Chapter 7.5

4.6K 153 14
                                    

"Guys, may plans ba kayo today?" ang tanong ko na lang sa kanila.

"Meron eh" si Aldren. "Maghahang-out tayong apat. Nastress ka na naman oh"

Napangiti naman ako sa tugon niya at nagpasalamat dahil kailangan ko sila.

"Kausapin mo na lang siya kung okay ka na" ang bilin naman ni Aryan.

"Tara na guys" ang yaya ko naman.

"Wait. Yung kape mo" si Aldren sabay abot sa akin ng Venti size na Caramel Mocchiato, yung bigay ni Ethan o ni AJ. Wala na akong pakialam pa.

"Thanks" ang pasasalamat ko sabay kuha nun. Napatigil naman ako sa tabi ng trash bin at shinoot yun dun bago kami tuluyang lumabas.

"So, saan niyo balak magpunta?" ang tanong ni Blaze.

"Kahit saan" ang tugon ko naman. "Nga pala, bakit MIA na naman si Emily?"

"May pupuntaha daw kaya hindi nakasama." ang paliwanag naman ni Aryan.

"Ah, ganun ba? Sayang naman" Ang reaksyon ko naman. Buong maghapon naman kami nag-gala. Nagfood trip na lang muna kami.

"Guys, punta tayo sa Red's" ang yaya ko. "Ang tagal na nung huli nating punta run eh"

"Uhm, game" si Blaze. Gusto ko nga sana sa Club Spaceman pero wala ako sa mood para sa maiingay na lugar. Miss ko na rin sila Bryan at Derek. Pumunta naman kami dun. Pagkaupo pa lang namin ay kaagad akong umorder ng isang bucket. I need this.

Nakareceive naman ako ng text kay Ethan.

Ethan: Asan ka?

"Ano bang pakialam mo?" ang bulong ko sa aking sarili. Hindi ko na siya rineplyan. Sinimulan ko naman ang pag-inom. Hindi ko maintindihan kung bakit halos lahat ng taong may problema, dinadaan sa pag-inom? Hindi ko maintindihan pero iniinom ko problema ko. Ang ironic..

Mag-aalas-nwebe na ng gabi nang maka-receive ulit ako ng text.

Ethan: Nasa bahay niyo ako. You're not home. Asan ka ba?

Sa pangalawang pagkakataon ay hindi pa rin ako nagreply. Gago siya. Pag siya lumalabas, wala skong angal kahit na labag sa loob ko.... sinusubukan ko siyang intindihin at pagbigyan kasi mahal ko siya. Pero kahit kailan hindi niya ako inintindi.. hindi niya maramdaman na nasasaktan na ako.. ang manhid niya! Tumatawag na siya pero pinatay ko na lang ang phone ko.

Pagkaraan ng ilang oras.

"Isa pa!" ang wala sa sarili kong pag-order ng alak.

"PeeJay, tama na" si Aryan. "Lasing na lasing ka na"

"Hindi pa ako lasheng" ang pagtutol ko naman sa sinabi niya. "Inom pa tayo"

"Tama na" si Aldren.

"Seryoso mo naman, Crush!" ang komento ko sabay tawa. "Tayo na lang. Hindi mo naman ako sasaktan, di ba? Di ba? Di ba? Di ba?"

"Oo, mahal kita kasi kaibigan kita" ang tugon naman ni Aldren.

"Pssk. Gago!" ang pagmumura ko. "Hindi mo sasaktan tapos fri-nendzone mo ako. Sira ka pala eh. Payakap na lang, crush!"

Tapos yinakap ko siya.

"Ang gago-gago kasi nung Ethan na yun" ang lumalabas na bibig ko dala ng kalasingan. "Minamahal ko siya ng sobra pa sa sobra pero wala na siyang ginawa kundi ang saktan ako."

Nagsimula na akong lumuha. Hanggang sa hagulgol. Napayakap na sa akin si Aldren para i-comfort ako.

"Kaya mo yan, PeeJay" si Blaze.

"GET AWAY FROM HIM!" ang sigaw ng isang tinig. Naramdaman ko naman na biglang may humila kay Aldren sabay bagsak niya sa sahig. Nakita ko na lang na pumutok ang labi niya. Tumayo naman agad si Aldren at sinikmurahan si Ethan. Kaagad namang umawat ang mga bouncer at pinaalis kami sa Red's.

"PeeJay, umalis lang ako saglit, para ka nang pokpok kung makihalubilo sa iba!" ang sigaw niya sa akin. "Ang landi-landi mo!"

"What the hell did you just call him, you douche!" ang singit ng isang boses. Hinila niya sa balikat si Ethan sabay suntok sa mukha niya at sipa sa sikmura.

"Kuya, stop it! Please!" ang pagsusumamo ko sabay yakap kay Kuya para pigilan siya sa pananakit kay Ethan. Heto ang ayaw ko kay Kuya pag nagalit, nananakit.

"You motherfucker! Go to effin hell, bitch!" ang pagmumura ni Kuya kay Ethan. Pilit niyang inaalis ang mga kamay ko. Tinulungan naman ako nila Aldren at Blaze. "Want a piece of me,huh?"

"Kuya, please. Please, stop!!" ang pagpapakalma ko sa kanya. "Uwi na tayo."

"You should be thankful" ang singhal naman ni Kuya habang hinahatak ko siya palayo. "Don't you dare show your face or else you're dead meat!!"

Pinasakay naman namin si Kuya sa kotse.

"Peejay" ang pagtawag sa akin ni Ethan. Napatigil naman ako. "Sorry, hindi ko sinasadya"

"Wag na lang muna tayo mag-usap" ang sabi ko bago sumakay ng kotse. Masyado nang maraming nangyari sa iisang gabi.

"That Ethan" si Kuya.

"Kuya, just drive" ang bilin ko.

"I want him out of your life, PeeJay!" ang sabi niya.

"Kuya, that's for me to decide" ang tugon ko naman. Napatampal naman siya ng noo.

"I give up" ang bulong niya. "Seriously, PeeJay? He's starting not to respect you anymore"

"He's just jealous" ang pagtatangol ko naman sa inasal ni Ethan..

"That's not a valid reason" si Kuya. "The last time I checked... you're brain is still located inside your head. Now, it seems that it's in your feet."

Hindi naman na ako umimik sa mga sinabi ni Kuya. Masyado na ba talaga akong nagpapakatanga?

"You guys" ang pagtawag naman ni Kuya sa tatlo na kanina pa tahimik. "Talk to this hard-headed brother of mine"

"We will" ang tugon naman ni Aryan sabay tingin sa akin. Umiwas din naman ako ng tingin.

Nang makauwi kami ay dumeretso si Kuya sa kusina para uminom ng malamig na tubig. Naupo naman ang tatlo sa sofa samantalang sumunod ako sa kusina para kunin ang first aid kit at inabot kay Aryan. Kaagad naman niyang ginamot ang sugat ni Aldren.

"Guys, bukas na lang tayo mag-usap-usap" ang suhestyon ko. "Pahinga na kayo..alam niyo na kung saan kayo pupunta"

Kadalasan naman kasi sa kuwarto ko natutulog si Aldren at Blaze samantang si Aryan at Emily sa kuwarto ni Mama since wala naman siya.

"Paano ka?" ang tanong ni Aryan.

"Susunod ako" ang tugon ko. Napatango naman sila at umakyat. Nagpunta naman ako sa kusina at dumeretso sa tapat ng ref.

"Hey, that's mine!" si Kuya nang kinuha ko ang dalawang lata ng beer niya sa ref. Pero hindi ko siya pinansin.

"Thanks Kuya. I love you" ang paglalambing ko naman.

"Can you at least share?"

"Here" ang abot ko sa isa. Sabay naman naming binuksan yun.

"Cheers" ang sabi ko.

"For what?" ang tanong niya.

"For my stupid heart" ang tugon ko.

OLSG 3: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon