Chapter 14

3.6K 138 16
                                    


"Kuya, daan muna tayo ng Jollibee" ang paki-usap ko. "Gutom na kasi ako. Hindi pa ako nag-aalmusal"

"Ayy.. sige, po, walang problema" ang pagpayag naman ni Kuya driver. Pagpasok na pagpasok ko sa fast food chain ay naka-agaw ako ng atensyon mula sa mga kumakain dun. I really do find it awkward.

"Oo, alam kong gwapo ako" ang pagbubuhat ko ng sarili kong bangko sa aking isipan. Sinalubong naman ako ng matamis na ngiti mula sa cashier nang oras ko nang mag-order. Bumawi naman ako ng ngiti at nagsimulang umorder. Habang hinihintay ko ang aking order ay biglang tumawag si Kuya.

"Hello" ang pagbati ko nang sagutin ang telepono.

"happy birthday, bro" ang bati niya.

"What is this all about?" ang tanong ko kaagad. "And why do I have to wear an effin' suit?"

"You'll know when you get here" ang tugon naman niya. "Where are you anyway?"

"Nasa Mcdo pa ako" ang tugon ko sabay bitbit sa tray ng pagkain nang makumpleto yun. Umupo ako sa bandang gilid. "Hindi pa kasi ako nagbre-breakfast"

"Okay, go eat your breakfast first" ang bilin niya. "But make it fast"

"Okay, okay..." ang reaksyon ko naman bago tinapos ang tawag. Nagsimula na nga akong mag-almusal. Nang matapos ay nagtungo na kami sa Goldwire. Ganung-ganun pa rin ang kumpanya. Walang pinagbago... mula sa interior decoration hanggang sa mga nagtratrabaho dun. Natigilan ako sa organizational chart ng kumpanya. Wala na ang portrait ni Daddy dun bilang President at CEO ng kumpanya ngunit walang nakalagay na bagong litrato. Nakakapagtaka... Nagtungo ako sa front desk.

"Good morning, Sir Peejay" ang bati ng receptionist. "It's been a long time, Sir"

"Yeah" ang pagsang-ayon ko. "Kuya asked me to go here. Where is he?"

"At your father's office" ang tugon ng receptionist.

"Speaking of that" ang pagsisimula ko. "Sino na ang bagong Presidente ng Goldwire?"

Nagkatinginan naman ang dalawang receptionist.

"Ang alam po namin... kayo ho" ang tugon ng isa. Nagulat naman ako sa kanyang tugon at napakunot. Pilit ko naming tumawa pero pinagmamasdan lang nila ako at hindi nakitawa. Natigil naman ako at dumeretso na lang sa elevator.

"Ano ba kasing nangyayari rito?" ang tanong ko. Mas lalo akong naguluhan. Baka naman ayaw nilang ipakilala kung sino ang bagong namamahala sa Goldwire kaya sinabi na lang nila yun. OO... ganun nga lang yun at wala nang iba pang dahilan. Dumeretso ako sa dating opisina ni Daddy. Pagkabukas na pagkabukas ko ay wala pa ring pinagbago. Mas lalo akong nagtaka nang naroon pa rin ang human size family portrait naming sa likuran ng malaking office chair ni Daddy. Mas lalo akong natigilan nang hindi pangalan ni Daddy ang nasa table kundi ang pangalang "Prince Jasper Gomez: President/CEO".

"Like what you see?" ang tanong naman ng isang boses mula sa isang banda ng opisina. Kaagad naman akong napatingin. Si Kuya...kasama ang family lawyer namin.

"What the hell is this?" ang tanong ko.

"Why don't you sit with us?" ang paanyaya niya. Sumunod naman ako.

"So?" ang pagsisimula ko.

"Don't you get it, PeeJay?" si Kuya. "This company is all yours"

"What do you mean all mine?" ang tanong ko naman pabalik. "As far as I can remember, Gold wire was already bankrupt. Dad sold the company. Tapos tayo... yung mga naturang property, binenta natin for the sake na mabayaran natin lahat ng utang natin. Kaya nga umalis si Mommy"

"Sorry, PeeJay" si Kuya. "Everything you knew was a lie."

"What do you mean?" ang tanong ko.

"Goldwire was never bankrupt. We never sold our properties. Mom went to US not to work but to be far away from us" ang paliwanag niya.

"I don't understand why?!" napataas na ako ng boses out of frustration dahil sa mga nalalaman ko. "Why did you all lie to me?!"

"Because Dad wants you to learn the value of independence" ang simpleng tugon ni Kuya. "Yun yung hiling niya bago siya tuluyang namatay. Hinahanda ka niya for the company."

"Hindi niyo ba inisip na baka naman... hindi ito ang gusto ko? Na sana ikaw na lang Kuya?" ang argumento ko.

"We can't do anything PeeJay, It's Dad's decision" ang paliwanag niya.

"You have the every right to complain against this Kuya!" ang sabi ko. "You're the eldest. Mas entitled ka for this"

"But that doesn't mean that I'm qualified for the position PeeJay" ang argumento naman niya.

"And what makes me qualified?" ang tanong ko naman pabalik. "Estudyante pa lang ako. And you all expect me to handle this company just because I'm already 21? Andyan ka naman Kuya eh!"

Linabas naman ni Attorney ang isang dokumento. Ang Last Will ni Daddy. Binasa ko ang naroon at tama nga si Kuya sa lahat ng sinabi niya... na kagustuhan ni Daddy ang lahat.

"Sa tingin mo ba, hindi inalok ni Daddy ang position sa akin?" si Kuya JayPee. "He actually did. But I declined. That's why I went to the States... it's my way to escape."

"Napaka-unfair mo Kuya." Ang sabi ko. "so, I have to sacrifice my own happiness dahil lang sa inayawan mo. Kuya, hanggang kelan ko isasacrifice yung kaligayajhan ko. I want to be happy too, you know"

"Sorry, PeeJay. I was weak" ang sabi niya. " I want to confess something" k


OLSG 3: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon