Chapter 11

4.3K 125 12
                                    

"We'll do everything that we can" ang tugon naman ng doktor.

"Can we see him now?" ang tanong naman ni Ate.

"Of course" ang pagpayag naman ng doktor. Nagtungo naman kami sa kuwarto ni Ethan.

"Kausapin niyo siya. Palakasin niyo ang loob niya" ang bilin ng doktor. "Makakatulong yun"

"Yes, dok" ang halos sabay-dabay naming tugon. "I have to go now. Every one hour, may titingin sa kalagayan niya"

"Thank you, doc" ang pasasalamat namin sa doktor. Sinimulan naman ni Mrs. Espartinez ang pakikipag-usap sa kanyang anak. Mahinahon. Parang awitin sa pandinig ang tono ng kanyang boses. Sa kabila nun, batid namin ang nakatagong pangamba sa kanyang kalooban. Sa aking paglapit kay Ethan ay pilit kong linalabanan ang mga luhang nais kumawala mula sa aking mga mata. Hindi lang ako basta takot, takot na takot.

"He'll come back" ang bulong sa akin ni Ate Natalie. "He'll come back for us"

Napatango naman ako. Kahit paano ay nabawasan ang takot at pag-aalalang nararamdaman ko sa taong mahal ko. Hinawakan ko ang kamay ni Ethan.

"Mahal" ang pagsisimula ko habang nagpipigil ng mga luha. Kailangan kong maging malakas para sa aming dalawa. Sa ngayon, yun lang ang magagawa ko eh "I know babalik ka. Kapit ka lang, ha? Wag na wag kang bibitaw. Hihintayin ka namin. Hihintayin kita. Mahal na mahal kita.

Sa mga pagkakataong yun, umaasa ako na magising na siya. Dahil sa bawat minutong lumilipas ay parang bumibigat ang pasan ko sa aking dibdib. Pinaupo naman ako ni Kuya sa sofa at kaagad inakbayan kasabay ng pagsambit niya ng mga sakitang dapat ay magpalakas sa loob ko ngunit tila ba pumapasoj lang sa isa kong tenga at lumalabas sa kabila. Hindi dahil sa ayaw kong makinig o maniwala. Natatakot lang talaga ako. Pagkalipas ng ilang minuto ay may nagbukaa ng pinto sabay luwa ng dalawang lalakeng kapwa nakaputi. Alam kong mga doktor sila. Nagpakilala ang isa pagkatapos ay tinignan ang kalagayan ni Ethan.

"This is Doctor Enriquez" ang pagpapakilala ng doktor sa kasama niya. "Our resident psychologist"

"Glad to meet you Doctor Enriquez" ang pormal na bati ni Tita sa doktor.

"My pleasure" ang tugon naman niya. "So, who's the patient?"

"Him" ang tugon ni Mrs. Esoartinez sabay turo sa akin.

"Huh? What the" ang gulat kong reakyon. "There's nothing wrong with me"

"Of course, my dear" ang pagsang-ayon ni Tita. "You've been through a lot for only a day"

"I just want to talk to youž ang singit ni Doc.

"What for?" ang naguguluhan kong tanong.

"PeeJay" ang pagtawag sa akin ni Kuya. Napatingin naman ako sa kanya. "Just go. It's for your own good"

"But-" ang protesta ko sabay tingin kay Ethan.
"Don't worry. He'll be fine" ang paninigurado naman ni Ate Natalie. Napatango na lang ako sabay buntong-hininga.

"Please, follow me" ang paki-usap sa akin ng psychologist. Lumabas naman kami ng kuwarto. Sumusunod lang naman ako sa kanya patingo sa kanyang clinic.

"Please, have a seat Mr..."

"Prince Jasper Gomez" ang pagpapakilala ko.

"Mr. Gomez" ang pagkumpirma naman niya. Naupo naman ako at sinimulan ang kailangan naming gawin. Inulan lang naman ako ng mga sari-saring tanong tungkol sa akin, sa amin ni Ethan hanggang sa naganap sa bangko. Halos isang oras din tumagal yun. Nang matapos ay bumalik ako sa kuwarto ni Ethan. Nadatnan ko run sila Aryan, Emily, Aldren at Blaze. Hindi pa rin nagigising si Ethan ko. Naupo ako sa pagitan nila Aryan at Emily. Kaagad naman akong yinakap bi Aryan sabay patong niya ng kanyang baba sa balikat ko.

OLSG 3: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon