Naanyayahan namin si Julia sa club room namin.
"Ahh, Julia Franco," sabi ni Leo. Nalaman na namin ang buong pangalan niya. Nilista na ni Timothy. Sabi pa ng presidente, "So Julia Franco pala ang buong pangalan mo?"
"Ahahah," napatawa namin siya. Siguro matagal na hindi siya tumawa. Ngayon n'ya lang siguro nagawa 'yun sa mahabang panahon. Sabi niya, "Natutuwa naman ako sa inyo. Hindi ko alam, pero, pakiramdam ko, kumportable kayo kasama."
Ganito pala ang ugali niya. Halata mo na may mabuti siyang kalooban. Meron siyang pakikutungo na mararamdaman mong kinakaibigan ka niya.
"Wala ka bang mga kaibigan Julia?" tanong ni Bianca kay Julia. "Lagi kasi kitang napapansing mag-isa."
"Oo, Bianca," sagot niya. Medyo nahihirapan siyang magsalita tungkol doon kaya huminga siya ng malalim at sinabing, "Pero... meron dati."
"Meron dati?" sabi ni Leo. Tanong niya, "Anong 'meron dati'? Paanong 'meron dati'?"
Nanahimik bigla. Lahat nakatutok at nakikinig kay Julia.
"May nangyare kasi..." kinuwento niya ang mga nangyari.
Nagkaroon ng interpretasyon ang buong grupo.
Nakita nila sa isip nila ang katawan ni Alex na nakahiga't duguan sa ibabaw ng inidoro.
Nakita nila si Raul na may mga saksak.
Nakita nila kung paano nasaksak si Talia sa bandang leeg.
Nakita nila kung paano tumilapon ang sasakyan kung saan malapit sa bangin.
at...
Nakita din nila... si Maria sa tabi ni Samuel na sumaksak kay Juan sa leeg... at nalaglag sabangin.
"Juan! Samuel!" bumagal ang lahat. Nakita niya si Maria... nakangiti.
"... at duon." Huminga siya ng malalim at tumuloy sa pagsasalita, "Binuhat ko ang isa kong kaibigan na walang malay. Umaga na nung mga oras na iyon kaya makikita mo 'yung araw, sumisilip na. Tapos..."
Napaatras ang lahat nang napansing parang may nakikita si Julia.
"Julia?" tanong ni Bianca.
"Tapos..." sinusubukan niyang ituloy 'yung kwento. Nakatitig siya sa isang sulok ng silid. Bigla na lang tumulo ang luha niya.
"Okay lang 'yan Julia," sabi ni Timothy at bigyan niya si Julia ng panyo.
Pinunasan niya ang mga luha sa mata niya.
"Pasensya na..." sabi niya. "May pupuntahan pala ako mamaya. Siguro dapat ko munang bisitahin ang isang kaibigan... pati 'yung iba."
"Oh sige!" sabi ni Timothy.
"Ingat!" sabi ni Bianca.
Napasalita din ako. Sabi ko, "Ingat Juls!"
Napatigil siya sa tapat ng pinto. Nakahawak na siya sa door knob. Sabi niya bigla ng pabulong, "Juls... salamat sa bago kong nickname!"
Umikot siya at ngumiti sa amin.
"Bye!" sabi niya sabay labas.
Paglabas, bigla kaming lahat huminga ng malalim.
"Nakakatakot nga 'yung pakiramdam kapag kasama siya," sabi ni Jennelyn.
"Oo medyo," sumang-ayon si Bianca. "Kinalabutan ako kanina nung bigla siyang tumigil. Nakakatakot!"
"Oo nga," sabi naman ni Roy. "Sabi ko sa inyo eh! Pero totoo kaya 'yung nakikita niya?"
Nagtinginan kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Bloody Maria
ParanormalPitong taong nagtuturuan kung sino ang dapat sisihin... sino nga ba ang dapat sisihin sa kanila? Halos lahat naman sila may kasalanan kay Maria. Bloody Mary..., hindi dapat nilalaro dahil hindi naman ito isang laro... Isa itong paraan ng pagpapakam...