HANAPAN

159 6 0
                                        

Kinaumagahan sa presinto, agad napuna ni Paeng ang himalang pag-iwas sa kanya ng mga kagrupo ni Bellegaz na siya namang ikinatuwa nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kinaumagahan sa presinto, agad napuna ni Paeng ang himalang pag-iwas sa kanya ng mga kagrupo ni Bellegaz na siya namang ikinatuwa nito. Lumapit sa mesa nito si Ignacio at may inabot na folder.

"Ano ba ang nangyari sa mga iyan bakit biglang nagkakaganyan ang mga iyan? " bulong na tanong ni Paeng kay Ignacio.

"Paminsan-minsan kasi makikibalita ka rin sa mga social media para naman updated ka. " wika ni Ignacio sabay labas ng cellphone at may ipinakitang video kay Paeng.

"Gisado ngayon sa loob si Bellegaz dahil sa video na iyan. Nanutok ba naman ng empleyado ng convenience store dahil sa kalasingan. Viral tuloy ang hambog." saad ni Ignacio.

"Kung ako sa mga iyan kinasuhan ko na iyang si Bellegaz para magtanda. Pero ano nga pala ang folder na ito pare?"

"Mga impormasyon tungkol sa pamilya ni Josefino Lansang at sa mga anak niya. Nariyan din ang larawan ng mga anak niya pati na iyong panganay na pinaiimbestigahan mo."  Ayon kay Ignacio.

"sure ka na siya ito? eh ibang tao ito pare. Hindi ito ang anak ni Josefino." ang reaksiyon ni Paeng ng makita ang larawan ng sinasabing anak ni Josefino.

"imposible mga kamaganak nila mismo ang nag bigay ng litrato na iyan. Siya si  Jaime Lansang, dating ofw sa Dubai ngayon isa ng negosyante at may ari ng auto supplies sa Balwarte.  Malinis naman ang records ng tao. Legit ang negosyo at gaya nga ng nasabi dati ng ama niyang si Josefino, hinahanap niya parin ang kanyang anak na inilayo sa kanya ng dati niyang kinakasama.  Bakit pare, nakita mo na ba itong si Jaime?"

"Ang ibig ko sabihin,iba lang kasi ang itsura niya dito kumpara sa larawan na nakita natin sa bahay ng matanda. Ang layo lang ng facial structure niya dito kung ang larawan na iyon ang pagbabasehan ko. Parang hindi siya eh." ayon pa kay Paeng na tila hindi kumbinsido sa larawan ng Jaime na hawak nito.

"Malamang pare, highschool pa ang picture niyang iyon. Malay mo naman nag glow up lang ng husto ang tao. At isa pa ma'y edad na rin ang tao na iyan kaya puwedeng malayo na talaga ang mukha niya ngayon sa mukha niya dati. So ano na ang next pare?" ani pa ni Ignacio.

"Salamat dito pare, pag-aaralan ko muna ito. Sakaling may makita akong butas sasabihin ko sa iyo. " saad ni Paeng.

Hindi talaga mapakali si Paeng sa taong nasa larawan. Iba kasi ang inaasahan nitong makita at malaman. Gayunpaman hindi iyon nagpatinag kay Paeng na itigil na ang pagiimbestiga. Pagkatapos ng kanyang trabaho bumalik ito sa lumang tenement na pinuntahan nila ni Ignacio. Tinumbok agad ang bahay ni Josefino. Ngunit laking pagtataka lang nito nang mapansin na nakakandado na ang pintuan ng bahay ng matanda. Isang babae ang lumabas mula sa katabing unit. Agad nitong napansin si Paeng na pasilip-silip sa basag na jalousie ng bintana nila Josefino.

"Wala ng tao diyan, may dalawang Linggo na." wika ng babae.

"May alam ka ba kung saan nagpunta si tatang Josefino?" tanong ni Paeng.

DAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon