Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who suddenly appears in such a community. Until a mystery is revealed that changes their suspicion.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Sino ito?" pautal na tanong ni Precy sa kabilang linya.
"Huli ka balbon, bakit mo kami pinasusundan? Ano ang papel mo sa mga nangyayari sa pamilya ko?" tugon ni Paeng sa tanong ng kapitana.
Agad pinatay ni Precy ang cellphone at pinatawag ang mga tauhan nito. Hindi na ito tumuloy sa huling lamay ni Josefino. Nalantad na kay Paeng ang maskara ni Precy ngunit hindi nito mawari ang dahilan ng bakla para pasundan sila at pamanmanan. Sa paghihiwalay nila ng anak na si Jericho dali-dali itong umuwi sa kanila.Si Jericho naman ay pinuntahan si Hector. May nais din itong linawin sa mga nangyayari.
Papasok pa lang nun si Paeng sa kanilang barangay ng harangin na ito ng mga tanod sa tulay. Nabahala at kinabahan ito sa sumbong ng isa sa mga ito sa kanya.
"Paeng magmadali ka, pinasok ng mga armadong tao ang bahay niyo."
Tumalima agad si Paeng, inabutan nito ang kumpulan ng mga tao na nakikiusyoso sa bahay nila. Nagmamadali itong pumasok at inabutan si Paz na nanginginig sa takot.
"Sino ang mga iyon Paeng? ginulo nila ang bahay...ano ba ang hinahanap nila rito?" usisa ni Paz na kabang-kaba sa nangyari.
"ang mga bata? mabuti at hindi ka nila sinaktan." saad ni Paeng
"mabuti na lang kamu at nasa tindahan ako nagbabantay, walang tao rito kanina. si Maru nandoon sa burol ng kanyang lolo, si Fil naman nasa trabaho nang looban tayo." ayon sa kuwento ni Paz.
Ilang saglit pa dumating din sina Maru at Fil na magkasama. Nang makita ni Paeng si Fil agad niya itong niyakap ng mahigpit sa halip na si Maru. Nagtaka ang dalawa sa ginawa ni Paeng ngunit dahil sa nangyari sa kanilang bahay binalewala na lang nila iyon. Maging si Paz napansin ang ginawa ni Paeng.
Makaraan dumating ang mga pulis na dating kasamahan ni Paeng sa pangunguna ni Ignacio.
"pare mukhang may alam na ako kung sino ang may kagagawan nito." saad ni Paeng kay Ignacio.
"at sino naman ang may galit sa iyo para gawin ito pare? may koneksyon parin ba ito sa paghahanap mo kay Hector?" tanong ni Ignacio.
"Hindi ako sigurado pare, pero malaki ang tiwala ko na may kaugnayan ito kay Romero."
"Romero? ang psychopath killer? paano? matagal nang patay ang taong iyon diba? naikuwento pa nga sa atin ni Mang Josefino." pagtataka ni Ignacio bakit naisingit ni Paeng ang pangalan ni Romero.
"Si Precy, siya si Premo ang kapatid ni Romero. At kanina lang kausap ko siya. Pinapasundan niya kami sa tauhan niya." kuwento ni Paeng.
Lalong nalito si Ignacio sa mga pinagsasabi ng kaibigan. At sa pagtatanong pa nito kay Paeng isang sekreto ang naibulalas ng kaibigan sa kanya.
"anak ng putakte, ikaw pala ang nagtatago kay Jericho pare. Bakit ngayon mo lang ito sinabi? Alam na ba ito ni Maru at Fil?"
Tumango lang si Paeng. May napansin kasi ito sa naging reaksiyon ni Ignacio nang maipagtapat nito ang tungkol kay Jericho. Kinutuban ito ng hindi maganda kaya iniba na nito ang topiko at isinantabi muna ang impormasyong hawak niya. Sa nangyari sa bahay nila nag pasya si Paeng na pansamantala munang lumipat ng bahay. Kasama sina Maru at Fil bumalik sila sa dating bahay nila Paeng na siyang tinutuluyan din ni Jericho.