Napaupo ako sa gilid ng kama. Nangilid ang mga luha ko pero pinilit kong pigilan ang mga yun sa pagpatak. Hinding-hindi na ako magpapaapekto sa kung ano man o ano pang sasabihin niya sa akin. I have to focus... Bumaba na lang ako at nakisaya kasama ang mga kaibigan ko. HIndi na sila nagtanong pa dahil ako na mismo ang nagsabi na si Ethan yun kaya ganun na lang ang naging reaksyon ko. Wala talagang pinipiling oras ang lalaking yun. Ngayong kaarawan ko pa talaga; eh kung hindi ba naman ganun kakapal ang mukha niya at nagpakita pa siya sa akin. Masyado nanag mataas ang tingin niya sa kanyang sarili.
Lunes... Sa Saint Anthony... Maaga akong pumasok. Nagtext kasi si Aryan na may someone interesting kaming bagong classmate. Umiral na naman ang kalandian niya as always. Papasok na sana ako ng classroom nang matigilan ako. May pamilyar na mukha sa bungad ng pintuan.
"PeeJay...it's you" ang sabi niya nang makita ako.
"Patrick" ang pagbati ko naman. "Kamusta ka na?"
"Still hating you" ang tugon naman niya.
"Uhuh" ang reaksyon ko naman sabay lagpas sa kanya at upo sa tabi ng mga kaibigan ko.
"Nakita mo na ba yung bago nating blockmate?" ang tanong ni Clarissa.
"Yeah" ang walang interes kong tugon.
"So?"
"He's not that interesting" ang komento ko naman.
"Seryoso ka ba?" ang tanong niya; halatang gulat sa komento ko.
"He is" ang biglang singit ni Patrick na nasa harap na pala namin. Napatingin naman kami. "He is not just into me kaya nga he two-timed me"
"Teka, magkakilala kayo?" ang tanong ni Clarissa at Aryan.
"Of course" ang sabi ni Patrick. "He was my lover"
"Ha?" ang gulat nilang tanong. Napatupi naman ako ng mga kamay.
"Hindi ka pa rin nakaka-move-on?" ang retorikal kong tanong.
"Never in this lifetime, PeeJay. I despise you" ang tugon naman niya. Napasinghap naman ang dalawa sa kanilang narinig.
"Well, enjoy" ang sabi ko na lang. "Just so you know, hindi ka kawalan sa akin"
"I hate you" ang huli niyang sinabi bago siya tuluyang umalis.
"Hala, PeeJay" si Aryan. "Palinawagan mo kami"
"EX ko siya. Pinagsawaan ko" ang simple kong tugon. "Period"
"Kaya naman galit na galit sa'yo" ang sabi ni Aryan. "At walang bahid ng pagsisisi sa'yo"
"It was like ages ago. He should move on" ang sabi ko naman. Hindi naman na sila umimik. HIndi nagtagal ay pumasok sa classroom sila Ethat at AJ... Kasama si Patrick. Nag-uusap si AJ at Patrick. Natigilan naman sila at napatingin sa direksyon ko. I devilishly smiled at them. Tumalim ang titig nila sa akin. I just waved at them. Umiwas naman sila ng tingin sa akin.
"sayang, crush ko pa man din yung si Patrick" ang sabi ni Clarissa. Napatingin naman ako sa kanya.
"Seriously, you won't enjoy him" ang komento ko naman.
"At bakit naman?" ang tanong niya.
"He's small" ang tugon ko sabay tawa.
"Adik ka talaga!" ang reaksyon ka naman. "So, sino naman ang naka-satisfy na sayo?"
"My recent ex" ang tugon ko naman.
"Aaah" ang tugon ni Clarissa. "So, ibig sabihin..."
"Yeah...Around 7.5" ang bulong ko. Nanlaki ang mga mata ni Clarissa.
"Talaga?" ang gulat na tanong ni Clarissa. Napatango naman ako.
"Hoy, ano ba yang pinag-uusapan niyo?!!" si Aryan. Natawa naman kami ni Clarissa. "Susme!"
"Sorry" ang sabi naman namin ni Clarissa. Sa pagsapit ng ilang araw ay mas lalong nabubuo ang mga plano sa aking isipan. Ang tungkol sa kumpanya... Ang tungkol kila EJ at AJ... Napansin ko na palagi nang magkasama si AJ at Patrick. Palaging nakikisabay si Patrick kila AJ at Ethan. Wala naman akong pakialam sa kanila. They despise me and so do I.
One fine day... May nag-iwan ng brownies sa upuan ko with a note: I really admire you.
"Sino kaya ito""ang tanong ko.
"Eh, baka secret admirer lang" ang sabi naman ni Aryan.
"Sus, Adren" ang sabi ko. "Ikaw to, no?"
"Ha?" ang gulat niyang reaksyon kaya naman natawa naman kami. 'Kainin na nga natin"
Binksan ko ang box at pinagsaluhan namin ang brownies. Habang nagklaklase ay parang ang init ng pakiramdam ko. Nagtanggal ako ng jacket.
"Shit... Shit... Shit..." ang reaksyon ko nang makita ang balat ko. Namumula at maraming pantal. Inatake ako ng allergies ko. Nangangati na ako.
"Hala, PeeJay!" si Clarissa nang makita ako; she handed me a mirror. Umabot na pala ang allergy sa mukha ko. Biglang parang hindi ako makahinga at nag-tutunnel vision na ako. Malala to.
"PeeJay, are you alright?" si Clarissa pero hinahabol ko na ang hininga ko. "Oh my God! Prof!! Prof!!"
Natigilan naman ang lahat..
"God, si PeeJay!" si Prof at tuluyan na akong nawalan ng malay. Nagising ako...alam kong nasa ospital na ako. Andun si Mama at si Kuya JayPee.
"Anong nangyari?" ang tanong ko.
"Inatake ka ng allerg mo" si Mama. "You know you can't eat walnuts. Ang sabi ng doktor; marami ka pang nakain"
"But I don't remember eating walnuts" ang tugon ko naman.
"You ate brownies with walnuts" si Kuya. Naalala ko ang brownies; wala namang kakaiba dun. Wala namang nuts... Unless they pulverized it.
"Your friends told us that someone left this box of brownies" si Kuya PeeJay. "I would have to call the authorities to do an investigation"
'There's no need for that Kuya. It's just an honest mistake" ang pagtutol ko naman. "Sadyang hindi lang alam nung nagbigay ng brownies na bawal sa akin ang walnuts."
"But what if that someone wants you to get killed" ng sabi ni Kuya.
"Hay naku. Stop being melodramatic Kuya" ang sabi ko naman.
