XVIII: Bakas

16 2 0
                                    

"Timothy!" Napasigaw ako dahil hinahanap ko siya.

"..." hindi makapagsalita si Leo nang nakakita siya ng bakas ng dugo sa sahig.

Pumasok kaming lahat sa loob.

"Nasaan si Timothy?!" iyak ni Bianca.

"Hindi ko rin alam Bianca..." sabi ko.

Lumuhod ako sa sahig.

Sa gitna ng kalat-kalat na dugo, nakita ko ang isang kamera.

Pinulot ko. Tinignan ko ang huling kuhang video ng kamera.

Rewinding... at pinindot ko ang play.

"S-sino ka?!" maririnig ang boses ni Timothy na natatakot.

Biglang bumagsak si Timothy.

Wala ka naman talagang makikitang kausap si Timothy.

Pero bigla ka na lang makakakita ng maputing babaeng nakasabit sa kisame. Nakabaliktad at nakatingin mismo sa kamera. Maitim ang mga mata. Pumipilantik ang bawat galaw. Gumagapang siya ng paisa-isa sa taas.

Sa galaw ng kamera, makikita mong gumagapang na si Timothy, makikta mo rin ang mga paa ni Timothy.

Bumagsak 'yung babae... at sumugaw ng malakas. Biglang tumapat ang muka mismo sa kamera.

"Sid? Ano nang gagawin natin?" sabi ni Jennelyn. Nakahawak pa rin siya sa laptop.

Nag-isip-isip ako. Humawak ako sa sahig. Tinignan ko ang dugo sa kamay ko. Sabi ko ng dahan-dahan, "Kailangan nating sundan 'yung dugo."

"Sid," sigaw ni Bianca. "Baliw ka ba? Ang tamang gawin natin, umalis na tayo at i-report na lang sa mga pulis."

"Wala tayong choice, Bianca," diin ko. "Ayokong iwan na lang basta-basta si Timothy at Roy ng ganito. Alam ni Julia ang bahay na 'to kaya hindi tayo mahihirapang hanapin si Tim."

"Teka," pansin ni Leo, "Nasaan si Julia?"

"Oo nga! Nasaan 'yung babaeng iyon?!" sigaw ni Bianca.

"Bakit ba laging may nawawala at naiiwan?" sabi ni Jennelyn.

Nanahimik ang lahat. Ang tensyon lahat sa amin ay tumitindi. Ito na 'yung puntong nag-iisip ang lahat kung ano na ang gagawin.

"Ganito na lang. Ako, pupunta sa pinakamalapit na police station para mag-report. Kayo, hanapin niyo si Timothy at Julia," suggestion ni Bianca.

"Ano ba ito...?" nagdadabog si Jennelyn. "Walang signal."

"Sige Bianca. Mag-ingat ka na lang." Wala na ring magawa si Leo.

Tumungo lang si Bianca. Lalabas na siya.

"Bianca, 'yung susi oh!" Hinagis ni Jennelyn ang susi ng sasakyan at nasalo niya.

Nasilip ko na nakasakay na siya ng kotse at sinisimulan na niyang paandarin.

Nagkatinginan kaming lahat na nasa loob pa.

"Tara!" sabay-sabay kaming tatlo na nagsalita.

~~~~

Sa pagsunod namin sa bakas ng dugo, naihatid kami sa isang kwartong walang laman.

"Wala na! Ito na 'yung dulo!" sabi ni Jennelyn.

"Bakit tayo dito napadpad?" sabi ni Leo.

Hindi ako agad nagsalita.

Habang sila ay nagpapaikot-ikot sa paligid, may iniisip ako kung bakit biglang nawala ang karugtong ng bakas. Maaaring, sa taas, pero tinignan ko na ang taas. Masyadong mataas para duon mapunta si Tim.

"Multo nga kalaban natin! Wala tayong laban!" sumigaw si Jennelyn.

Hindi makapaniwala si Leo. Mukang natanto niya rin ang sinasabi ni Jennelyn kahit ayaw niyang maniwala.

Kung hindi pwede sa taas, pwede namang sa baba.

Tumingin ako sa sahig. Habang naririnig ko ang paghingal ni Jennelyn, nakikita ko ang maliit na telang nakausli sa sahig.

Isang dilema ang nasa isip ko ngayon. Dahil sa napansin kong tela, alam ko na nabubuksan ang bahaging ito ng sahig.

Hihilain ko ba 'yung tela para mabuksan ito at malaman kung nasaan na si Timothy? Ano kaya ang meron dito sa ibaba? Mga patay? Mga buhay? O mas mabuti pa ngang antayin na lang namin ang mga pulis... para mas ligtas ang gagawin namin.

Hinde eh! Andito na kame. Kailangan na naming kumilos. Hihilain ko na ito.

Hinawakan ko na 'yung telang nakausli. Hihilain ko na sana kaso nakarinig ako ng naglalakad sa ilalim.

"Leo, Jenn, pssst..." Pagtingin nila sa akin, nakasenyas na agad ako para tumahimik sila.

Pinasunod ko sila. Lumabas kami ng kwarto at nagtago sa kabila. Makikita mo pa rin ang tela dito sa akin. Tanaw ko kung anong mangyayari.

Palakas na palakas ang hakbang. Malamang malapit na.

...!

Bumukas na 'yung maliit na pinto sa sahig.

Lumabas ang isang taong naka-hoodie. Nakatakip lang ang ulo.

Tao lang kaya ito? Muka nga, dahil makikita mo 'yung kamay niya, nakalaabas sa mahabang sleeve.

Teka... parang papunta siya dito.

Hala. Anong gagawin ko.

Nasaan ba kame? Nasa loob ng mga gamit, wala akong makita dahil madilim.

"Clickit!" Binuksan niya 'yung ilaw.

Papasok na siya.

"Dug!" Hinampas bigla ni Leo ang uluhan niya.

Bloody MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon