Final Chapter

5.2K 160 47
                                    


PeeJay's POV

Pagkababa ko ng stage ay naupo ako sa tabi ni Mommy.

"I'm so proud of you" ang puri naman niya sa akin. Napangiti naman ako. Hindi naman nagtagal ay natapos din ang programa na pinangunahan ng Dean para sa gusaling ipapatayo namin at ipapangalan kay Daddy. Tahimik lang namn kaming lumabas ng function hall. Sa labas ng koleyo ay nakaparada na ang Rolls-Royce Phantom Limo na ginagamit ni Daddy noon kapag may pinupuntahan siyang importanteng event.

Pasakay na sana ako nang biglang may tumawag sa akin. Napatingin naman ako, automatic namang humarang ang body guard sa harap ko.

"Mommy, susunod na lang ako" ang paalam ko kay Mommy. Napatango naman siya bilang pagpayag.

"Mauna na kayo" ang bilin ko sa mga body guard. Kaagad naman silang tumalima. Napatingin naman ako sa kanila at ngumiti.

"PeeJay, anong nangyayari?" ang tanong ni Aryan. Alam kong oras na para sabihin sa kanila ang katotohanan. Hindi ko naman kasi talaga matatago ito. And after all, sila ang mga kaibigan ko... I mean mga tunay na kaibigan ko.

"What you see is what you get" ang simple ko namang paliwanag. "Totoo ang mga narinig niyo"

"You're a big fraud!!!" ang sigaw ng isang boses sa galit. Napatingin naman ako.

"What part of you is not, AJ?" ang tanong ko sa kanya pabalik. Napatupi ako ng mga kamay at tinitigan siya.

"Matagal nang bumagsak ang pamilya niyo" ang pinunto niya.

"Hindi ba pwedeng bumangon kapag bumagsak?" ang tanong ko sa kanya.

"This is impossible!" ang sigaw niya.

"Itigil mo na to, AJ" ang sabi ko sa kanya. "Alam ko na ang lahat"

"What do you mean?" ang tanong naman niya.

"You're doing this on purpose" ang tugon ko. "Ginamit mo pa si Ethan para lang masaktan ako."

"And why the hell should I?" ang tanong niya pabalik.

"Dahil galit ka sa akin at sa pamilya ko" ang tugon ko muli. Natigilan naman siya. "alam ko na ang lahat! Na magkapatid tayo sa ama, AJ."

"W-what?" ang singit ni Ethan.

'You heard right" ang pagsang-ayon ni Patrick sabay tabi at akbay sa akin.

'What the hell is this, Patrick?" ang gulat na tanong ni AJ kay Patrick.

"Let's say... I'm like a secret agent" anga tugon naman ni Patrick. Napaluhod naman si AJ sa sahig.

"Totoo ba na ginamit mo lang ako, AJ?" si Ethan. "Totoo ba?!"

"Oo" ang tugon naman ni AJ.

"Akala ko mahal mo ako" ang sabi ni Ethan.

" I never did" ang sabi naman ni AJ. "Ginawa ko yun para saktan si PeeJay."

"How could you?" si Ethan. Nagsimulamg pumatak ang kanyang mga luha. Alam kong wala siyang kasalanan pero may saya sa akin na makita siyang ganun. Kahit paano, I'm satisfied.

'Wag mo na sayangin ang effort mo para pabagsakin ako AJ. Just leave me alone. Don't provoke me more." ang bili ko sa kanya. Tumayo naman siya at tumakbo palayo. Napabuntong-hininga naman ako. "Sorry guys. I have to go"

Sumakay naman ako sa naghihintay na nakaparadang kotse. Ayoko na ng masyadong drama, dumeretso ako sa Goldwire at dumeretso sa opisina.

"Anak, ano to?" si Mommy sabay pakita ng mga papeles.

OLSG 3: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon