Chapter 4.5

5.6K 221 50
                                    

Binaling ko na lang ang tingin ko sa aking mga kasama. Medyo na-miss ko rin ang mga naging kaklase ko sa Montecillo High.

"Hindi pa rin kayo nagbagong tatlo" ang sabi ko. "You're still into me"

"At hindi ka pa rin nagbabago" si Kenneth.  "Ang guwapo mo pa rin. Sira-ulo yung nangloko sayo.  Ligawan na kita please. Tayo na lang"

"I'll give it a shot too" si Karlo. "Mel has a boyfriend. So, she's disqualified"

"I know" ang tugon ni Mel. "So, that will make us BFFs right, PeeJay?"

"As you wish" ang pagpayag ko. "But no kissing already, okay?"

"Oh, PeeJay!" ang natatawa niyang reaksyon. "It's a party. We're just having fun."

"Prince Jasper Gomez" ang pagbanggit ng isang tinig sa likuran ko. Kaagad naman akong napalingon. Si Elixir John or EJ.

"Have we met?" ang kaagad kong tanong. Hindi ko siya kilala pero ngayong nasa malapit na siya ay parang pamilyar ang mukha niya. Parang palagi ko siyang nakikita.

"Tssk, tssk,tssk" ang reaksyon niya. "Just like your brother"

"What do you mean?" ang naguguluhan kong tanong. "And why did you hurt my brother?"

"Ask him. It's nice to see you again, PeeJay" ang sabi niya.

"Enjoy the party" ang huli niyang bilin bago naglakad palayo.

"Weirdo" ang nasabi ko. Sino ba siya at parang kilala niya ako. Sinundan ko siya ng masamang tingin. Yung death glare ngunit hindi siya nagpakita ng ano mang reaksyon, bagkus ay napangiti siya bago mawala sa kumpol ng mga tao.

"PeeJay Babe" ang pagtawag ni Mel. "Namiss ko nang makita ka sa  DJ booth. Spin for us please."

"Yeah, sure" ang tugon ko na lang kahit na naguguluhan pa ako sa naging maikling usapan namin ni Kuya EJ. Hinila niya ako patungo sa DJ booth. Kaagad akong nginitian ng DJ na siyang nagtratrabaho sa Club Spaceman. Isa siya sa mga kilalang DJ sa Pilipinas. Paikot-ikot siya sa buong bansa at madalang lang mag-spin dito da Club Spaceman.

"PeeJay, bro!" ang pagbati niya sa akin sabay secret handshake "Long time no see"

"Yeah, been busy" ang tugon ko. "And sikat ka na"

"Spin!" ang utos niya. "You have got to spin again. Favorite student kita"

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nagbrowse muna ako ng songs sa nakaset-up na laptop. Nang makapili ay ready na ako. Kinuha ko ang earphones mula sa kanya. Unti-unting humina ang music. At napalitan ng ibang beat.

♪♪It's going down, I'm yelling timber

You better move, you better dance♪♪

"This is my song!" ang excited na sinabi ni Mel bago nagtungo sa dance floor. Hindi ko inasahan ang sunod na nangyari. A group of ladies joined Mel. Natigilan naman ang mga tao at napatingin sa kanila lalo na ng nagtriangle form sila at sabay-sabay na sumayaw. All with the same and precise movements. ♪♪

Let's make a night you won't remember

I'll be the one you won't forget

Wooooah (timber), wooooah (timber), wooooah (it's

going down)

"Let's all hail.. The Montecillo Graces!" ang narinig kong sinabi ni EJ na siyang host ng party. Parte na pala ng Graces si Mel, ang all girl dance troupe ng Montecillo university. Kaya pala ang daming matang nakatingin sa kanya.

Wooooah (timber), wooooah (timber), wooooah (it's

going down)

Pagkatapos ng kaunti nilang dance routine ay inagawan sila ng eksena ng official Montecillo University Dance Troupe kaya naman mas ginawa kong upbeat ang music.

"Wala ka pa ring kupas, PeeJay" ang compliment ng kaibigan kong DJ. Napangiti naman ako at napapasayaw na lang. Nang matapos ay deretso ako sa bar counter at umorder ng alak. Namiss ko ang ganitong buhay. Medyo tipsy na ako ngunit tuloy pa rin akp sa pag-inom.

"Hey, PeeJay.. okay ka pa?" ang tanong ni Karlo.

"Of course" ang tugon ko naman.

"I'm here baby boy" si Kenneth. "I'll take care of you"

"Ken, you're drunk!" ang komento ko sabay tawa. Damn! Wala na ako sa aking sarili. Natigilan naman ako nang may makita sa kabilang bar counter. Nakamasid siya sa akin habang umiinom ng alak. Nagsimula akobg maglakad.

"Hey, PeeJay! Saan ka papunta?" sila Karlo at Kenneth pero hindi ako sumagot. Tumigil ako sa harap niya. Iniwas naman niya ang tingin niya sa akin. Kinuha ko ang inumin niya at ako anh uminom. Linapag ko ang baso sa counter.

"Ethan baby" ang pagtawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin. Magsasalita sana siya ngunit tinakpan ko ang labi niya gamit ang daliri ko. "Ssssh, don't talk. PeeJay is dead. Don't worry. I'm just here for fun. You're a Montecillo dude too. You know what I mean"

Siniil ko naman siya ng halik. Tumugon naman siya. Kaagad naman akong lumayo at tinignan ang mukha niya.

"You're really hot" ang sabi ko.

"PeeJay" si Ethan pero natigilan muli siya nang hawakan ko ang kamay niya.

"Come" ang yaya ko. Hindi naman siya tumanggi at sumama naman sa akin.

"Saan ba tayo pupunta?" ang tanong niya.

"Wag kang magmadali" ang tugon ko. Lumabas kami.ng superclub at dumeretso sa kotse. Nagdrive ako. Tahimik lang naman siya. Nang makarating ay katahimikan pa rin ang bumabalot sa amin. Bumaba na lang ako ng kotse at punagmasdan ang isang abandonadong mamahaling bahay. Nagsimula akong maglakad at lumusot sa medyo maliit na butas para makapasok. Tulad nga ng inaasahan ko ay sumunod si Ethan.

"Anong ginagawa natin dito?" ang tanong niya pero ngumiti na lang ako at naupo sa sahig habang napatingin sa labas ng bintana. Full moon.

"Alam mo ba kung kailan ako muling naniwala sa salitang forever?" ang tanong ko pero hindi siya sumagot. "Fifth monthsary natin noon nang dalhin mo ako rito. Sabi mo pag nakuha mo ang mana mo, bibilhin mo agad tong bahay na to kasi gusto mong dito tayo tumira sa future."

"I'll never leave you. Hinding-hindi kita ipagpapalit sa kahit kanino. At every life, ikaw pa rin ang gusto kong makasama" ang nakapikit kong pagsasariwa sa mga salitang sinabi niya sa akin noon. "At that very moment, naniwala ako. Pero Ethan, nasaan na yun?"

"PeeJay, I'm sorry. Di ko naman sinasadya" si Ethan.

"Isang bagay lang ang pinagsisisihan ko ngayon" ang pagpapatuloy ko. "Ang nakilala kita. Ang minahal kita. Mahal mo na ba si AJ?"

"Ewan ko" ang tugon niya. Ayaw kong tanungin kung mahal pa rin niya ako, nakakatakot.

Napatayo ako at humarap sa kanya.

"Ethan, mahal na mahal kita" ang sinabi ko sabay lapit at yakap sa kanya. Yumakap naman siya pabalik. Ito lang naman ang katangi-tanging gusto ko sa mundo. Ang mayakap siya at yakapin niya ako. Hinarap ko ang mukha ko sa kanya. Linapit ko ito at dumampi ang labi ko sa kanya. We kissed.

"I love you... but I'm finally saying goodbye" ang sabi ko.

OLSG 3: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon