Chapter 4.6

5.4K 205 33
                                    

Tuluyan na akong lumayo sa kanya.

"Mauna na ako" ang paalam ko bago siya lampasan.

"PeeJay" ang naiiyak niyang pagtawag sa akin. Bigla niya akong yinakap patalikod. Natigilan naman ako, tuluyan nang dumaloy ang mga luha ko.

"Ethan, please" ang paki-usap ko.

"PeeJay, stay for a while please" ang paki-usap naman ni Ethan. Umiiyak na rin siya habang yakap ako.

"Noon pa lang, alam ko rin naman na iiwan mo ako. Masyado lang akong naging kampante" ang pagsisimula ko. "Kaya nga sinanay ko na ang sarili ko na mag-isa. Kasi iiwan at iiwan mo rin naman ako"

"You don't have to be sad" ang bilin ko.

"But I am sad" ang sabi niya.

"Bakit?"

"PeeJay naman"

"Ethan, selfish ako. Gusto ko ako lang. Sa akin ka lang pero hindi pwede eh. May kahati na ako eh" ang pagmamaktol ko. "Ako na lang kasi. Ako lang Ethan. Wag na si AJ. Ako lang.. ako lang.. ako lang. Ethan, saan ba ako nagkulang? Ano bang naging problema sa akin? "

"Sorry, PeeJay. Sorry, hindi ko sinasadya. Sorry"

Hinarap niya ako sa kanya at yinakap niya ako ng mahigpit. Sumubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

"Bakit mo ba ako sinasaktan? Ano bang kasalanan ko sayo Ethan?" ang patuloy kong pagtatanong sa kanya habang humahagulgol. "Ang sakit-sakit na, ang sakit-sakit. Mahal na mahal kitang gagong ka! Ethan... bakit?"

"Sorry... sorry..." ang paulit-ulit na nasasabi ni Ethan.

"Yakapin mo ako hanggang gusto mo" ang pagsisimula ko. "Dahil sa pagbitaw mo, mawawala na rin ang PeeJay na nakilala mo. Mawawala na ang PeeJay na mahal na mahal ka. Kayang-kaya kitang kalimutan. Kayang-kaya kitang palitan"

"PeeJay-"

"Tama na" ang pagpigil ko sa kanya. Tinulak ko siya palayo. Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingun sa kanya.

"Goodbye" ang paalam ko bago tuluyan nang naglakad palayo. Lumabas ako ng bahay at dumeretso sa kotse ko. Nagdrive ako pabalik ng Club Spaceman. Nang makapag-park ay bumaba ako ng kotse at muling napahagulgol dahil sa sakit na nararamdaman ko. Kailangan ko na kasi talagang maglet go eh. Akala ko sa paglayo ko, marerealize niya ang halaga ko sa buhay niya pero hindi eh. Wala eh. Umasa na naman ako.

"Ang tanga-tanga ko" ang bulong ko.

"That jerk doesn't deserve you" ang sabi ng isang tinig. Napatingin ako, si Kenneth. Kaagad naman akong nagpunas ng mga mata.

"Kanina ka pa andyan?" ang tanong ko. 

"Medyo" ang tugon niya. "Nagpapahangin kasi ako nang makita kang bumaba galing sa kotse na to"

"Ah, I see"

"I saw you and Ethan" si Kenneth.

"Yeah, my ex" ang sabi ko.

"Just like what I thought of" ang reaksyon naman ni Kenneth.

"Magpapahangin ka pa ba?" ang tanong ko. "Papasok na ako."

"Papasok na rin ako" ang tugon niya sabay akbay sa akin. "Okay lang?"

Hindi na lang ako umimik bagkus ay nagsimulang maglakad patungo sa entrance ng Spaceman. Nakakapagod na ang ganitong pakiramdam. Dumeretso ako sa bar counter at kaagad umorder ng maiinom. Gusto kong uminom lang ng uminom.

"PeeJay" ang pagtawag ng pamilyar na boses. Si Kuya JayPee. Napa-ikot naman ako habang naka-upo pa rin sa bar stool. I leaned on the bar counter and just looked at him.

"Why are you here?" ang tanong niya pagkatapos ay tumabi sa akin.

"Tssk" ang reaksyon ko. "I ditched another party just for you"

"Sorry" ang paghingi niya ng paumanhin.

"That EJ looks familiar" ang pagsisimula ko.

"But I'm sure you have never met him" ang sabi ni Kuya.

"So, who is he?" ang tanong ko.

"Just someone from the past" ang monotonous niyang tugon.

"Ex-boyfriend??!" ang gulat kong reaksyon. "Akala ko ba straight ka!"

"But I am!" ang paglilinaw niya. "He was my bestfriend"

"Was" ang pag-uulit ko. "What happened?"

"He just left me without even saying a word" ang paliwanag naman niya. "Before that, the girl I love left me for him"

"Kaya kayo nagkasakitan kanina?"

"No" ang pagtanggi niya. "I-uh, already had forgiven him. He's like a brother to me. But he told me hurtful things; that's why"

Napabuntong-hininga ako. Naging pareho pala kami ni Kuya at some point. Pilyo kasi siya. I never expected that iniwan din siya ng mahal niya para sa iba. Pagkatapos ng ginawa niya kay Kuya, nagawa niya pang pagsalitaan siya ng masama.

"Kuya"

"Yeah?"

"Remember AJ?“

"Uhuh"

"He's EJ's brother"

"What?" ang gulat niyang reaksyon kaagad namab siyang napatayo. Sumunod naman ako at kaagad humarang sa kanya.

"Kuya, saan ka pupunta?" ang tanong ko sabay hawak sa magkabilang braso niya.

"Let me go, PeeJay" si Kuya. "Imma talk to EJ right now and settle this".

"What for?"

"If he has a problem with me; he should just hurt me and only me" si Kuya. "I don't want anyone messing up with you"

"Kuya please" ang paki-usap ko. "Wag kang padalos-dalos"

"But-"

"Sa lahat ng taong nasa paligid ko, ikaw ang mas nakakakilala sa akin" ang sabi ko. "Kilala mo ako"

Bigla naman siyang kumalma at tumingin sa akin.

"Let's just go home" si Kuya.

"Yeah" ang pagpayag ko. "Just go ahead. I'll just pick up my friends first"

"Okay" ang huli niyang sinabi bago lumabas ng spaceman. Umakyat naman ako papunta sa Gold room.

"Hey" ang pagtawag ko kay Bry at Derek.

"Hey" si Derek.

"Uuwi na kami ni Kuya" ang paalam ko. Napatango naman sila. Palabas na sana ako nang matagilan ako. Humarap ako sa kanila.

"Remember our favorite cafe?" ang tanong ko. Napatingin naman sila sa akin. "Tomorrow at 3pm. Hope to see you there"

"See you" si Derek. Napatingin naman kami kay Bryan na nakapoker face. Napatingin naman siya sa akin.

"3pm. Don't be late, PeeJay" ang sinabi niya sabay ngiti.

"I'm the Prince" ang sabi ko bago tuluyang lumabas ng Gold room. Palabas naman ako ng superclub nang makita ko si Mel, Ken, Karlo along with my other batchmates.

"PeeJay!!!!!" ang pagtawag ng isa. Kaagad naman nila akong linapitan.

"You're leaving na?" ang tanong ni Mel.

"Yeah" ang tugon ko. "I'll see you soon"

OLSG 3: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon