"You had a plantation somewhere in Laguna. Naki-sosyo kayo with a person named Mr. Garcia" ang pagsisismula ko. "Then, you expanded to Cebu and met a business man named Mr. Santa Maria. Another in Davao and met Mrs. Samonte. Recently, meron sa Baguio and the Northern Luzon. Those people are under my father. OUR father to be exact"
"I don't believe you" ang sabi ni Elixir John. "Wag mong ipamukhang may pakialam siya sa amin. Hndi niya ginawa ang mga sinabi mo"
"He did" ang argumento ko.
"But why?!" ang tanong niya.
"Because I never wanted his help" ang tugon naman ni Mrs. Cruz. "He reached out ti me pero dahil puno ako ng galit kaya hindi ko siya pinagbigyan."
"Mommy!" ang protesta ni Elixir John.
"At halos lahat ng properties niyo, binenta niyo sa akin" ang balita ko naman kaya napahinto sila at napatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata nila. "Ang akala niyo. You had the best of us. But it's the other way around. You wasted your time for revenge but you underestimated our family"
Nagsimulang lumuha si Mrs. Cruz. Napasuntok naman si elixir John sa mesa.
"Ibabalik ko ang mga ari-arian niyo" ang sabi ko naman. "Pero may mga kondisyon ako."
"What?"
Naglabas ako ng dokumento at pinakita sa kanila. KInuha naman nila yun at binasa.
"Isa lang naman ang punto niyan" ang sabi ko. "I seek peace between our families. There's no sense kung pag-aawayan pa natin ang nakaraan. But of course, choice niyo pa rin kung hahayaan niyo ang mga sarili niyo sa kadiliman na dulot ng galit at poot. It's not your fault or our fault. Kung naghahanap kayo ng taong sisishin. Si Daddy lang yun... Pero hindi ko hahayaan na sirain niyo ang kumpanya na pinundar ng mga magulang ko. Your hatred has brought you to your own destruction. Pag-isipan niyo"
Hindi naman sila maka-imik.
"I need to go" ang paalam ko naman pero bago ako umalis ay nag-iwan ako ng isang kahon na puno ng mga sulat ni Daddy sa kanila. Nakita ko ang mga yun sa opisina niya nung isang araw and I felt the urge to give it to them. Nakakalungokot kasi huli na ang lahat.
"PeeJay" si Elixir John. "Please, don't hurt AJ"
"Of that, I can't guarantee you" ang sabi ko naman bago tuluyang umalis. Tapos na ang problema ko sa kumpanya. Kailangan ko nang harapin si Ethan at si AJ.
Kinabukasan....
[Aryan's POV]
"Wala pa ba si PeeJay?" ang tanong ko sa kanila. Kasalukuyan kaming nasa hall para I-welcome ang isang VIP na nagsposor ng pagpapatayo ng isang buong gusali sa college namin.
"Wala pa rin eh" ang tugon naman ni Emily. "Recently, nawiwirduhan na ako samga kinikilos niya"
"Oo nga eh" ang pagsang-ayon naman ni Blaze. "Parang kahapon bigla na lang umalis nang walang iniwang dahilan"
"Emergency lang siguro" ang sabi naman ni Aldren.
"Kung ganun nga. He should at least notified us" ang sabi ko naman.
"Aryan" ang biglang may tumawag sa akin. Napalingon naman ako. Si Bryan, ang bestfriend ni PeeJay.
"Ui" ang bati ko naman.
"Si PeeJay?" ang tanong naman niya.
"Hindi rin namin alam" ang tugon ko.
"Have you already checked the newspaper?" ang tanong niya sa akin. Napa-kunot naman ako ng noo. "Bakit? Hindi ako interisado sa pulitika"
"Look at this" ang sabi niya sabay abot ng isang diyaryo. Nasa Business page. Tinignan ko yun. "GoldWire Industries President is a fake." ang headline. Nasa pagkakatanda ko ay Goldwire ang pangalan ng kumpanya ng pamilya ni PeeJay. Baka ito ang dahilan kung bakit ang weird niya recently. Pero anong kinalaman niya sa Goldwire ngayon na matagal nanag binenta ng kanyang ama sa iba dahil sa mga utang. Binasa ko ang laman ng article. Hanggang ngayton ay hindi alam ang bagong presidente ng Goldwire. Ki-nekwestyon din kung totoong nabaon sa utanga nag pamilya Gomez. Napatingin naman ako kay Bryan nang matapos basahin yun.
"Ladies and gentlemen, please settle down" ang sabi ng Dean. "We'll start the program"
Kaagad naman kaming naupo at nakinig. Paniguradong magiging boring ang welcome program na ito. Nagsimula sa prayer, mga performance at iba pa.
"Now, it's time for our special speaker to tell something to us. He just arrived" ang sabi ng emcee.
"Sino kaya yun?" ang tanong ni Aldren. Wala rin kasi yung pangalan nung sa harap na commonly namang present sa mga ganitong event.
"Please, welcome on stage our guest speaker; our sponsor for the new building... Goldwire Industries CEO and President...Mr... Uhmm..."
Mula sa entrance ay may pumasok. Lahat ay napatingin. Napakapamilyar ng kanyang mukha. Nakasuot siya ngayon ng magarang kasuotan. Maayos ang buhok at sa likod niya ay dalawa pang taong naksuot ng magarang kasuotan at mga bodyguard sa likod pa nila.
"Si... Si... PeeJay!" ang reaksyon ko. Nagsimula naman ang bulungan pero hindi naman yun pinanasin ni PeeJay at nagsimulang maglakad papunta sa stage. Natigilan ang lahat at lahat ay nakatingin sa kanya.
"Hi" ang nakangiti niyang pagbati.
"Anong nangyayari?" ang tanong ko kay Bryan.
"Hindi ko rin alam" ang tugon niya. Ramdam ko sa kanyang tinig ang pagkagulat sa kanyang nakita.
"Let me formally introduce myself. I'm Prince Jasper Gomez; the eight descendant of Goldwire Industries. The second son of the late Henry Gomez" ang pagpapakilala ni PeeJay sa kanyang sarili. "The new President and CEO of our company"
Akala ko ba naghihirap na sila na dumating pa sa punto na binenta niya ang kanyang sasakyan kay Patrick pero bakit andito siya, nagpapakilalang Presidente ng dati nilang kumpanya??
Naging pormal ang kanyang speech. Binanggit niya ang tungkol sa kanilang kumpanya at ang suporta nila sa Saint Anthony University. He never mentioned about him being a student of the college. Sa tingin ko naman ay hindi na kailangan kasi kilala naman namin siyang lahat. Pero bakit hindi niya sinabi sa amin ang ganitong bagay? Wala ba siyang tiwala sa amin? Ayaw niya na siguro sa amin na normal lang. Nasa mataas na siyang lugar kaya siguro hindi na pwede ang aming pagkakaibigan sa kanya. Naluluha ako sa aking mga naiisip.