Chapter 6

6K 211 79
                                    

Day of Break-up

[Prince Jasper's POV]

Hindi ako nakatulog... ang dami kong naiisip... hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

Hindi... kailangan kong maging excited. Kaarawan ngayon ng taong mahal na mahal ko. Kailangan kong muling magtiwala.  Kahapon ko pa ito pinaghahandaan. Ramdam ko na ang sinag ng araw na pumasok sa kuwarto ko. Napatingin ako sa labas. Umaga na nga. Kaagad kong kinuha ang smart phone ko at tinawagan si Ethan.

Nagriring lang nang nagriring....nang "The number you have dialed is either...."

Hindi ko na pinatapos pa ang naririnig ko at muling sinubukang tawagan siya.

"The number you have dialed is either...."

"The number you have dialed is either...."

"The number you have dialed is either...."

I give up.

"Happy Birthday Mahal ko. Wag kalimutang magpunta dito sa bahay mamayang gabi. Alam kong alam mo na" ang text ko bago linapag ang phone sa night stand at muling tumingin sa labas. Wala akong pakialam kahit na ramdam ko na ang init at medyo pinagpapawisan na ako. Pinikit ko na muna ang aking mga mata at huminga ng malalim.

"I hope this time..." ang bulong ko sa aking sarili. "Please, don't fail me"

"PeeJay!! PeeJay!!" ang pagtawag ni Kuya JayPee habang kumakatok sa pintuan ng kuwarto ko. "Your friends are here"

"Just a sec!" ang tugon ko bago bumaba ng kama. Nahinto naman ang pagkatok ni Kuya. Dumeretso na lang ako sa banyo at nag-ayos. Siguradong si Aryan at Aldren lang ang nakarating. Nagpaalam kasi si Blaze at Emily na meron pa silang kailangang puntahan at asikasuhin bago magpunta rito sa bahay.

Nang makapag-ayos ay kaagad namang akong bumaba. Nakita ko ang apat sa sala kasama si Caleb.

"Ui!" ang kaagad kong reaksyon. "Kompleto kayo!"

"Ah, oo" si Blaze. "Rine-sched ko yung lakad ko para makapunta rito"

"Ako naman.. dumaan na lang muna ako at nagpaalam" si Emily.

"Naks! Love niyo talaga ako" ang komento ko sabay  yakap sa kanila.

"Eh, kami? Hindi mo rin ba yayakapin?" ang tanong ni Aryan.

"Sus! Selosa!" ang panunukso ko sabay tawa. Kaagad ko rin naman siyang yinakap pati ang original Saint Anthony Crush kong si Aldren. At of course, ang new bespren kong si Caleb.

"Ui, mabuti nakadalaw ka" ang sabi ko kay Caleb.

"Siyempre" ang tugon naman niya. "So, anong gagawin natin?"

"Magluluto lang" ang tugon ko. Kaya naman nagtungo na kami sa kusina. Kaagad naming sinort out ang mga gagamitin namin mula sa grocery bags.

"Siguro naman, sa pafkakataong ito. Eh, may time na si Ethan for you" ang biglang komento ni Aryan habang binubuksan ang lata ng fruit cocktail. Natigilan naman ako at napatingin sa kanya. "Nagparamdam na ba siya ngayon?"

"Hindi pa" ang tugon ko naman.

"Oh, bakit hindi pa?" ang tanong naman niya.

"Baka tulog pa." ang tugon ko naman. Ramdam kong nag-iba na ang tingin ni Aryan kay Ethan.

"Baka na naman—“

"Aryan, tama na yan" ang seryoso namang singit ni Blaze. Napa-ikot naman ng mata si Aryan sabay drain ng cocktail mula sa syrup.

"Newsflash tayo" si Aryan. "Nasaan tayo kagabi?"

"Sa grand birthday party ni Ethan" ang tugon naman ni Aldren.

OLSG 3: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon