Maagang nagsara ng tindahan si Maru alinsunod sa kagustuhan ng ama. May trabaho na si Fil kaya wala na itong kasama sa pag uwi. Nagligpit na ito ng mga upuan at mesa sa tapat ng kanyang tindahan nang dumating ang tricycle na kinontrata ng ama para sunduin gabi-gabi si Maru.
"Magandang gabi Maru, sakto naman pala pagpunta ko papasara kana." wika ni Beni nang bumaba ito ng tricycle at lumapit kay Maru.
"Magandang gabi rin kuya Ben. Ayaw ko pa sana magsara eh. Marami pa kasing bumibili. Kaso itong si Tatay ang may gusto. Nakakahiya nga sa iyo eh,alam ko mas marami ka pa sanang kikitain sa pamamasada kaysa hintayin ako dito matapos." saad ni Maru.
"Ayos lang iyon. Balik pasada rin naman ako matapos kita mahatid sa inyo. At tama naman ang tatay mo. Kaligtasan mo lang ang inaalala noon. Ang layo naman kasi nitong puwesto mo sa inyo." sagot ni Benito habang tinutulungan sa pagligpit si Maru.
"Mainam ang puwesto ko rito kuya walang kakumpitensiya. Solong-solo ko ang benta. Malapit pa sa labasan. Kaya kahit may kalayuan sa bahay hindi ko po iiwan itong tindahan ko." tugon ni Maru.
"Sabagay kilala na itong tindahan mo rito sa atin na kahit may mga tindahan naman sa looban, dito parin ang pinipiling puntahan at tambayan. Siya nga pala napadaan ako nito lang sa maisan niyo. May umuupa na palang bago sa bahay niyo roon?" ayon pa kay Benito hanggang sa may naitanong ito kay Maru.
Napakunot ng nuo si Maru sa sinabi ni Benito. Nagkibit balikat lang ito at sinabi na baka ang tatay niya lang ang napansin ni Benito na tiningnan ang bahay. Hindi na rin naman nag-usisa pa si Benito. Naniwala na lang ito sa sinabi ni Maru. Nang makapagsara na ng tindahan hinatid agad ni Benito si Maru. Malayo palang tanaw na ni Maru ang owner type jeep ng ama na nakaparada sa labas ng kanilang gate. At kung totoo man ang nakita ni Benito sa bahay paupahan sa maisan, malamang ibang tao nga iyon.
Inabutan ni Maru ang ama na nakasalampak sa sofa, tulog sa kalasingan. Iyon ang naisip ni Maru dahil sa dami ng mga bote ng beer na nasa lamesita. Agad nitong napansin ang nakabendahing mga kamao ng ama. Nilapitan niya ito at sinuri ang mga palad ng ama. Nang siya namang paglapit ng tiyahin na bitbit ang bakanteng case ng beer para paglagyan ng mga kalat ni Paeng.
BINABASA MO ANG
DAYO
Kinh dịBecause of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who suddenly appears in such a community. Until a mystery is revealed that changes their suspicion.