Author's Note: Heyya! Sorry kung ngayon lang ulit naka-update. :) the last time kasi I was caught in a situation. Naging all around event coordinator ako. Hahaha... basta sobra akong nahaggard. Kaya ito babawi ako. Expect another update soon. :) sorry sa paghihintay at thank you na rin.
[23 DAYS AFTER BREAK-UP]
"When you love, it's not for you to be understood but for you to understand. Not for you to take but for you to be taken. To listen,not to dictate. To sacrifice and not to demand. Not to count or measure but to love." -Anonymous
Tanga ba ako kung sasabihin kong kinalimutan ko ang sarili ko para sa kanya? Pilit ko siyang inintindi sa lahat ng pagkakataon. Pilit kong minahal ang mga pagkukulang niya. Pilit tinanggap ang mga bagay na hindi niya kayang maibigay sa akin. Pilit inisip na okay lang kahit na ako yung MAS na nagmamahal sa aming dalawa.
I was there when his times got rough. I was there holding his hand. I was there even though his tears blurred his vision and never realized my presence.
Hindi ako umimik. Hindi ako nagmaktol. Hindi ako nagreklamo. Hindi ako nanumbat. Kahit na iniiwan niya ako sa mga oras na kailangan ko siya. Pinilit kong tumayo at maging masaya sa harap niya kahit na sa kaloob-looban ko ay napuno na ako ng kawalan.
Mahal ko siya eh. Mahal na mahal. Tangang mahal na mahal.
Martyr na mahal na mahal. And i just can't..... can't let go of him.
Hindi ko maintindihan. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Ang taong pinakamahal mo ang parehong taong makakasakit sa'yo ng lubos and I'm hurting. Hurting so much.
Ganito pala yung pakiramdam. I feel so worthless. I feel like I'm a piece of trash. I never was been good enough for anyone. Palagi na lang akong kulang. Palagi na lang akong nagkukulang. All my effort...hindi pa rin sapat.
"Birthday daw ni Abby ngayon" si Aryan. Kasalakuyan kaming nasa cafeteria at nagmemeryenda.
"And?" si Blaze.
"May party daw sa kanila mamayang gabi" ang tugon naman ni Aryan. "Punta tayo"
"Sama ka, PeeJay" si Aldren ngunit hindi ako nakasagot dahil nga sa malalim kong iniisip. "Hui, PeeJay!!"
"Ha? Ano ulit yun?" ang tanong ko.
"Hay naku. Wala ka na naman sa pag-iisip mo." si Emily.
"Sorry" ang paghingi ko ng paumanhin. "Di ko alam kung-"
"Sasama ako" ang sinabi ko. Dati ayaw akong payagan ni Ethan sa mga ganito pero I am on my own now. "Pupunta ako"
"Mabuti naman" si Blaze. "Ang tagal na nating hindi naghang-out together since naging fully attached boyfriend ka"
"I know" ang pagsang-ayon ko. "Kaya I want to cath up with you guys. And I uh... kinda miss my bestfriends too"
"Palagi ka ngang kinakamusta sa akin ni Bryan during rehearsals ng Saints" si Aryan.
"Pagpasensyahan niyo na lang ako" ang paghingi ko ng paumanhin sa kanila.
"Hindi naman big deal eh. We fully understand and accept na friendship comes second with love" si Blaze. "Whatever makes you happy, makes us happy too"
"Right now. Kayo ang nagpapasaya sa akin" ang paglalambing ko sa aking mga kaibigan. "I have to go now"
"Oh, bakit?" ang halos sabay-sabay nilang tanong.
"Newsflash. Party later" ang sabi ko. "Kailangan ko muna magpagwapo"
"Asus. Kailangan pa ba yun?" si Aryan. "Gwapo ka na"
Tumawa naman ako sa mga sinabi niya.
"Oo nga. Kami lang naman ni Aldren ang nagmumukhang boy pag katabi ka na" ang pagsang-ayon naman ni Blaze sabay siko kay Aldren na nagpangit sa kanya.
"Asus!" ang reaksyon ko. "Papalibre kayo,no? Lakas niyong mambola"
"Mocha Frappe... Starbucks" si Aryan. "Saturday"
"It's a date" ang tugon ko naman. "Blaze.. Aldren. Let's go?"
"Saan?" ang tanong nilang dalawa.
"Boys' hang-out" ang tugon ko. "Papaheramin ko kayo ng masusuot para naman hindi niyo sabihing mas gwapo ako sa inyo"
"Aaah... eeeh" si Aldren. "Wag na lang. Hehe"
"Asus, ngayon pa nahiya!" ang reaksyon ko sabay tawa. "Ang cute mo talaga Aldren"
Kinurot ko ang mga pisngi niya. Ang adorable din ng lalakeng to. Nagsitawanan naman silang lahat.
"Tara na kasi" ang yaya ko. "Magbe-bestfriend naman tayo eh."
"Sige na nga" ang pagpayag nila.
"Kung kayo may hang-out. Kami rin ni Emily at—" biglang natigilan si Aryan. "Clarissa... sorry PeeJay"
"Okay lang. Kahit ako rin naman namimiss na si Clarissa" ang pag-amin ko. Nagtransfer kasi siya sa ibang block after ng nangyari sa amin. "Matagal ko na rin naman siyang napatawad. And nakakatawa mang sabihin pero tama siya"
"Hindi, PeeJay. Mali tayong lahat" si Blaze. "Hindi dahil sa sinabi ni Clarissa kundi iba ang pagkakakilala natin kay Ethan"
"Wag na lang natin pag-usapan" ang sabi ko. "Tara na. See you later ladies!"
"Okay. Bye!" ang tugon naman nilang dalawa. Sabay-sabay kaming lumabas ng cafeteria ngunit naghiwalay din.
"Sigurado ka ba rito, PeeJay?" ang tanong ni Blaze.
"Oo naman" ang tugon ko agad. Dumeretso kami ng bahay ng makasakay ng kotse. Nagkwekwentuhan lang naman kami habang nasa byahe pa. Nang makarating sa bahay ay nadatnan namin si Kuya Justin Paul slash JayPee sa sala at nanonood ng Action Film.
"Hey guys" ang bati niya ng mapansin kami. "Group study?"
"Uh, nah" ang tugon ko. "We're going out"
"Boys Night Out,huh?" Si Kuya. "Then, you can't come"
"Why?" ang nagtataka kong tanong.
"Cause you're a girl, silly!" ang pang-aasar niya. Pinulot ko ang throw pillow sa sofa at binato nga sa kanya. "Oh, come on! I'm just kidding, man!"
"Oh, come on! I'm just kidding, man!" ang panggagaya ko sa American accent ni Kuya. "Nasa Pinas ka, magTagalog ka nga!"
"Yeah, right. Whatever" ang reaksyon ni Kuya.
"Nagugutom pa rin ako. Tara sa kusina" ang yaya ko kay Aldren at Blaze. "Pabayaan niyo si Kano diyan."
"Ang cool talaga ng Kuya mo" si Aldren. "Medyo nakakanoss bleed lang pag nag-English na"
"Nasanay na ako. At tsaka tinatakasan ko na yan pag nagkwekwento na" ang paliwanag ko sabay tawa.
"PeeJay! PeeJay!“ ang tawag ni Kuya JayPee habang naghahanda kami ng club sandwich.
"What?!!!" ang tanong ko mula sa kinalalagyan ko.
"Blah... blah... blah... blah... Montecillo.... Blah... blah...blah... party.... coming?" ang sabi ni Kuya, hindi ko masyadong naintindihan kasi naka-concentrate ako sa aking ginagawa at ang bilis niyang magsalita. At dahil dun kaya "Whatever" ang malakas kong tugon.
"It's just a yes or no mister" si Kuya.
"No!" ang napili kong tugon.
"Okay" ang huli niyang sinabi.