Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who suddenly appears in such a community. Until a mystery is revealed that changes their suspicion.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Rinig mula sa labas ang paglagaslas ng tubig sa shower nang bumalik si Rodge sa unit ng hotel kung saan sila nagpunta ni Paeng. May dala itong pagkain. Pagkalapag ng dala sa maliit na mesa, agad itong nagtanggal ng suot sa kanyang katawan at pinasok si Paeng sa loob ng banyo.
Nakatapat nun si Paeng sa shower na nakaharap sa dingding na tiles at tila malalim ang iniisip. Hinahayaan lang nito ang buhos ng tubig sa kanya na para bang nagpapakalma sa kanya. Nang mapansin na lang nito ang pares ng mga kamay na humahaplos sa malapad nitong dibdib mula sa likuran niya. Napalingon ito at hinarap si Rodge na tumugon agad sa kanya ng mapusok na halik sa bibig. Napasandal si Paeng sa dingding ng idiniin ito ni Rodge tsaka sinibasib ng husto ang labi ng lalake.
Napansin ni Rodge ang matamlay na tugon sa kanya ni Paeng.
"Ano ba? parang wala ka namang gana. Namiss kita ng husto Rafael. Namiss ko na ang mga panglalaspag mo sa katawan ko. Paano ba kasi, kung doon sa bahay niyo parang kang nagmamadali. Namiss ko na iyong dating ginagawa mo sa akin." Ani ni Rodge na sige parin sa paghimod ng halik sa leeg at dibdib ni Paeng.
"Nagkita kami ni Ignacio, at hinahanap niya na ang kuya niya. Rodge nakokonsensya na ako sa nagawa natin." Tugon ni Paeng.
Napahinto sa ginagawa nito si Rodge at iniwan si Paeng tsaka lumabas ito ng banyo na may inis ang mukha. Sumunod sa kanya si Paeng na nagtapis ng tuwalya.
"Kung ganito lang naman pala ang pinunta natin dito sana hindi mo na lang ako sinundo sa bahay niyo. Doon, mas nalibang pa siguro kami ng anak mo." Wika ni Rodge na may galit sa tono ng pananalita habang nagpupunas ng katawan na basa.
"Bakit parang ok lang sa iyo ang nangyari? Hindi ka ba nakokonsensya sa pagpatay mo sa kuya ni Ignacio?" Tanong ni Paeng na napataas narin ang boses.
"Ikaw dapat ang papatayin niya, inunahan ko lang siya. Kasalanan niya iyon kasi sumugod siya dun. At huwag ka ngang ganyan. Pulis ka dati diba? At gawain niyo rin naman iyan ang pumatay ng inosente at walang kalaban-laban?" Ang pabalang na sagot ni Rodge.
Napikon si Paeng sa sinabi ng lalake kaya napabigla ito ng reaksyon, naitulak nito si Rodge sa kama kaya napahiga dun ang isa.
"Huwag mo akong itulad sa iba. Iba ako sa mga iyon! Walang kasalanan sa akin ang taong pinatay mo at tinapon natin. Kung wala lang iyon sa iyo, sa akin binabagabag na ako ng konsensya ko. Dahil kuya siya ng kaibigan ko!" Bulyaw ni Paeng.
"Kaibigan lang ba talaga kayo ng pulis na iyon? Rafael hindi ako bulag, at lalong hindi ako manhid na hindi ko mararamdaman na may kakaiba sa mga titigan niyo. Kaya huwag mo na akong isama sa mga ginagago mo. Sige kung kinokonsensya ka na, magsumbong ka dun. Sabihin mo ang nangyari. Ipagtapat mo ang ginawa natin. Dahil hindi lang naman ako ang madidiin dito, kasama ka na!" Sabi pa ni Rodge na siyang kinatahimik bigla ni Paeng.