Chapter 8

4.6K 135 23
                                    

[2.5 months before break-up]

"Hui, nakatulala ka diyan!" ang pandidistract sa akin ni Aryan. Kasalakuyan kaming nasa cafeteria.

"Ha?" ang reaksyon ko nang bumalik ako sa hwisyo.

"Kanina ka pa nakatulala kako. Ano bang iniisip mo?" ang tanong niya. Nag-aalangan naman kasi akong sumagot.

"Si Ethan kasi" ang pagsisimula ko.

"Oh, bakit si Ethan?" ang tanong niya.

"Pakiramdam ko na nagbabago na siya" ang tugon ko.

"Paano mo naman nasabi?“ ang tanong niya naman.

"Hindi na siya gaanong naglalambing, madalas siyang MIA. Parang hindi na siya tulad ng dati" ang paliwanag ko naman.

"Eh, phase lang yan sa isang relationship. Ying makaramdam kayo ng pagbabago. You felt confortable na kasi and secured na kayo na." ang paliwanag niya.

"Natatakot lang naman kasi ako" ang pagpapatuloy ko. "Na mafall-out of love siya sa akin."

"Tama na nga yang kaka-Starbucks mo" ang komento naman niya. "Baka naman napaparanoid ka"

"Sana nga"

"Kinukutuban ka ba na meron na siyang iba?" ang bigla niyang tanong.."Alam mo, madalas totoo yung mga kutob"

"Hindi ko alam, Aryan. Ayoko isipin na may third party." ang sabi ko naman.

"Mahal mo pa ba?" ang tanong niya.

"Oo naman" ang tugon ko.

"Masaya ka pa ba?"

"Sobra" ang tugon ko. Napatango naman siya.  "Tara na sa lecture room. Baka andun na rin yung tatlo."

"Eh, saan ba kasi sila nagpunta?" ang tanong ko.

"Sa library" ang sagot naman niya. Dumeretso na nga kami sa lecture room. Andun na nga yung mga iba pa naming kaklase. Nadatanan kobg magka-usap sa isang tabi si Ethan at AJ. Hinsdi ko naiwasan ang pagseselos. Ramdam ko naman kasi na may gusto si AJ kay Ethan. Bakit hindi niya makita yun? Na hindi okay sa akin na magkasama sila? Pakiramdam ko naoout-of place na ako sa buhay niya. Hindi ko na nga maramdaman na may boyfriend ako. Nalukungkot talaga ako.

"PeeJay!" ang pagtawag sa akin ng mga kaklase kong nasa pinakaharap.

"Kantahan mo naman kami oh!" ang request ng isa.

"Eh, ayoko nga" ang pagtanggi ko.

"Sige na. Ito ang gitara" ang sabi pa ng isa sabay alok ng gitara.

"Uhmm, no thanks" ang pagtanggi ko ulit.

"Sige na. Sasamahan kita" ang suhestyon naman ni Tristan. Isa sa mga member ng University Glee Club.

"Sige na nga" mukha naman kasing hindi na talaga ako makaka-tanggi.

"Yeeey!" ang reaksyon naman nila sa pagpayag ko at kaagad silang nagset-up sa harapan. May dalawang gitara. Tag-isa kami ni Tristan.

"Anong kakantahin natin?" ang tanong ko kay Tristan.

"Ikaw bahala. Back-up lang ako. Mangangapa na lang ako kung hindi ko alam" ang tugon naman niya. 

"Ay, grabe ka" ang reaksyon ko naman.

"Ikaw ba? Idaan mo sa kanta nararamdaman mo ngayon?" ang suhestyon niya. Ano bang nararamdaman ko? Selos. Pusong-bato kaya para pasok sa banga? Hmmm. Let it go na lang. Echos lang. Napailing na lang ako.

Sinimulan kong patugtugin ang gitara. Napapatingin naman kay Tristan. Napapatango naman siya. Sumabay naman siya sa akin. Napahinto naman ang lahat sa kabilang ginagawa at napatingin sa aming dalawa.

[A/N: Favorite song ko ang kakantahin ni PeeJay. In fact, tatlong version ang nasa mp3 player ko. Original version by Fleetwood Mac, Glee Version and  Cover ng Boyce Avenue. Try niyong pakinggan. Naka embed po sa media. Hahaha]

(NOW PLAYING: Landslide)

I took my love and took it down

I climbed a mountain and I turned around

And I saw my reflection in the snow-covered hills

Till the landslide brought me down

Oh, mirror in the sky, what is love?

Can the child within my heart rise above?

Can I sail through the changing ocean tides?

Can I handle the seasons of my life?

Sa mga susunod na linya ng kanta ay napatingin ako kay Ethan na nakikinig na rin sa amin.

Well, I've been afraid of changing'

Cause I've built my life around you

But time makes you bolder

Even children get older

And I'm getting older too

Well, I've been afraid of changing'

Cause I've built my life around you

But time makes you bolder

Even children get older

And I'm getting older too

Oh, I'm getting older too

Natatakot nga ako sa mga pagbabago. Lalo na kapag hindi ko kinasanayan. Sana naman hindi tuluyang magbago si Ethan sa akin.

I take my love, take it down

I climb a mountain and turn around

And if you see my reflection in the snow-covered hills

Will the landslide bring you down

And if you see my reflection in the snow-covered hills

Will the landslide bring you down, oh, oh

The landslide bring you down

Hindi ko namalayan na kay kumawalang luha sa mata ko. Nagulat ang lahat. Napatayo naman si Ethan nang makita yun.

"Hala, okay ka lang?" ang tanong isa kong kaklase..

"Oo naman" ang tugon ko sabay punas ng luha ko. "Ang tawag dun, emotional singing"

Then, I forced to laugh.

"Pinagbigyan ko kayo ha!" ang pagpapatuloy ko para maitago ang lahat ng nararamdaman ko. Ang hirap umarte na hindi okay. Lumapit naman si Ethan sabay yakap sa akin.

"Oooeeeeey" ang tukso naman ng mga kaklase namin.

"Okay ka lang mahal?" ang bulong niya sa akin.

"Oo naman" ang tugon ko.  "Wag na wag kang magbabago,ha?“

"Bakit naman ako magbabago?“ ang tanong niya.

"Ewan. Hindi ko alam" ang sabi ko.

"Nagdududa ka na ba sa akin?" ang tanong naman niya. Umiling naman ako. Kailangan kong magtiwala. Kailangan kong maniwala na hindi niya ako sasaktan pero bakit nasasaktan ako?  Kumalas ako sa pagkakayakap niya.

"Pupunta lang ako ng banyo" ang paalam ko.

"Wag na" ang pagtanggi ko naman. "Okay lang ako."

Lumabas ako ng lecture. Ewan ko ba kung bakit ako nalulungkot. Wala pa namang nagaganap pero bakit napaparanoid na ako? Hindi ko maintindihan. Dumeretso ako sa cafeteria imbes sa banyo. Ginawa ko lang namang excuse yun eh. Bumili ako ng popsicle at nagtungo sa rose garden ng university. Hindi muna ako papasok sa subject ko ngayon. Naupo ako sa damuhan at sinimulang kainin ang popsicle.

Nang maubos ko naman yun ay nahiga na ako sa damuhan. Napatitig lang ako sa mga ulap sa kalangitan. Napapaisip ako. I'm slowly loosing him. Noon, nasasabi ko pa na akin siya but he's slowly going away.

"Well, I've been afraid of changing'

Cause I've built my life around you"

OLSG 3: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon