Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who suddenly appears in such a community. Until a mystery is revealed that changes their suspicion.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ipinagtapat ni Maru kay Paz ang kanyang natuklasan. Ganun din si Fil habang kumakain ang tatlo ng hapunan. Ikinagulat ni Paz ang rebelasyon ni Maru tungkol sa kanyang ama.
"Maging ako man tita nagulat ako nang malamang si Hector pala ang tatay nito, kaya naman pala ganun na lang kung mag feeling close iyon kay Maru dati kasi siya pala ang ama." saad ni Fil.
"Jaime po ang tunay niyang pangalan tiya. Ang liit ngang talaga ng mundo. Kaharap ko na pala dati pa ang tunay kong tatay." sabi pa ni Maru.
"Alam na ba ito ni Tatay Paeng mo?" tanong ni Paz.
"hindi pa po tiya, hindi pa nakauwi si tatay. " sagot ni Maru.
"anong oras na bakit wala pa kaya ang tatay mo?" pansin pa ni Paz
"Baka busy lang sila tita, sunod-sunod kasi ngayon ang mga nangyayaring krimen dito sa atin. Sana nga lang mabigyan na ng linaw ang mga lahat." sabat ni Fil.
inabutan na ng dilim si Paeng sa kakahanap sa anak na si Jericho, dagdag pa sa pag-alala nito dahil ang hindi na makontak na numero ng anak. Paikot-ikot lang ito sa mga kalye ng Likos. Huli na nang maisip niyang puntahan si Precy para tanungin ang tungkol kay Hector.
"pinadala ka ba rito ni Samonte? hindi ba siya makapaghintay? bueno sandali lang." pagharap ni Precy kay Paeng habang dimudukot ito ng kumpol ng pera sa kanyang drawer.
"para saan po ang pera na ito kapitana?" pagtataka pa ni Paeng nang iabot sa kanya ni Precy ang isang bundle ng pera na tag iisang libo.
"para sa pulpol niyong boss kay Samonte. At pakisabi sa kanya na ayusin niya ang serbisyo niya kung ayaw niya na papalitan ko siya. Dali kunin mo na at may gagawin pa ako." tugon ni Precy.
"Hindi po ako utusan ni Samonte, iba ang sinadya ko sa iyo dito kapitan." saad ni Paeng.
Napataas bigla ang kilay ni Precy nang marinig ang sinabi ni Paeng. Naintriga pa ito nang nilatag na ni Paeng kailangan niya sa pag punta sa opisina ng kapitan.
"kaibigan ka pala ni Jaime, oo dito siya galing kanina pero wala akong alam kung saan sa ngayon. Bakit mo nga pala siya hinahanap? sir?..." wika ni Precy.
"pasensya na kapitan, sa akin na lang iyon. aalis na po ako." tugon ni Paeng at umalis ito.
Tutok na tutok kay Paeng ang paningin ni Precy habang papalabas sa opisina niya ang lalake. Sinundan pa niya ito hanggang sa labas at nang makaalis na nga si Paeng sakay ng sasakyan nito, tinawag ni Precy si Tuti.
"Kailangan ko ang lahat ng impormasyon tungkol sa pulis na iyon, when I say lahat, ibig sabihin lahat. Pasundan mo siya." utos ni Precy sa tauhan nito na si Tuti.
"sureness madam. ngayon din"
Lumilipad ang ang isip ni Paeng sa pag-aalala sa anak, dahil wala rin ito sa kanyang bahay. Bagama't gulong-gulo ang isip ni Paeng nagpasya itong umuwi muna sa kanila. Inabutan nito ang kapatid na nanonood ng tv sa sala.