Dahil sa mga naglalabasang mga rebelasyon, kanya-kanyang teyoriya na ang lahat.
Nagising na lang si Precy sa mga kalabog mula sa labas ng kanyang kuwarto. Sa pag-aakalang gawa lang iyon ng kanyang alagang aso na si Drag binalewala niya ito at bumalik ito pagkakahiga. Papikit na muli ito nang muli na naman ito ginulat ng mga kalabog sa labas. Bumangon na ito upang usisain ang ingay na iyon. Ngunit nang sa kanyang paglabas mula sa pinto mga bakas ng nagkalat na dugo ang nagpagimbal sa kanya.
"Anong prank ito! Daks! Pokiko! nasaan kayo! Puday!!! Mga 'tang na kayo anong prank ito!!! Nasaan na kayo!!!" Sigaw ni Precy sa mga kasambahay nito.
Ngunit wala man lang tumugon sa mga pagtawag nito. Nang magbukas ang pintuan ng veranda. Nanghilakbot ito at natigalgal sa kanyang kinatatayuan nang makita nito ang isang tao na naka-itim na raincoat, at may hawak na karit sa kanang kamay nito. Sa takot ni Precy mapatakbo ito pabalik ng kanyang silid ngunit maagap ang lalake at hinablot nito si Precy tsaka hinatak sa buhok. Hawak ng lalake ang buhok ni Precy. Todo pagmamakaawa naman ng huli nang tutukan siya nito sa leeg ng lalake ng hawak nitong karit.
"Sama-sama na tayo sa impiyerno!" Sambit ng lalake sabay guhit ng karit na hawak sa leeg ni Precy.
Tumilamsik agad ang mga dugo na sinabayan ng hiyaw at sigaw ni Precy. Napabalikwas ito ng bangon mula sa kanyang kama. Agad na sinapo ng mga kamay ang kanyang leeg, sinuri kung may bahid ito ng sugat nakahinga ito ng maluwang dahil isang masamang panaginip lang lahat. Tumayo ito at tinungo ang water dispenser para kumuha ng tubig. Papainum na ito nang magulat na naman ito sa malakas na pagkatok sa kanyang pintuan.
Gulat na may takot, Tinanong nito kung sino ang nasa labas.
"Madam si Popee ho ito. May naghahanap ho sa inyo sa labas."
"Tang-ina sila, gabi na! Hindi na ako tumatanggap ng bisita. Pabalikin na lang sila bukas!" Bulyaw pa ni Precy.
Pero nang malaman nito na ang mga inutusan niyang tao ang naghahanap sa kanya, lumabas agad ito na nagmamadali. Nang malaman ang kinahinatnan ng kanyang utos sa mga tauhan nito lalong umalburoto ang galit ni Precy. Pinalayas nito sa kanyang harapan ang tauhan.
Sa kabilang banda, dahil sa nangyari kina Paeng nabahala si Rodge dito. Kaya nang magkita muli ang dalawa, inusisa nito si Paeng sa dahilan ng pagpasok ng mga di kilalang mga tao sa kanilang bahay.
"Wala kaming matukoy na kongkretong dahilan kung bakit pinasok kami. Pero hinala ng mga nag-iimbestiga maaring hindi naman kami ang pakay at mga magnanakaw lang talaga iyon." Tugon ni Paeng kay Rodge nang tanungin siya nito.
"So saan kayo ngayon nakatira? Napadaan ako kahapon sa bahay niyo walang tao, tapos ang tindahan ni Maru nakasarado." Sabi ni Rodge.
"Inilayo ko muna sila dito, iba na rin ang nag iingat. Siya nga pala baka hindi muna ako magagawi rito. Hindi na muna tayo magkikita." Biglang sabi naman ni Paeng na ikinabigla ni Rodge.
"Teka bakit? May koneksyon ba ito sa nangyari sa inyo? Gaano katagal na hindi tayo magkikita?" Katanungan pa ni Rodge.
"Nakita nila tayo, nakita ako ng anak ko."
"Kelan? Eh di mas mabuti, hindi na natin kailangan pang ilihim sa kanila ang relasyon natin. Hindi na natin kailangan pa itago kay Maru kung ano talaga ako sa buhay mo at ano ako sa iyo. Sure ako na maiintindihan tayo ni Maru." Tugon ni Rodge na natuwa pa nga sa sinabi ni Paeng.
"Hindi si Maru ang inaalala ko, kundi si Fil."
"Si Fil? Bakit siya?...teka huwag mong sabihin na pati si Fil...tapatin mo nga ako Rafael ,may relasyon din ba kayo ni Fil?"
"Anak ko si Fil...ang totoo kong anak" pag aamin ni Paeng.
Hindi makapagsalita si Rodge sa kanyang natuklasan. Ikinuwento ni Paeng ang lahat tungkol sa tunay nitong ugnayan kay Fil. Hindi makapaniwala si Rodge na iyon ang plot twist sa buhay ni Paeng. Bagama't inamin na ni Paeng ang tungkol kay Fil, hindi naman nito nabanggit kay Rodge ang tungkol kay Jericho. Kahit sa harapan ng pagkain naging topiko parin ng dalawa ang tungkol kay Fil.
BINABASA MO ANG
DAYO
HorrorBecause of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who suddenly appears in such a community. Until a mystery is revealed that changes their suspicion.
