SUGAT

111 7 1
                                    

Nakarating na sa naturang bar ang dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakarating na sa naturang bar ang dalawa.

Kumaway si Ignacio nang makita si Paeng na pumasok ito ng bar. Tumugon naman si Paeng na lumapit agad sa kinauupuan ng kaibigan.

"Excuse me...waiter isang beer pa nga dito!"

"Dalawahin mo na pare, may kasama ako."

"Magandang Gabi sir!" Pagbati ni Rodge nang lumapit ito kina Paeng.

"Si Rodge nga pala pare, isang kakilala...taga barangay din namin" pakilala ni Paeng kay Rodge sa kaibigan nitong si Ignacio.

Napakunot ng noo si Rodge sa paraan nang pagpapakilala nito sa kanya. Tiningnan naman siya ni Paeng at tinaasan ng kilay. Naiintindihan ni Rodge si Paeng ngunit may kurot iyon sa loob niya. Tumugon ng ngiti si Rodge kay Ignacio nang magpakilala rin ito. Bungad pa lang tinumbok na ni Ignacio ang pakay nito sa kaibigan.

At ikinagulat ni Paeng ang balitang ipinarating sa kanya ni Ignacio. Pinagpawisan ito at bigla na lang naging balisa.

"Maging kami man sa station nagulat nang mabalitaan namin ang nangyari kay Manzano. Tama nga ang hinala mo pare, si Kapitana Precy Santana nga ang nasa likod ng panloloob sa inyo. At mga kasamahan ni Manzano ang gumawa nun sa bahay niyo pare. At narinig ko pa mula sa opisina ni chief, hindi lang pala si Manzano ang tuta tutaan ng Precy na iyan kundi marami pa sa hanay ng kapulisan."

"Ang malaking palaisipan lang sa akin pare, kung bakit ginaganito kami ni Kapitana?. Dahil kahit bali-baliktarin ko man ang utak ko wala akong maalalang atraso ko sa kanya." Sabat ni Paeng.

"Maaring ikaw wala, pero ang anak-anakan mo baka meron. Hindi ba at kaibigan nito ang mama ni Maru na dating kinakasama naman nung Jaime, na anak nang matandang si Josefino na pinatay sa unit niya sa tenement nina Jack at Na'to? Diba sabi mo naging kasintahan din nung Jaime si Precy? At sa tingin ko nga iyong nangyari sa matandang Josefino ay si Jaime yata talaga ang pakay. At mautusan lang iyong dalawang tokmol. Kaso namalas at naunahan." Teyoriya pa ni Ignacio.

"Ano naman ang punto niya na pati kami ginugulo niya?" Tugon ni Paeng sabay tungag ng hawak na beer.

"Baka hanggang ngayon baliw na baliw pa rin siya kay Jaime na iyon at gagamitin niya si Maru para makuha niya muli ang titi ng lalake, di naman kaya?" Ayon pa kay Ignacio.

"Ano man ang rason niya pare, isa lang ang napatunayan ko sa nangyari kina Manzano. Hindi lang basta kapitana iyang si Precy, tingin ko May ibang lihim pa siyang tinatago sa likod ng makapal niyang make-up." Dagdag pa ni Paeng.

Tahimik lang na nakikinig sa usapan nila si Rodge. Lingid sa alam ng dalawa, malapit na kamaganak ng mga Santana si Rodge. At tiyuhin nito si Precy. Na curious bigla si Rodge sa pinag-uusapan nilang si Jaime.

"Pare actually may iba pa akong sadya sa iyo. May aaminin din ako sa iyo. Hindi ko na ito nasabi sa iyo noon kasi biglaan ka nag resigned. Kakasimula palang ng tandem natin sa hinahawakan nating kaso noon, at masaya ako kasi sa atin iyon binagay. Noong hinahanap na natin ang mga posibleng koneksyon sa kaso ni Romero Santana. Nabuhayan ako ng loob na ipagpatuloy ang pangarap ni kuya na makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang asawa." Wika ni Ignacio.

DAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon