Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who suddenly appears in such a community. Until a mystery is revealed that changes their suspicion.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Matapos ang isang masayang pagdiriwang ng pasko, muling bumalik sa nakakabinging katahimikan ang buong bahay. Naiwan ang sala na wala ng tao kundi ang mga naiwang kalat at bakas ng kasiyahan.
Nagising si Paz at napansin iyon. Naisipan nitong ligpitin at linisin na lang ang mga kalat. Bitbit ang mga bote ng alak tinungo ni Paz ang kusina. Akma na sana itong lalabas sa likod ng bahay para itapon ang mga bote at basura nang may naririnig itong tila boses na nag-bubulungan. Sumilip ito sa siwang ng binata malapit sa lababo upang tingnan kung sino ang mga naririnig nito. Ngunit wala itong makita sa labas. Tumahimik na rin ang mga pag-uusap. Umiral na naman ang pagiging marites ni Paz at marahan itong umikot ng bahay. Dumaan ito sa sala ng dahan-dahan palabas.
Sina Jericho at Hector ang narinig ni Paz na nag-uusap. Napansin naman ng dalawa na may nakarinig sa kanila kaya lumipat sila malayo doon sa bahay.
"Ngayon ka pa aalis? Ano ba ang dahilan bakit bigla-bigla naman yata?" Tanong ni Jericho kay Hector.
"May alam na si Rodge sa sekreto ko. Nakita niya ang ginawa ko sa mga kumastigo noon kina Maru at Fil. At hindi ko alam kung ano pa ang mga alam nun sa akin. O sa atin." Sagot ni Hector.
"Teka-teka linawin mo nga sa akin, may mga bagay pa ba akong hindi alam sa iyo? Ano ba ang nagawa mo na may alam si Rodge? Huwag mong sabihin na pati kay Rodge... nagpatangay ka."ani ni Jericho.
Saglit na tumahimik si Hector, napabuntong hininga ito ng malalim bago sinagot si Jericho.
"Ayokong guluhin pa ni Rodge ang buhay ng anak ko kaya kailangan ko nang lumayo bago pa niya magamit sa akin ang mga nalaman niya upang tuluyan kami maghihiwalay ni Maru. Aalis lang ako dito ngunit hindi naman ako lalayo. Ayoko lang na manatili rito na kasama si Rodge." Tugon ni Hector.
"So may nangyari nga sa inyong dalawa. At pumayag ka?"
"Wala na akong nagawa, iyon lang naisip ko. Hindi ko pa lubos na kilala si Rodge ngunit marami siyang alam tungkol sa atin lahat. At kailangan ko'ng alamin ang lahat sa kanya. Makakakilos lang ako ng maayos kung makalayo muna ako sa anak ko at sa inyo." Sabi ni Hector.
"Ano ba kasi ang alam niya sa iyo, na hindi mo pa nasabi sa akin?."
"Ako ang pumatay sa mga nang bugbog nun kina Maru at Fil. Ako ang pumatay sa dati kong kasamahan sa site na pinagtatrabahuan ko, maging ang natagpuang patay sa bakanteng lote ng Lulus kagagawan ko iyon. at ako rin ang tumapos sa buhay nina Jack at Nato." Pagsiwalat ni Hector.
"Ikaw nga ang killer?" Pagkabigla pa ni Jericho.
"Nakapatay nga ako ng tao, pero nagawa ko iyon para sa mga mahal ko sa buhay. Hindi ko na ipaghiganti noon ang kapatid ko at tiya sa nangyari sa kanila. At hindi ko hahayaang mangyari iyon sa anak ko. Silakbo lang ng galit ang nagtulak sa akin na gawin iyon sa kanila. Muntik ng mawala sa akin si Maru, kaya nang malaman ko na sila ang may gawa nun nagdilim na ang paningin ko kaya napatay ko sila. At nang nakita kong binababoy nila ang anak ko hindi na ako nakapagpigil sa galit ko kaya nakapatay muli ako. At nang pati ang kaisa-isang taong karamay ko, pinatay nila. Hindi na ako nagdalawang isip na pagbayarin din sila ng dugo. At hindi ko pinagsisisihan ang mga nagawa ko dahil dapat lang iyon sa kanila." Kuwento ni Hector.