UGAT

122 6 0
                                    

Tensionado si Precy matapos ang pag-uusap nila ni  Samonte

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tensionado si Precy matapos ang pag-uusap nila ni  Samonte. Hindi ito mapakali sa kanyang opisina. Hithit-buga ito ng sigarilyo na paparing-paring sa balkonahe nito.  Nang mapadako ang paningin nito sa maze garden niya. Hapon na nang mga oras na iyon at medyo nagbabadya pa ang masamang panahon.

Pakiwari ni Precy nang mga sandaling iyon ay may mga matang nakatingin sa kanya. Kinabahan ito kaya agad itong bumalik ng den. Tinungo ang kabinet ng mga alak at kuha roon ng whisky. Nanginginig ang kamay nito habang sinasalin sa basong may ice ang laman ng hawak na whisky . Papainum na ito nang siyang pasok naman ng katulong nito. Nagulat ng husto si Precy nang magsalita ang katulong kaya nabitawan nito ang hawak na baso at nabasag iyon sa sahig.

"Punyeta ka! Hindi ka ba marunong kumatok man lang ?!!! Tingnan mo ang ginawa mo?! Tangna kayo!" Galit na bulyaw ni Precy sa katulong.

"Sorry Madam, kuwan kasi...may tao po sa labas, nagpupumilit na makapasok. Hinaharangan na nga ng mga tauhan mo, pero ayaw talaga magpaawat."tugon ng katulong na nangangatog sa takot sa amo.

Dinampot ni Precy ang remote control at binuksan ang monitor na nandoon. Mula roon makikita nito kung sino ang tinutukoy ng katulong na nais makapasok sa gate. Napamura si Precy nang makita kung sino ang naroon sa may gate. Agad nitong tinawagan ang mga  security guards sa gate.

Bumaba ng receiving area si Precy.,  Naupo ito sa paborito nitong pulang upuan habang hinihintay ang di inaasahang bisita. Saglit pa, kasama ang apat na tauhan ni Precy... dumating sa silid na iyon si Hector na nagpupuyos ng galit kay Precy.

Mura agad bungad na salita ni Hector nang muling makaharap ang Kapitana.

"And what made you think na sasaktan ko si Maru?! May rason ba  para akusahan mo ako ng ganyan?! Kahit kailan never sumagi sa isip ko na gantihan ka sa kabila ng pangloloko mo sa akin.  Twenty four years ago Jaime. Ganun na katagal. Sa tingin mo ba ganun parin ako kainteresado sa iyo?!"  Galit na tugon ni Precy kay Hector.

"Baliw ka Premo., Alam ko na hindi ikaw ang tipo na madaling makalimot. Subukan mo lang na saktan o dampian man lang ng kamay mo ang anak ko. Hindi mo gugustuhing kinalaban mo ako." Wika pa ni Hector.

"Oh shucks, grabe. Tingnan mo dear, nanginginig ang laman ko sa takot. Takot na takot ako sa iyo Jaime.  Tila hindi mo yata naaalala kung sino ang kaharap mo ngayon at kung nasan ka! Kulangot ka lang kung tutuusin. Kaya kung may halaga pa sa iyo ang buhay mo. Umalis ka na dito, at huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin.Dahil baka nga makalimutan ko na minsan...minahal kita! Ilabas na iyan dito. "

Matapos makaharap si Precy, nakumpirma na nito na hindi sila ang puntirya ng kapitana. Gayunpaman hindi nagpakasigurado si Hector sa tinuran na iyon sa kanya ni Precy. 

Nadagdagan pa ang pagkabalisa ni Precy dahil sa pag-aakusa sa kanya ni Hector. Hindi parin ito mapirmi sa isang tabi. Muli na naman nitong tinatago ang malapad na espasyo ng kanyang den area. Pabalik-balik lang ito ng lakad habang tinutungga ang bote ng whisky na hawak. Maraming mga bulong ang gumagambala sa isip nito. Na kahit ang mga nirekomendang sleeping pills sa kanya ng kanyang doktor ay hindi na tumatalab.

DAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon