro... Isa itong paraan ng pagpapakam...