Natawa naman ang dalawa sa naging usapan namin ni Kuya.
"Naintindihan mo ba naman yung tinatanong ng Kuya mo?" ang tanong ni Blaze.
"Hindi eh" ang tugon ko. "Naintindihan ko lang Montecillo... party at coming. Baka may ka-batchmates siya na magpaparty. Before kasi nagmove-in siya sa America. Nag-aral pa siya rito sa Pilipinas. Sa Montecillo high for two years. Bumibisita lang once a year. Pero close kami"
"Nice!" si Aldren na kasalakuyan namang naglalagay ng Nuttela sa tinapay.
"Ayaw mo ng club sandwich?" ang tanong ko.
"Matrabaho. Gutom na ako" ang tugon naman niya habang ngumunguya. First crush ko tong si Aldren eh. I mean nung nagtransfeer ako sa Saint Anthony. Cute kasi. But hindi naman to the point na gusto ko siya maging boyfriend. At alam yun ni Blaze kasi na-ikwento ko sa kanya minsan.
"Aldren, kelan ka huling nagkaroon ng girlfriend?" ang tanong ko.
"High school" ang tugon naman niya.
"Wala ka bang nagugustuhan ngayon sa block natin?" ang sunod kong tanong.
"Meron pero hindi naman ako gusto nun" ang tugon niya.
"Alam mo she's nice, caring and sweet" ang sabi ko. "You know what? Kung hindi lang ako more on boys eh. Linigawan ko na siya. Girlfriend material siya
. In fact, gusto ko na ngang ligawan kung okay lang sa'yo"
"Sino bang tinutukoy mo? Wala pa naman akong sinasabing pangalan eh" ang maang-maangan niya.
"Base sa galaw mo pag kasama siya at kung paano mo siya titigan eh obvious naman kung sino" ang paliwanag ko. Napaiwas naman siya ng tingin at napabuntong-hininga.
"Ikaw bahala" ang sabi niya pero napansin ko na iba na ang kilos ng mga kamay niya.
"Pag naubos yang laman niyan. May dalawa pang nakatago. Wag kang mahihiya" ang sabi ko. Napahinto naman siya at namula. Natawa naman ako sa reaksyon niya
"Nagbibiro lang ako. I'm rooting for you two. Bilis-bilisan mo kasi" ang komento ko. "Tsaka kahit ligawan ko yun, hindi ako sasagutin nun. Kasi may iba na siyang gusto"
"Sino?"
"Basta" ang nakangiti kong tugon.
"PeeJay! Prince Jasper!" ang pagtawag na naman ni Kuya. Pumasok siya ng kusina na bihis na bihis. "Baby brother!"
"What's your problem?" ang tanong ko.
"Let's swap cars"
"Saan ka ba pupunta?" ang tanong ko.
"I'll meet my friends first then go to the party" ang tugon naman niya.."So, come on!"
"In return?"
"I'll kidnap the hottest dude and bring him home for you as a gift" ang sabi niya.
"Deal" ang enthusiastic kong tugon sabay palit ng car keys.
"I'll go then" ang paalam ni Kuya. Napatango naman ako.
"Uhmm, PeeJay" si Kuya sa bungad ng kusina. "I can't actually...uhm, how would I say this? The deal is off"
"Huh? But why?" ang maktol-maktulan ko.
"Well... the hottest dude is actually me" ang mahangin niyang sinabi.
"Yeah right" ang tugon ko sabay ngiwi.
"Hey, you won't get any of these everyday" si Kuya sabay angat ng shirt niya para ipakita ang six pack niya at V line.