Chapter 5

5.8K 226 73
                                    

ONE WEEK AFTER BREAK-UP

Tahimik lang ang lahat. Sariwa pa rin sa aking pag-iisip ang naganap sa kaarawan ni Ethan. Sariwa pa rin sa aking damdamin ang sakit ng pakikipaghiwalay ko sa kanya. Kasalakuyan akong nakahiga sa rooftop habang nakamasid lang sa mga ulap. Gusto ko lang mapag-isa. Gusto ko na lang umiwas. Hanggang ganito lang ang kaya ko.

"PeeJay" ang pagtawag ng pamilyar na boses sa akin. Napapikit na lang ako. Ayoko siyang makita. Sa aking pagpikit ay ang pagdaloy ng aking mga luha. Ngunit ang kanyang boses ay hinding-hindi kayang takasan ng aking pandinig.

"Kausapin mo naman ako, please" ang paki-usap niya.

"Lahat ng tao may pagpipilian" ang pagsisimula ko. "Pinili kong mahalin ka. Ang maging loyal sayo. Ang umiwas sa mga bagay o sa taong pwedeng makasira sa atin."

"PeeJay, mahal kita"

"Pero bakit pinili mong saktan ako?"

"Hindi ko sinasadya"

"Ano ba ako sa buhay mo, Ethan? Wala akong hinihingi mula sayo kundi ang iparamdam mo naman sa akin ang halaga ko" ang paglabas ko ng aking mga emosyon.

"Mahal kita, PeeJay"

"Hindi ko na kayang maniwala"

"Look at me. Look at my eyes and you'll see"

"Hindi na. Pagod na ang mga mata ko sa aking mga nakikita" ang pagtanggi ko. Naramdaman ko namang tumabi siya sa akin. Bigla na lang siyang pumatong sa akin sabay siil sa akin ng halik.

"PeeJay, mahal kita" ang sabi niya. Minulat ko ang aking mga mata.

"Nahalikan mo na rin ba siya?" ang tanong ko. Ngunit iniwas niya ang kanyang tingin. Sa pag-iwas niyang yun ay alam ko na agad ang sagot. Nasasaktan ako. Mas lalo na ngayon.

"May nangyari na rin ba sa inyo? Habang tayo?" ang sunod kong tanong.

"PeeJay" si Ethan.

"Sagutin mo ako" ang utos ko. Pinipilit kong hindi umiyak. "Ethan?! May nangyari na ba sa inyo?!"

"PeeJay, please. Bakit ba ganyan ang mga tanong mo?"

"Ilang beses? Isa? Dalawa? Tatlo? O maraming beses na?" ang sunod-sunod kong tanong. Nagwawala na ako sa kanyang bisig.

"Peejay.. PeeJay, please" si Ethan sabay yakap sa akin ng nahigpit. Pilit kong inaalis ang mga kamay niya. Nagsimula siyang humagulgol. "Sorry, PeeJay. Sorry... sorry"

"Ethan, ano bang nagawa ko sayo?“ ang tanong ko. Pinipilit ko pa ring makawala sa yakap niya. "Mahal na mahal kita Ethan."

"I promise I'll make it up to you" ang pangako niya. "Bumalik ka na sa akin, PeeJay"

"Ayoko na! Ayoko nang masaktan, Ethan!" ang bulyaw ko sa kanya. "Ayoko na, let me be like this. Just leave me alone!"

"I can't. I love you" si Ethan.

"Gago ka!" ang mura ko sa kanya. "Gago ka!"

"PeeJay naman"

"How about AJ, huh?" ang tanong ko pero hindi siya sumagot. Natigilan lang naman siya.

"PeeJay, hindi ko siya kayang iwasan. Naging malapit na ako sa kanya. At alam mo namang-"

Biglang dumapo ang kamay ko sa pisngi niya. Gulat siyang napatingin sa akin. Tinulak ko siya patabi sa akin bago ako tumayo.

"Ganyan na ba talaga ang tingin at turing mo sa akin, Ethan?" ang tanong ko sa kanya. "Sa tingin mo, papayag ako na may ibang fuck buddy ang boyfriend ko? Ano bang hinithit mo?"

"PeeJay, hindi sa ganun. I promise wala na.. wala nang mangyayari" ang muli niyang pangako. Pero hindi na... hindi ko na kayang maniwala at umasa pa sa mga salita niya. Hindi na ako umimik bagkus ay naglakad na lang ako palayo. Bumaba ako ng hagdan. Dumeretso na lang ako sa isang nadaanan kong lecture room at naupo sa isa sa mga upuan dun. Mas lalo ko na lang hinayaan ang pagpatak ng aking mga luha. Ganito pala ang pakiramdam ng minsang pagseseryoso tapos sasaktan at lolokohin lang. Natigilan ako nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko naman yun mula sa aking bulsa at tinignan ang screen. Si Aryan.

"Hello" ang kaagad kong pagbati nang tanggapin ang tawag.

"PeeJay, asan ka na ba?" ang tanong niya sa akin.

"Huh? Bakit?" ang nagtataka kong tanong.

"Duh. It's TGI Friday!" si Aryan. "We have plans! Di ba?"

"Oh" ang tanging naging reaksyon ko nang mapagtanto ang sinasabi niya. "Coming"

"Sige. Dalian mo" si Aryan bago natapos ang aming pag-uusap. Pagkatapos punasan ang aking mga luha ay tumayo ako at lumabas ng lec room. Kaagad kong nakita si Ethan na sinalubong ni AJ.

"Hey" ang masayang bati ni AJ.

"Hi" ang matamlay namang tugon ni Ethan.

"Anong nangyari?" ang tanong ni AJ.

"Ayaw na ni PeeJay" si Ethan. "Alam niya na may nangyari sa atin"

"Sorry, Ethan" si AJ. "Let me help you ease the pain"

"Paano?" si Ethan. Hindi naman umimik si AJ bagkus ay hinila si Ethan papasok sa lecture room sa harap nila. Narinig ko ang pagsara ng pinto. Dalian naman akong nagtunga sa harap nito at dahan-dahang inabot ang pinto. Umaasang sana hindi naka-lock at hindi nga . Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Natigilan ako sa aking nakita. Naghahalikan ang dalawa. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Gusto kong umiyak na lang pero nakakapagod na. Gusto ko silang sugurin pero wala ring mangyayari. Hindi nito mababago ang katotohanang nakikita at nasasakhihan ko ngayon.

"I love you" si AJ nang humiwalay siya sa kanya.

"I love you too" si Ethan. Hindi ba nangyari na ito dati? Ngunit sa pagkakataong ito, ramdam ko at alam ko namang may katotohanan sa sinabi ni Ethan. Paalis na sana ako nang muling tumunog ang phone ko. Napatingin ang dalawa sa akin.

"Peejay!!" amg gulat na si Ethan. Nakatitig lang naman ako sa kanya ng masama. "L-let me explain"

Hindi ko na pinakinggan ang sinabi niya. Lumabas na lang ako at nagsimulang maglakad palayo.

"PeeJay!" si Ethan sabay hablot ng braso ko. Natigilan naman ako sa ginawa niya sabay sapak sa kanya. Napaupo naman siya sa sahig.

"Wala ka nang kailangan pang ipaliwanag sa akin" ang galit kong sinabi sa kanya. "MAGSAMA KAYONG DALAWA!!! LEAVE ME ALONE YOU TWO TIMER!!!!!"

OLSG 3: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon