IF YOU HAVE TIME TO READ or just proceed with the update:
First of all, I've been such an emotional bomb the past few days. And to be honest, hindi pa rin ako okay. May mga nangyayari sa personal life ko na kinakaya ko na minsan nadadala ko sa watty (sa watty lang at hindi sa iba pang Social Media Sites). I'm not a strong person but I'm pushing myself to be one.
To clarify things, I've been misundertood by some of you guys. Sana maintindihan niyo kung saan nanggagaling yung last post ko.
1. I will be brutally frank. Hindi ako nag-eexpect ng positive feedbacks sa mga updates ko, I'm just hoping. The negative feedbacks shaken me a bit but I'm back on track. As a person as well as a writer, siyempre ang gusto kong maibigay ay yung best ko. Sa mga manunulat na katulad ko, alam kong maiintindihan niyo ang susunod kong sasabihin. Hindi ako nadi-disappoint sa mga negative comments, parte naman yan eh. We can't please everyone. Nakaka-disappoint lang para sa sarili yung part na pinaghirapan mong pag-isipan tapos feel mo napaka-mediocre mo pa pala. Okay na ung isa o dalawang updates na may puna pero yung magkakasunod. Teka, baka may mali na and you try to improve yourself pero parang kulang pa.
2. Hindi ako nahihirapan dahil sa dalawa ang on-going ko o kung ano pa man. Aaminin ko. TAMAD ako. I spend my time sleeping. May mga pagkakataong pag sinabi kong draft mode ay ang madalas nangyayari ay natutulog lang ako.
3. Turtle Update? Bakit hindi ako makapag-update agad? Ito na kasi ang pinaka-challenging na story na sinusulat ko and I require some time to think and make up the story plot. Ang hirap po kaya na magsimula ka sa ending papunta sa start ng story tapos shift ka na naman papuntang ending. Masakit sa ulo. Aminin ko po, napressure ako kasi ang laki ng expectations sa story na ito. Hindi naman po parang instant noodles ang pagsusulat ng kwento na ready within three minutes ang mga ideyang lumalabas sa isip mo.
4. Wala pa akong sinusukuan na kwento. Kaya ko naging option ang pag-uunpublish eh baka hindi pa tamang oras ang pagsusulat ko. Ako kasi yung tipo ng tao na pilit na tinatapos ang nasimulan ko na. WAIT LANG... Wala pang 1/8 ang na-update ko and I promise it will be better. Just trust the author. Haha!
5. I don't come clean. Hindi ako magaling. Isa lang ako sa marami pang manunulat sa wattpad na umaasang mapansin. At hindi ko kayang ibigay ang wala ako. Gayunpaman, kailangan ko magtiwala sa kakayahan ko. Kaya naman pangungunahan ko na kayo, pagpasensyahan niyo na lang kung "ito lang" o "bitin" ang mga updates ko. (Parang hindi na kayo nasanay. Simula nung OLSG book one. Eh, matagal naman talaga ako mag-update). Hindi ko po intensyon na gumawa ng eksena para lang mapag-usapan o para lang masabi ko at mapatunayan na ganito o ganyan ako. Siguro ang gusto ko lang naman ipunto eh. Hindi lahat ng manunulat dito ay nasasahuran sa mga gawa nila. Putaktihin man ako ng votes, positive feedbacks at reads ay wala pa rin akong mapapala. Walang magbabago sa takbo ng buhay ni EJ sa likod ng pagsayaw ng kanyang pluma. Kaya may EJ ay para mag-entertain at mang-inspire ng libre at walang hinihinging kapalit. Buhay ko na ang pagsusulat.
Ans so, I end up this not time-worthy speech by claiming the throne of the "pinakamadramang at pinakamaarteng wattpad bxb author" in history. Haha! Well, that's EJ for you guys. And I just have to thank everyone for showing support and for lifting me up,mapa-watty man o sa facebook.
In return, sa mga patuloy na tumatangkilik sa OLSG. I will continue updating Heartless. Expect an update or updates in two days time. :)
- Sean aka Elixir John