Sa Lilim ng Ulan

227 10 2
                                    

Bago pa maipagtapat ni Paeng ang lahat kay Fil, bigla na lang tumunog ang cellphone nito,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bago pa maipagtapat ni Paeng ang lahat kay Fil, bigla na lang tumunog ang cellphone nito,

"Hepe napatawag ka?" tugon ni Paeng sa kausap nito sa linya.

"Makalaay, nakakuha na kami ng cctv record mula sa katapat na pawnshop sa station natin,kung saan nakatambay ang noon ang lalakeng nag padala ng package para kay fil." kuwento ng hepe.

"Maari ko bang dalhin si Fil, para naman ma identify niya kung sakali?"

"huwag na muna, mukhang malalim itong kaso na ito, Mabuti pa pumunta ka dito ngayon din,"

"copy hepe, nandiyan na ako in 15 minutes" at pinatay ni Paeng ang cellphone.

Lumapit sa kanya si Fil, at tinatanong nito ang naudlot niyang sasabihin sa kanya. Ngunit sinabihan lang nito si Fil na ipagpaliban mo nila ang kanilang usapan dahil may mas mahalaga itong gagawin. Ipinagsawalang bahala na lang ito ng binata. Gayon pa man dumagdag ang mga nabitawang salita ni Paeng sa kanyang iniisip.

Pinilit ng mga taga Kwatro Uno na isantabi ang takot alangan sa kanilang kapistahan,  Tambay buong araw si Fil sa tindahan ni Maru dahil sa hindi nga ito nakasali ng liga, ayon sa mungkahi ni Paeng. Tuloy naging tampulan ng biro si Fil ng mga tropa nito. Biro na game namang sinakyan ni Fil.

"Uy Fil, mukhang may basbas ka na mula kay mang Paeng ah. Kelan ba ang kasal niyo nitong si Maru?" panimula ni Vin.

"Sa totoo lang itong si Maru lang ang hinihintay ko. Kung ako lang, gusto ko nga sumabay na kami sa mass wedding kanina. Kaso pakipot itong baby love ko." tugon ni Fil sabay kindat kay Maru, na may pakurot pa sa pisngi ng kaibigan.

"Huy Fil, ang feeling mo. Akala mo talaga bet kita nuh? Pero kung itong si Bam ang manligaw sa akin, ako na mismo ang bibili ng singsing para sa kasal namin." turan pa ni Maru, na naka hawak sa braso ni Bam, isa sa mga tropa ni Fil at hardcore heartthrob ng basketball team nila, buko siyempre kay Fil na gwapo din naman.

"Kaso nga lang Mar, May girlfriend na ako at loyal ako dun. Itong si Fil bagay kayo. Walang tapon kasi dito kay Fil, basta may butas, pinapatulan nito." Natawa namang sagot ni Bam.

Kuwetuhang may kulitan lang sila habang nag iinuman nang bigla na lang napatayo sa kinauupuan nito si Fil. May hinahabol ng tingin ang kanyang mga mata mula sa mga naglalakad na mga tao sa harapan ng tindahan ni Maru. Napatayo din ang mga tropa ni Fil nang mapansin siya ng mga ito.

"Fil bakit na naman? humahaba naman ang leeg mo."  tanong ni Maru na napalapit pa sa kaibigan.

"iyong lalake sa hospital,nakita ko siya Maru. Nandito ang lalake sa hospital. At sa tingin ko  nandito siya sa akin. Sa tingin ko nga siya ang stalker ko." Tugon ni Fil sa kaibigan.

"Sigurado ka ba Fil? Sigurado kang siya nga ang stalker mo? " panigurado pa ni Maru.

"Ewan, Pero hindi ako nag kakamali iyon ang lalakeng nakita ko sa hospital." sabi ni Fil.

DAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon