IX: Ano'ng kalaban

51 2 0
                                    

Nakahiga si Raul sa sahig. May saksak sa leeg. May ukit din siya sa noo gaya ni Alex, may hugis bituwin na nasa bilog. Nakatirik ang mga mata niya. Mukang naghabol ng hininga.

Napaatras si Talia... Mukang naiintindihan na niya ang nangyayari.

"Tama nga... May sinasabi kanina si Maria sa akin... Hindi ko agad naintindihan!" natanto ni Talia.

"Kinausap ka ni Maria?" tanong ko.

"Hindi kung ano ang pumapatay Sam! Tao lang ang pumapatay! Si..."

Biglang may sumaksak sa leeg ni Talia.

Nagulat ako lalo na't nagsasalita pa si Talia. Hindi ko maaninag kung sino ang sumaksak kay Talia.

Si... Si... Isang tao!

Hindi ko kilala kung sino 'yung tao. Sigurdo akong tao 'yon.

Hindi masyadong maririnig ang mga boses dahil sa ingay ng malakas na ulan.

Hindi ko ring namalayan na tumatakbo na pala kami palabas. Nasa gilid na ako ng van ni Madilyn.

"Samuel!" may babaeng sumigaw.

Si Madilyn! Tumatakbo siya habang umiiyak at dungis-dungis. Halos hindi mo na siya makilala sa itsura niya.

"Madilyn! Buti walang nangyaring masama sa iyo! Si Juan..." pinutol niya ang pagsasalita ko.

"...Papatayin ako! May saksak ako sa braso! Mamaya na lang ako magpapaliwanag," sabi ni Madilyn.

Binuksan ko agad ang kotse ni Madilyn at pinapasok ko siya sa kabila.

"Aaah!" napatili si Julia.

Sasakay si Julia pero biglang sumabit ang tsinelas niya. Napatili siya sa kaba.

Tinapon na lang ni Julia 'yung tsinelas niya. Ipapasok na sana niya ang paa sa loob biglang may humawak sa pintuan sa likod. Nakita ko sa side mirror.

"Aaaaaaah! Aaaaaah!" tili ng tili si Julia. "Bitiwan mo iyan!"

Nakakapit si Julia sa pintuan. Hinding hindi siya bibitaw maski ang taong ito.

Sinusubukan kong paandarin ang sasakyan ni Madilyn.

Ayan! Gumana na!

"Eeeeng!" umaandar na ang kotse.

Nakakapit pa din siya. Medyo bilisan ko para bumitiw na siya.

Sumadsad na ang katawan niya pero hindi siya bumitaw hanggang pagdating sa entrance/exit.

Mukang tumakbo pa siya pabalik.

Hindi multo... Hindi demonyo ang pumapatay... Tao... Sigurado akong tao! Pero ang tanong? Sinong tao?

~~~~~~~~~~~~

Patuloy kaming umaandar. Hinding hindi ako hihinto.

Ang iniisip ko lang kung sino ang patatay sa amin.

"Maddy! Sino pala ang sumaksak sa iyo?" natanong ko bigla.

"Hindi niyo pa din alam?" naglalagay siya ng alcohol sa gilid ng sugat niya at pinupunasan ni Julia.

"Bakit ka sinaksak?" tinanong ni Julia.

"Hindi ko rin alam. Basta... Ang ginawa ko lang. Nagtago ako sa mga damuhan. Hindi niya ako nakita. Tsaka ako lumusot pailalim para pumunta sa gilid ng bangin. Akala ko makikita niya ako... Tinatawag niya ako sa pangalan ko!" nagkwento si Madilyn.

"Sige Madilyn! Magpahinga ka na lang muna! Mukang pagod na pagod ka," sabi ko.

"Teka Sam! Tama ba ang dinadaanan natin?" nagtanong sa akin si Julia.

Oo nga! Hindi ko na alam kung saan kami pumupunta! Hindi ko maalala na mapuno pala sa daanan namin. Naliligaw na kami!

"Bahala na!" nagdahilan na lang ako.

"Baliw ka maliligaw lang tayo!" sabi ni Julia.

"Ba't hindi mo sinabi kasi na mali na 'yung dinadaanan natin? Alam mo naman pala!"

"Si Madilyn inaasikaso ko! Siyempre hindi ko talaga mapapansin."

...!

May napansin ako.

May ilaw akong nakikita sa side mirror! May sumusunod sa aming sasakyan!

"Julia! Kumapit kayo ni Madilyn ng maigi! Mukang magiging magulong pagmamaneho ito!"

"Bakit Samuel?!"

"May sumusunod na sa atin!"

Akala namin tapos na. Mabilis ang takbo ng sasakyang sumusunod sa amin. Malamang maaabutan kami.

Dire-diretso lang ako... Kahit alam kong maaabutan na kami, hindi ako titigil sa pagmamaneho.

"Baag!" binangga ang likod ng sinasakyan namin!

"Baag! Eeeeek!" mukang napatabingi niya ang sasakyan!

"Baaaag! Baaaag! Baag!" tumilapon ang dalawang kotseng sinasakyan namin.

Bloody MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon