HULING PATAK

422 14 12
                                        

Papalabas na ng gate sina Maru at Paz bitbit ang payong nang mapansin nila ang sasakyan ni Paeng na paparating

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Papalabas na ng gate sina Maru at Paz bitbit ang payong nang mapansin nila ang sasakyan ni Paeng na paparating. Malayo pa lang, patakbo nang sinalubong ng dalawa si Paeng. Bakas ang pag-aalala at takot sa kanilang mga mukha.

"Umalis ka na muna rito Paeng, hindi magandang ideya na magtago-tago kayo rito. Lalo na si Fil. Galit na galit iyon sa iyo dahil sa mga pinagsasasabi sa kanya ni Ignacio. Paniwalang-paniwala ang anak mo na ikaw ang siyang pumatay kay Salvi sa ina nila." Ang nanginginig na turan ni Paz.

"Tsaka Tay, si Ignacio rin balak ka niyang patayin. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kuya niya. Kaya bukod kay Fil kailangan mo rin iwasan si Ignacio sa ngayon. Magtago ka muna hangga't mainit pa ang lahat." Ani pa ni Maru.

"Hindi ito matatapos kung hindi ko ito haharapin. Kailangan malinawan na ang lahat. Lalo na kay Fil. Kailangan niya malaman mismo sa akin ang katotohanan. Haharapin ko sila" tugon ni Paeng.

"Hibang ka ba, totoo ngang talaga ang hina ng pick-up mo pagdating sa matalinong desisyon Paeng. Hindi mo ba naisip na baka mapatay ka ng sarili mong anak bago mo pa masabi ang totoo? At si Ignacio, naniniwala ka bang maniniwala pa sa iyo iyon matapos mangyari ito sa kapatid niya? Paeng mag-isip ka naman. Palipasin mo muna ang lahat. Kami na ang bahala mag paliwanag kay Fil. Sigurado namang makikinig iyon sa amin. Huwag mo naman sanang dagdagan pa ang nerbiyos ko" mungkahi ni Paz

"Tay, sige na kami na ang bahala muna rito. Magpalamig ka na muna. " Ani pa ni Maru.

Saglit pa dumating din si Jericho, inabutan nitong nag-uusap ang tatlo sa daan. Nang malaman ang nais ni Paz at Maru, sumang-ayon din ito. Hindi man kumpormi sa hiling ng tatlo, sa pag-aalala sa kapatid at anak, napapayag din si Paeng. Saglit muna itong bumaba ng sasakyan para mayakap ang tatlo. Ngunit nang muli na itong sasakay ng kanyang sasakyan para umalis isang putok ng baril ang sumingit sa ingay ng malakas na buhos ng ulan.
Tumama ang bala at gumuhit iyon sa likurang bahagi ng sasakyan ni Paeng.

At isa pang putok ng baril. Doon na napakasa ng dalang baril sina Paeng at Jericho. Ngunit napako na lang sa pagkagulat ang lahat ng makita kung sino ang may gawa nun.

"Fil?" Sambit ng lahat.

Hindi namalayan ng apat ang pagdating ni Fil. Papalapit ito sa kanila habang nakatutok ang hawak nitong baril kay Paeng. Salubong ang mga kilay nito at nanlilisik ang mga mata sa galit. Hinarap ni Paeng si Fil nang nakataas ang mga kamay.

"Fil magpapaliwanag ako!" Sigaw ni Paeng para marinig ng anak.

"Wala na akong pakialaman sa paliwanag mong puro kasinungalingan! Pinaniwala mo akong iba ka sa lahat, ngunit mas masahol ka pa sa lahat ng kriminal! Pinatay mo sina mama. Ninakawan mo ako ng buhay at kabataan hayop ka! Alam mo ba iyon! Hinding-hindi ako pinapatahimik ng aking mga bangungot, iyon naman pala nasa tapat lang ng ilong ko ang dahilan kung bakit ako naging ulila! Magbabayad ka ngayon sa lahat ng inutang mo sa buhay ko!!! Matagal ko nang ninanais na makaharap ang demonyong pumatay kina mama!!!"

DAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon