Day 67 after Break Up
[CLUB SPACEMAN)
Madali na lang akong nakapasok ng superclub. Kilala naman ako kaya hindi ko na kailangan pang pumila at magpalagay ng marka. Pagmamay-ari kasi ng pamilya nila Derek ang superclub na siya namang bestfriend ko. Gusto ko lang magparty at makita ang dalawa kong matalik na kaibigan. Dumeretso naman ako sa Gold Room. Ang katangi-tanging VIP room na para kay Derek. Ang iba ay Silver Rooms na siyang VIP rooms para sa iba. Dun kami madalas tumatambay pag narito kami sa Club Spaceman.
"Woah, woah, woah" ang kaagad kong reaksyon nang buksan ko ang pinto. Nadatnan ko si Derek na nakaupo sa sofa at may babaeng nakapatong sa kanya. They're making out and he's about to unzip her black dress. Kaagad naman silang napahinto.
"What the-" ang gulat na reaksyon ni Derek. Sabay naman silang napatingin sa akin. "PeeJay!"
Tinignan ko lang ang itsura niya. Kiss marks are all over his neck and cheeks. Nagpatay-malisya na lang ako sa aking nakita at nagtungo sa mini bar. Nagsalin ako ng alak sa nakahandang baso run.
"Where's Bryan?" ang tanong ko.
"I don't know" ang tugon naman niya habang kinakagat-kagat ng babaeng nakakandong sa kanya ang kanyang kanang tenga. "He's just around"
"I see" ang tugon ko sabay upo sa sofa katapat nila. Nagsimula naman akong uminom.
"Dude, not to be rude but we're busy" si Derek. Napatingin naman ako sa kanya.
"With what?" ang casual kong tanong. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin pero nasa mood lang talaga akong mang-asar.
"So, you want to watch?" ang tanong naman niya pabalik. I just smiled naughtily and played it cool.
"I don't mind" ang tugon ko.
"You're lucky. We're in the mood for a show" si Derek. "Right, baby?"
"Uhuh" ang tugon naman ng babae. Wala akong masabi. Talagang pumayag. She's hot. Ang sexy ng boses at mapang-akit na tumingin sa akin. They started kissing again. Derek reached for her back. His fingers travelled on his skin until they found the zipper of her dress. He slowly unzipped it; exposing her sexy back to me. Pinagtulungan naman nilang hubarin ang polo shirt ni Derek. And he's one hot guy.
"So, PeeJay. You want to see hers or mine?" ang panunukso naman ni Derek.
"Hers, of course" ang tugon ko habang linalaro ang alak sa baso ko.
"Oh, really?" ang tanong niya na may halo pa ring panunukso.
"I already saw yours, Derek" ang sabi ko. Batid kong nagulat siya sa sinabi ko dahil sa pagkunot ng noo niya. "And if you're gonna ask me... it's disappointing"
"What's that suppose to mean?" ang naguguluhan niyang tanong. Natawa naman ako sa inasal niya. Muntikan na kasing nahulog ang babae nang sinubukan niyang tumayo ngunit kaagad din siyang naupo. Imbes na sumagot ay tumayo ako at nagtungo sa pintuan.
"PeeJay!! HEY!!" si Derek.
"I'll see you later" ang paalam ko bago tuluyang lumabas. Pinewesto ko ang sarili ko sa isang tabi kung saan tanaw na tanaw ko ang dance floor. Napuno ang pandinig ko ng tugtugin habang pinapanood ko ang mga nagsasayawan sa baba. Ito ang mundo na naiwan ko noon. Mundong iniwasan ko na para sa amin... para sa kanya.
NOW PLAYING: FIND YOU BY ZEDD, MATTHEW KOMA AND MARIAH BRYANT
♪Silent love is calling faith
![](https://img.wattpad.com/cover/10050908-288-k487794.jpg)