Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who suddenly appears in such a community. Until a mystery is revealed that changes their suspicion.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Magandang umaga Madam, ano ang gusto mo? Coffee or ...?"
"Just coffee, brewed no sugar." Tugon ni Precy nang batiin ito ng katagpong lalake.
Sumaglit ang lalake at tinungo ang counter tsaka umorder. Habang naghihintay si Precy tinawagan nito si Samonte.
"Nasa Kapelandia ako, hihintayin kita dito." Tugon ni Precy tsaka tinapos ang usapan nila ni Samonte.
"Ano ang reaksyon mo sa nalaman mo? Grabe hindi ko man lang nahalata. Kung saan-saan pa ako nakaabot, nasa harapan lang pala natin ang hinahanap mo. Ang galing din magtago ng nakaraan ang ama mo. Maging ikaw napaniwala sa acting niya." Paglapit ng lalake kay Precy nang bumalik ito bitbit ang in-order nitong kape.
"Actually hindi ko alam kung ano ang magiging tugon ko sakaling magkaharap kami. Now I know kung bakit ganun na lang siya ka protected sa akin."tugon ni Precy sabay tungag ng kape.
"Ngayong nakita mo na ang totoo mong ama, what's next? Siguro naman may time kana for us. Masyado ng magulo ang lugar na ito para sa iyo. Lately napapansin ko na hindi ka ok. Nakakatulog ka pa ba? Lumalaki na ang mga eyebags mo." ani pa ng lalake na kausap ni Precy.
"Hindi pa ako tapos, hindi pa kami nagkakaharap ng anak ko. At hindi pa nangyayari iyon, huwag mo muna akong kulitin sa ganyan dahil alam mo na ang sagot ko sa iyo." turan ni Precy.
"Mahigit twenty years na but still hindi ko parin mapapantayan si Jaime sa puso mo. Despite ng loyalty at mga efforts ko to please you, 'till second rate parin ako. Mas magaling naman ako sa kama kumpara dun at higit sa lahat mahal kita Premo."wika ng lalake na tila nakikiusap ang mga tinginan nito kay Precy.
"This is not about you Papi, kaya at lalong not for us ang pagkikita nating ito. Kung ayaw mo na ma badtrip ako sa iyo huwag mong painitin ang ulo ko." tugon ni Precy na may inis sa lalaking si Papi.
"Gets sino nga ba ako sa iyo?, tagakan-tot mo lang naman ako, taga bayo ng tumbong mo, taga bungkal, taga barurot lagi sa iyo kapag wala kang mapagbalingan ng libog mo. At sino nga naman ako para pahalagahan ng isang tulad mo. Tauhan mo lang naman ako diba? Tauhan mo na handang gawin ang lahat para sa iyo. Tauhan mo lang ako na nagpapakatanga dahil sa pagmamahal ko sa iyo na hindi mo naman kayang tugunan ng kahit kaunting pagtingin man lang." Ang pangiti-ngiti pang sabi ni Papi ngunit halata sa mga punto nito ang kinikimkim na sama ng loob kay Precy.
Napatitig ng masama si Precy kay Papi, pigil din ang inis nito sa lalake dahil nasa pampubliko silang lugar. Makiusap ito sa kaharap na tigilan na nito ang kanyang kadramahan, ngunit hindi na maawat si Papi sa paglabas ng kanyang mga hinanakit kay Precy. Dese otso noon si Precy na kilala pa bilang si Premo nang maging malapit na kaibigan nito si Papi na tauhan noon ng kanyang ama. Naging malapit si Premo kay Papi noon dahil sa ito lang hindi mailap sa mga tauhan ng kanyang papa. Pala-kaibigan ito at kasundo lagi si Premo. Hanggang sa natuklasan nito ang totoong kulay ni Premo. Minsan dahil sa kapusukan at silakbo ng kanyang kabataan, dagdag pa ang hindi mapigil na kalibugan may nangyari sa dalawa. Ang isang beses na buljakan ay naulit pa ng ilang ulit hanggang sa kalaunan nahulog na ang loob ni Papi kay Premo. Ngunit ang pag-amin noon nito sa nararamdaman sa lalake ay agad din nasupalpal nang dumating sa buhay ni Premo si Jaime. Nabaling na noon kay Jaime ang atensyon ni Premo dahilan para magselos si Papi. Minsan nitong nahuli sina Jaime at Premo na nagkakangkangan sa garahe ng mansiyon. Isang masamang balak ang naisipan nitong gawin. Patago niyang kinukunan ng video ang mainit na tagpo ng dalawa.