Pagkatapos mag hatid ng delivery pinuntahan agad ni Fil ang kaibigang si Joey sa sinabing lokasyon nito. Malayo ang lugar na pagtataguan ng dalawa at ipinagtaka iyon ni Fil. Nang marating ang lugar napansin nito agad si Joey na nakaupo sa gatir ng sidewalk. Extention highway iyon palabas ng siyudad kaya karamihan sa dumadaang sasakyan doon mga bus at mga private. Talahiban at mga tubo ang tanging makikita sa magkabilang parte ng highway. Kaya Takang-taka si Fil bakit iyon ang pinili ni Joey na meeting place nila. Hapon na rin iyon at lalong madalang ang mga dumadaan sa lugar.
"Ano ang meron pare, bakit dito talaga? " tanong ni Fil.
"Eh iyon ang sabi sa text eh, dito raw ang pick up ng van ng agency. Bakit pare? hindi ka ba nakatanggap ng text galing sa Starlights Image?" sagot ni Joey.
"Anong Starlights Image? anong text? Naku pre, malinaw na scammer iyan." wika ni Fil sa kaibigan.
"Hindi pre, ito iyong agency na kumuha ng mga pangalan natin noong rumaket tayo sa event ng Lulos. Iyong nangakong isasalang tayo sa pag-aartista. Diba kinuha rin nila pangalan mo , sabi mo." paliwanag ni Joey.
"iyon ba iyon?...oo tinanong nga ako, pero ibang pangalan ang sinabi ko at imbento ko lang ang ibinigay kong numero. Wala naman kasi ako interesado sa mga ganyan pre. Wala tayong skills sa ganyan. Ikaw siguro." saad ni Fil.
"Subukan mo lang pre, malay mo sisikat ka pa kay Coco. Audition pa lang naman daw. Pero baka suwertehin." ayon pa kay Joey.
Nang mga oras din na iyon malapit na sa lugar sina Jack at Nato sakay ng silver na van. Bungad pa lang agad na napansin ng dalawa sina Joey at Fil na nag-uusap sa gilid ng kalsada.
"Ano ang ginagawa ng Fil na iyan dito? Mukhang mapornada pa ang huling araw natin ah." wika ni Nato kay Jack.
"I-text mo si Joey , sabihin mo change location at dapat siya lang mag isa. Dahil confidential ito. Lipat tayo ng lugar. Bulilyaso tayo dito." utos ni Jack kay Nato.
Nang matanggap ni Joey ang text nagpalinga-linga ito sa magkabilang parte ng highway.
"uy pre, ano na? wala pa ba ang hinihintay mo? " tanong ni Fil.
"kaka-text nga lang eh, change location daw, tapos ako lang mag isa."
"sa malamang scammer talaga iyan. Saan ba ang location na iyan?" sambit pa ni Fil.
"sa upper north daw, sa may rebulto ng agila."
"eh ang layo nun dito pare, buti pa cancel mo na iyan, surebol akong scammer iyan, labas na ng siyudad iyon tol. At kung legit iyan sana sa opisina kayo pinapunta hindi sa kung saan kayo papupuntahin at pipik-apin." saad ni Fil na nagdududa na mudos lang ang nag te-text kay Joey.
"Mukhang nawawalan narin ako ng gana tol, baka tama ka scammer lang talaga ito." ani ni Joey.
"ito ni locate ko sa map ang agency na iyan, malapit lang sa Tower ang opisina nila mukhang may oras pa naman. Puntahan natin iyan ngayon doon tayo mag tanong kung legit talaga iyan. Tara angkas ka na pre."
BINABASA MO ANG
DAYO
TerrorBecause of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who suddenly appears in such a community. Until a mystery is revealed that changes their suspicion.