Chapter 13

4K 137 16
                                    

[Saint Anthony]

Napakatroublesome talaga magbitbit ng pasalubong. Lalo na kung mga demanding na kaibigan ang mga pagbibigyan mo.

"PeeJay!" ang sigaw nila sa pangalan ko sabay dumog sa akin nang pagkapasok ko ng classroom sabay hablot sa mga bitbit ko. That's one warm welcome for me. Naupo naman ako sa designated seat ko. Nakalabel naman na ang mga pasalubong kaya hinayann ko na silang kalkalin ang mga bag. Napatingin ako sa labas.

"PeeJay" ang pagtawag sa akin ni Aryan. Napatingin naman ako. "Kanino to? Walang pangalan"

Napatingin naman ako sa bag na bitbit niya. Alam ko kaagad ang laman nun. Isang orange and black aztec printed tank top. Hindi ko alam kung bakit ko binili yun. Si Ethan; sa totoo lang ang unang taong naisip ko nang makita yun.

"That's mine" ang simple kong tugon.

"Sugurado ka?" si Aryan. "Baka naman..."

"Sa akin talaga yan, Aryan" ang muli kong sinabi.

"Okay, sinabi mo eh" ang huling sinabi ni Aryan bago ibaling ang atensyon sa loob nito at sa iba pang pinamili ko. Nasa harapan si Ethan at AJ. It bugs me to know na ilang buwan lang ang nakakaraan eh ako ang nasa tabi niya. Samantalang ngayon, narito ako... linoloko ang sarili at pilit na kumakawala sa isang bangungot. Siguro, I just wasted my time. I thought he really loves me. Aka nga nila, maraming namamatay sa maling akala... I almost died.

"Malapit na pala ang 21st birthday mo" ang sabi ni Aldren. Napatingin naman ako sa kanya without realizing what he said. "I said malapit na pala ang 21st birthday mo"

"Ah, oo" ang simple kong tugon.

"So, anong plano mo?" ang tanong niya.

"Just a small celebration" ang tugon ko. "Parang gusto ko lang magpaka-lax sa birthday ko.

"Bakit naman?" ang tanong naman niya. "Parang hindi ikaw yun"

"Para maiba lang" ang tugon ko naman. "Regalo ko, ha?"

"Ano bang gusto mo?" ang tanong niya.

"Paano kung sinabi ko yang katawan mo?" ang tanong ko naman pabalik.

"Gusto mo with ribbon pa?" ang hirit naman niya.

"Gusto ko yan!" ang eksklamasyon ko naman sabay tawa naming dalawa. Nung una ay iwas siya sa mga ganitong biro pero pagkalipas ng panahon ay natutunan niya na rin ang sumakay. Napatingin naman ako at kaagad ding umiwas ng tingin nang pumasok sila AJ at Ethan. Kahit paano ay nasanay na rin naman ako sa sitwasyon. Minsan nakapagtataka... kung paano nagawa ni Ethan sa akin yun. Sa sobrang kaiiwas ko sa kanya ay tuluyan nang hindi kami nag-usap. Kinaki-usap ko lang siya ng casual pagkamagkasama kami sa group activities.

[LUNCH TIME]

Naglalakad kami sa hallway papunta ng cafereria nang makasalaubong naming ang isang pamilyar na mukha. Natigilan naman ako na sanhi nang pagkatigil ng mga kaibigan ko.

"Bakit PeeJay?" ang nagtatakang tanong ni Aryan.

"What a small world PeeJay" ang sabi niya. "It's nice to see you again"

"I don't know if I feel the same way" ang tugon ko naman. Natawa naman siya sa sinabi ko... si Kuya Elixir John. OO.... Ang kuya ni AJ.

"Why would you say that?" ang tanong naman niya. Hindi pa rin natitinag ang ngiti niya.

"Cause I don't even know you." ang paliwanag ko.

"Oh, you would never like to know who I am, I'm sure of that" ang sabi niya. Hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating sa akin, he is indeed full of mystery.

OLSG 3: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon