AMINAN

171 10 0
                                        

Dala na ni Fil ang order ng nag book sa kanilang app

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dala na ni Fil ang order ng nag book sa kanilang app. Ngunit nagtaka ito sa instruction ng customer.

"Anong trip kaya ng customer na ito, Bakit dito niya ako balak kitain sa madilim na bahagi ng daan? Pero imposibleng scammer ang isang ito, bayad na ang order niya." sambit ni Fil sa sarili habang sinusubukang kontakin ang umorder na customer.

Nasa gilid ito ng isang kanto  malayo sa mga kabahayan. Napuno sa bahaging iyon bagamat may mga poste sa malapit, dahil sa mga lilim ng dahon ng mga puno may kadiliman parin sa bahaging iyon.

Sa di kalayuan sa kinatatayuan ni Fil naroon naman si Nato na nagulat ng makita ang isa. Alangan itong lumapit dahil baka makilala siya nito.

"naloko na, si Fil pa talaga ang nag deliver ng in-order namin, paano ngayon ito? Bahala na."

Maya-maya pa ay tumawag na si Fil sa numero ni Nato.

"sir nandito na po ako, dala ko na po ang order niyo, eh kaso mukang wala namang tao sa bahaging ito. " wika ni Fil.

" iwan mo na lang diyan sa gater ang order ko, tapos umalis ka na." tugon ni Nato.

"sir baka pagpiyestahan po ito ng mga aso. Saan ba rito ang bahay niyo at ihahatid ko na lang."

"basta iwan mo na lang diyan, ako na ang bahala." utos ni Nato.

Nawe-weirduhan man, sinunod na lang ni Fil ang utos sa kanya. Pagka iwan ng mga in-order ng customer, umalis na din ito sa lugar. At nang mapansin ni Nato na nakalayo na ng husto si Fil tsaka lang ito lumapit sa mga iniwang order tapos agad na bumalik sa abandonadong bahay kung saan naabutan nito si Jack na hubo't hubad at nakabukakang Naka hilata sa ibabaw ng kama.

"ano nangyari sa iyo, bakit ganyan ang ayos mo?" wika ni Nato pagkalapag ng mga pagkain sa tabi ni Jack sa ibabaw ng kama.

"maalinsangan kasi, walang masyadong hangin na pumapasok kahit nakabukas pa ang bintana. Ikaw bakit ang tagal mo sa labas?" saad ni Jack.

"paano kasi sa dinami-dami ng delivery rider si Fil pa talaga ang naghatid ng mga iyan. Kaya natagalan ako."

"edi nag kita kayo?.... nakilala ka niya?"

"hindi ako nagpakita, pinaiwan ko na lang at pinaalis. Buti na nga lang at Ecash ang ginamit ko pambayad.  Oh siya banatan na natin itong pagkain habang mainit pa nang makapagpahinga tayo." sabi pa ni Nato at isa-isa na nitong nilabas sa supot ang mga pagkain.

Dala ng gutom walang imikan ang dalawa habang kanya-kanyang subo sa mga sarili.

Nasa tapat na noon ng 24/7 si Fil at pumipili ng balut para dadalhin kay Maru nang may napansin itong lalake na pumasok sa naturang tindahan.

"si kuya Hector iyon ah,akala ko ba nasa Maynila na ito? Baka nakabalik na." sambit pa ni Fil nang masiguradong si Hector nga ang nakita nito.

Halos sa tabi lang niya dumaan si Hector ngunit hindi siya nito napansin dahil nakasuot ng helmet si Fil at abala sa kakapili ng balut sa puti.

DAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon