Tatlong buwan na ang nakalipas nung gabing yun. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko at mararamdaman pa. Halos lahat na lang ay ipinapaalala sa akin ang magkahalong tamis at pait na dala ng kahapon. Pinipilit ko at tinutulak ko pa rin ang sarili kong patawarin siya at kalimutan na siya ngunit sadyang napagod na ako. Wala akong magawa kundi ang panoorin sila.
Day 80 After break-up:
Kasalukuyan akong nakaupo sa likod, mag-isa tulad ng unang araw ko sa Saint Anthony. Kinakalikot ko lang ang smart phone ko. Ewan ko ba pero ramdam kong tuluyan na ring umiwas sa akin sila Aryan, Blaze, Emily at Aldren. Kung sa bagay, ako naman ang naunang umiwas sa lahat ng tao sa paligid ko. Napatingin ako sa aking katabing upuan nang maramdamang may naupo dun. Napatitig kami sa isa't-isa.
"I should have listened to you" ang pagsisimula ko.
"So, naniniwala ka na siguro sa akin na I'm just being a friend" ang sabi niya. I nodded.
"I'm sorry" ang paghingi ko ng paumanhin. "Guess you can claim the right to laugh at me"
"Gustong-gusto kong gawin yan sa totoo lang but may narealize ako eh" ang sabi niya. Napatingin naman ako sa mukha niya. "Na once din akong naging katulad mo. Nabulagan, nagpakatanga at pinilit ang sarili sa iba"
Napatikhim naman ako.
"Correction, Clarissa. Never kong pinilit ang sarili ko kay Ethan. Kaya ko nga siya pinakawalan dahil ayaw kong ipilit ang sarili ko kung hindi na ako ang laman ng puso niya" ang pagtatama ko.
"I stand corrected"
"Kamusta ang pagiging loner?" ang asar ko sa kanya.
"Why don't you ask yourself too?" ang ganti naman niya. "I mean look who's talking"
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"So, wanna grab something to eat then?" ang tanong ko.
"Yeah" ang pagpayag niya. Sabay naman kaming napatayo. Papalabas na sana kami nang makita si AJ at Ethan sa bungad ng pinto. Napatingin ako kay Ethan na naka-akbay kay AJ. Aminado naman ako na hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.
"Hey" ang bati ko.
"Uhh, hi" si Ethan. Ito ang unang pagkakataon na ako ang unang bumati sa kanya. "How are you?"
How are you? Bakit ngayon ko lang narealize kung gaano kasakit ang mga salitang ito, lalo na kung nanggaling sa taong naging sentro ng buhay mo.
"I'm doing just fine" ang tugon ko. "Siguro naman, hindi ko na kailangan pang kamustahin ka. I know you're alright. We'll go ahead then"
"PeeJay-"
"What now, Ethan?" ang naiirita kong tanong.
"Can we just... just fix this?" ang tanong niya.
"You're okay. I'm okay. There's no need to talk" ang komento ko. "There's nothing to fix at kung sakaling meron man, alam nating lahat na ako yun. Sinaktan mo ako"
"PeeJay, nasaktan din ako"
"Ethan, the nerve!" ang sigaw ko. "Ang lakas ng loob mong sabihin yan!"
Nanlaki ang mga mata nila sa naging reaksyon ko.
"Ginawa ko ang lahat para maging mabuting boyfriend sayo. I waited for you all the time. Sayo umikot ang mundo ko. At kahit na madalas nasasaktan ako, inuuna pa rin kita sa list of priorities ko. Now tell me. How did I hurt you?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit ako sa kanya at dinuro-duro siya.
"Tama na" ang biglang singit nitong si AJ sabay tapik sa kamay ko.
"Don't you dare touch me again!" ang sabi ko sabay tulak sa kanya.
"PeeJay!" si Ethan. "That's too much. Wag mo nang idamay si AJ dito"
Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin. I just smirked and folded my hands. Nakipagtalo ako ng tingin sa kanya.
"Kung alam ko lang na-" si Ethan.
"Na ano, Ethan? Na may sama ako ng ugali na tinatago? Na kung alam mo lang na ganito talaga ako, hindi mo na ako shinota?" ang pagpapatuloy ko. "Wala kang alam, Ethan! Wala kang alam sa pagmamahal kasi manloloko ka! Manloloko ka!"
"PeeJay, calm down" si Clarissa habang hinahagod ang likod ko. "PeeJay, tara na"
Buong pwersa akong hinahatak ni Clarissa palayo sa kanila. Hindi ako makapaniwala. Nasa hagdan na kami nang mapaupo ako sa steps. I burrowed my face in my hands. Napaluha na lang ako dahil sa sakit na dala ng eksena namin kanina.
"Hanggang ngayon, hindi pa rin nababawasan yung sakit" ang sabi ko. "Hanggang ngayon. Pinapamukha sa akin ni Ethan na dumaan lang ako sa buhay niya. Nakita mo ba kung paano niya ipagtanggol yung AJ na yun"
"Alam mo kung bakit ka nasasaktan ng ganyan?" ang retorikal niyang tanong. "Expectations, yung patuloy kang naniniwala sa mga binigay na salita at alam mo, kung anong pinakasakit sa lahat? Hope. Ang umasa."
Siguro nga hanggang ngayon ay umaasa pa ako.
"I should stop this" ang nasabi ko. Natigilan kami ni Clarissa nang makarinig ng mga boses na papataas. Natigilan naman sila ng makita kami. Iniwas ko lang ang tingin ko.
"PeeJay" ang tawag sa akin ni Aryan ngunit hindi ako tumingin. Naramdaman ko na lang na may tumabi sa akin sabay punas sa mga mata ko gamit ang kulay dilaw na panyo.
"Tama na yan" ang marahan niyang sinabi. "Hindi ka ba napapagod?"
Napangiti naman ako.
"Don't worry. Last na 'to" ang tugon ko.
"Namimiss ka na namin PeeJay" si Blaze. "Yung PeeJay noon bago pa may Ethan; yung PeeJay bago siya nasaktan"
"Oo nga. Nasa Saint Anthony ka, wag mo na idala rito si Prince Jasper na nakilala sa Montecillo." ang pagsang-ayon naman ni Aldren.
"So, you don't like me?" ang tanong ko.
"We do but not the extra swagger" ang salo din naman ni Aryan. "PeeJay, balik ka na sa dati"
Bigla naman akong yinakap ni Aryan sabay rest ng baba niya sa balikat ko.
"Hmmmm" ang reaksyon ko na parang nag-iisip pa.
"PeeJay!!!" ang protesta naman nilang lahat.
"A group hug will do to chance my mind" ang komento ko. Kaagad naman nila akong sinugod at mahigpit na yinakap. Nakita ko si Clarissa na pababa ng hagdan. Tatawagin ko na sana siya nang...
"Clarissa!" ang pagtawag ni Aryan sa kanya. Kaagad naman siyang nahinto at napatingin.
"Yeah?"
"Group hug, duh" si Aryan ulit. Napangiti naman si Clarissa.
"We're still gonna grab something to eat" ang sabi ko.
"Okay" ang tugon naman ni Clarissa sabay lapit at naki-join sa group hug namin.
Author's Note: Thank you sa pagbasa nito. please do leave your comments. :3